Chapter 25. The Fight Night

181 1 0
                                    

Napagdesisyunan namin na sa Greenhills Promenade pumunta. Habang naglalakad kami at medyo nauuna lang siya ng konti. Naisip ko kung gaano ko namiss yung mga lakad naming ganito. Nakakamiss pala talaga ang bestfriend.

“Where would you like us to eat?” Tanong niya pagharap sa akin.

“Ikaw na bahala magdecide.” Sabi ko saka ngumiti sa kanya.

“I missed that smile.” Sabi niya saka tumalikod na siya ulit.

*blush* :”>

Abnormal talaga. *iling-iling*

“Bakit parang ang hina mo kumain ngayon?” tanong niya sakin with matching simangot.

“Ha? Mahina ba yan? Eh ang nakaka 1 and a half rice na ko.” Tinuro ko ung plato ko sa kanya.

“Oo! Di ka naman ganyan dati e. Nakaka apat na rice ka nga sa Mang Inasal e.” Nakangiti niyang sabi.

“Hoooy! Maliliit naman kasi yung serving nila ng refill dun. OA ka!” Muntik ko ng mabuga yung iniinom kong root beer.

“Basta! Kumain ka ng kumain dyan. Treat ko naman to e. Tignan mo nga yang sarili mo, payat ka na nga, lalo ka pang namamayat.”

“Eh ever since the world began ganito naman na talaga ko ah.”

“Wushuuu! Baka naman kasi di ka pinapakaen ni Mario pag nagde-date kayo?” Humina ng konti yung boses niya.

“Hindi aa! Lagi na nga lang kami kumakain e. Bakit ba ganyan kayong mga lalaki! Ang hilig niyo pakainin kaming mga babae tapos pag tumaba ng konti, maninita kayo. Gulo ha!”

“Wag mo i-generalize. Payat ka man o mataba, kaw pa din best friend ko. Kaya kain lang ng kain dyan! Waiter! Pa-refill nga ng root beer!”

“Dami mo alam!” Sabi ko sa kanya sabay subo ng kanin sa bibig niya. “HAHAHA!”

Grabeeee! Puputok na ata tong tyan ko sa sobrang kabusugan. Nakakaantok tuloy.

*yawn*

“Yosi lang ako.” Paalis n asana siya ng bigla kong hatakin sa kamay niya yung isang pakete ng Marlboro Red.

“At kelan ka pa nanigarilyo ulit?” Hinagis ko sa pinaka malapit na basurahan samin yung sigarilyo niya.

“Oyyyyy!” Hahabulin niya sana yung lumilipad na pakete ng yosi papuntang basurahan kaya lang di niya naabutan.

*smirk* Napangiti ako kasi di niya nahabol.

“Bat mo ginawa yun?” Tanong niya sakin. Mahinahon pero firm.

“Di ba napag-usapan na natin yan dati. Na di ka na magyoyosi ulit?” Nakatingin lang ako sa mata niya.

“So? I think you’ve crossed the line.” Nagulat ako sa sinabi niya. Yung tono pa ng boses niya, COLD.

“Ha? What do you mean?” Di ko pa din nilulubayan yung mata niya. Titig lang Ish. Wag kang papahalata na kinakabahan ka na.

“What do I mean?” Napasmirk siya pero sarcastic ung tono. “Gaddameet Ishi! Don’t act like your my mom in here. Hindi kita nanay para gawin mo yung mga bagay na ganun sa kin. And you’re not even my girlfriend, so STOP ACTING LIKE ONE!” Nagulat ako sa mga sinabi niya. Parang estatwa akong nanigas sa kinatatayuan ko. I feel like I am gonna cry. Ish, wag kang iiyak!

“Tara na.” Sabi niya sabay hatak sa braso ko.

“No.” Tinanggal ko yung kamay niya sa braso ko habang nakayuko.

“Tigilan mo yang pagarte mong ganyan as if you’re the one offended here.” Firm pa din yung tone ng voice niya. “Tara na.”

“Sa tingin mo sasama ako sayo pagkatapos mong sabihin yung mga bagay na yun kanina? What do you think of me? STUPID?”

“Tss.” Hinawakan niya ulit yung braso ko.

“DON’T YOU EVER TOUCH ME!” Tinanggal ko ulit yung kamay niya saka nagwalk-out. I must get out of here.

“Where do you think you’re going?” Sigaw niya sakin.

Di ako sumagot. Dumiredirecho lang ako papuntang sakayan ng taxi. Lumingon ako sa likod. Aba, di man lang ako sinundan. Arggghhh! 

==========================================

Sorry po bitin. Hehhehehe. Mua! :* 

A Best Friends' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon