Chapter 43. The Revelations

142 1 1
                                    

Hindi ako nakatulog. Katabi ko si Ali sa kama at tulog na tulog pa siya. In less than an hour, sisikat na ang araw. Tumayo na ako para maligo. Wala rin akong ganang kumain. I feel so weak and empty.

As I stepped into the shower, the cold sensation of the water is chilling me. I can see the genuine smiles of Lee inside my head. I miss him. Thinking of him made me cry once again and I screamed without a voice coming from my mouth.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa loob ng shower. Ang tanging alam ko lang ay iniyak ko na ang lahat. Pagod at lungkot ang bumabalot sa pagkatao ko. Papunta na kami ngayon sa hospital ni Ali.

“Bexx. Are you sure you don’t want to eat? Nag-aalala na ako sayo. You look so pale. Wala ka pang kinakain simula kagabi.”

“Okay lang ako.” Hindi ako tumingin sa kanya. Wala talaga akong nararamdamang gutom.

“Please you need to eat. Kahit konti lang. Coffee or anything that will warm your stomach.”

“Sige.”

Bago kami umakyat ng ICU, binilhan ako ni Ali ng kape sa coffee shop. Sakto habang umoorder siya ng kape, ay nakita ako ni Ate.

“Kamusta si Lee, Ate?” Buong pag-aalala kong tanong sa kanya.

“There are slight changes, Baby. Though he’s still unconscious, stable na ang vitals niya. Natakot kami kagabi kasi muntik na siyang mag-arrest nung maghahatinggabi, mabuti at napuntahan ko agad.”

“Mabuti kung ganun, Ate. Pwede ko na ba siyang makita?” Yun lang. Yun lang ang gusto ko sa ngayon. Kahit sulyap lang.

“Oo. Maaari na. Pag nagtuloy-tuloy ang changes at nagimprove ang vitals niya, pwede na siyang ilipat sa private room.” May parang kumurot sa puso ko. Mabuti at pwede ko na siyang makita.

“Sana magtuloy-tuloy na ang improvement niya. Thank you Ate.”

Pagkatapos ko uminom ng kape, dumirecho na kami sa ICU. Sinabi ni Ate na kailangan kong magsuot ng sterile gown at cap since ICU nga daw yun at standard procedure ang ganun.

“Sige pumasok ka na Baby. Isa-isa lang ang pwede pumasok kaya pasok na.” Nag-smile siya sa akin.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto niya sa ICU.

Hindi ko napigilan ang maiyak. Nakakapanlumo ang itsura ni Lee. Parang binugbog ang mukha niya sa dami ng sugat at pasa. May benda ang ulo at mga binti niya. Marami din siyang sugat sa braso. Maraming aparato ang nakakabit sa katawan niya. Nilapitan ko agad ang nakaratay niyang katawan at hinawakan ang kamay niya.

“Lee, andito na ko.” *sniff* “Gumising ka na ha. May date pa tayo di ba? Wag mo akong iiwan ha. Sasagutin pa kita e. Lee, kung naririnig mo man ako. Gusto kong sabihin sayo na mahal na mahal na mahal kita. Kaya gumising ka na jan at hinihintay na kita dito ngayon.” Humahagulgol kong hinalikan ang noo niya.

Laking gulat ko ng makita kong may luha na tumulo mula sa gilid ng mga mata niya. Naririnig nga niya ako.

“Lee. Wag kang bibitaw ha. Lumaban ka para sa ating dalawa. Kaya mo yan ..

I love you, mahal ko.” Alam kong soon enough magbbreakdown na naman ako kaya napagdesisyunan kong lumabas na.

Paglabas ko ng ICU, nagulat ako kasi biglang may tumunog na beep. Nagmamadaling pumasok si Ate at nagtawag ng CODE BLUE sa mga kasamahan niya. Nakita ko sa glass window na parang kinukumbulsyon si Lee.

A Best Friends' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon