Chapter 49. Twisted

58 0 0
                                    

Isang linggo ang nakalipas. Hindi na ulit nagparamdam si Lee kay Ishi. Isang linggo na din ito pumapasok sa school at hindi nagkakakain. It was Ishi’s first time to feel empty and lifeless.

“Baby?” Narinig niya ang malumanay na boses ng Ate Iya niya. “Mom cooked your favorite mushroom soup. Have some para sumigla ka na ulit.”

“Wala akong gana.”

Nilapitan siya ng Ate niya at hinaplos-haplos ang buhok. “You’ve lost a lot of weight, Ish and it’s not healthy. I don’t want to see you falling apart like that. It breaks my heart.”

Napayakap si Ishi kay Lia sa sinabi nito. Tanging ang Ate Iya lang niya ang taong kaya niyang kausapin. “Sorry Ate.” Tuluyan ng nag-breakdown si Ishi sa Ate niya. Pakiramdam niya na everything is already falling apart since Lee left him hanging.

“Sssshhh. Tahan na baby. Andito lang si Ate para sayo.”

“Hindi ko kaya Ate. Hindi ko kayang malayo si Lee sa akin. I don’t know what’s coming ahead of us.”

Kinagabihan nun ay umalis si Iya dahil duty siya sa ospital. Tanging ang Mom lang niya ang naiwan sa bahay. Umalis din ang Dad ni Ishi. Narinig niya na may aasikasuhin lang daw ito.

Hawak ni Ishi ang kanyang phone habang tinititigan ang picture nila ni Lee na masayang-masaya pa. Hindi niya mapigilan ang maiyak na naman tuwing maalala ang happy memories nilang dalawa. “Lee.” Sambit niya sa sarili.

Pero ilang sandali lang ay biglang siyang nakaramdam ng paninikip sa dibdib. “Hi-hindi a-ako maka-hinga. Hah. Hah. Hah.” Hinigpitan niya ang kapit sa hawak-hawak na cellphone. “Tu-tulungan ninyo a-ako.” Patayo na sana siya ng biglang matumba siya sa side table ng kama. Natumba ang minimalist lamp na bigay sa kanya ng Ate Iya niya.

Nagmamadaling tumayo mula sa pagkakatulog ang Mom ni Ishi. Kinabahan siya dahil nanggaling ang kalabog na parang nahulog mula sa kwarto ng bunsong anak. Dali-dali niyang binuksan ang pintuan ng kwarto nito at nabigla siya sa nakita.

.

.

.

.

.

Nakahandusay sa ibaba ng kama ang kanyang anak.

Mabuti na lamang at malapit lang ang ospital mula sa condominium na tinitirhan nila.

“Kaano-ano niyo po ang pasyente?” Tanong ng isang nurse sa Mom ni Ishi habang naghihintay ito sa waiting area sa labas ng emergency room. “I’m Miranda Berenguer. She’s my daughter. How is she, Nurse?”   

“Doctor Yu wants to talk to you, Mrs. Berenguer.” Seryosong sabi ng nurse.

“Can you page my other daughter, Nurse? She’s also a doctor here. Dr. Lia Berenguer of Cardiology Department.” Sabi niya sa nurse bago niya kinausap ang doctor na kasalukuyang tumitingin sa anak.

Nakarating si Mrs. Berenguer sa isang opisina sa loob ng emergency room. Nadatnan niya rito ang isang early 30's na doctor at nakita ang name plate nito sa kaliwang dibdib. ‘Anton Yu, MD’. Napansin niya ang CARDIOLOGY sa ilalim ng pangalan nito.

“Good Evening, Mrs. Berenguer.” Nakipag-kamay ito sa kanya. “I’m Dr. Yu of Cardiology Department. Have a seat.” Kahit na nginitian siya na nito ay nakaramdam siya ng kaba at nerbyos. Meron siyang hindi magandang kutob para sa bunsong anak.

“Okay, Mrs. Berenguer. As you can see, this were the tests we conducted to your daughter earlier to diagnose her condition.” Ipinakita sa kanya ng doctor ang mga papel na sinasabing resulta ng mga tests na ginawa sa anak. “These results are from her ECG, blood tests, and x-ray. She still need to undergo MRI and 2D echo for further tests to confirm her condition.”

A Best Friends' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon