Chapter 42. Turn of Events

143 1 5
                                    

"Hello?"

[Ishi?]

"Speaking. Sino to?" Lalaki yung kausap ko.

[Ishi, si Hero to.] Ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Kinukutuban na ako.

"Napatawag ka Hero? Anong meron?" Lord. Wag naman po sanang masama ang kutob ko. Please.

[Ishi ...] Long pause

"Bakit Hero? Anong problema? I know it's unusual for you to call me at this moment. Please tell me. Anong nangyari?" Naiiyak na ko. Sana hindi masama. Sana hindi masama.

[Si Lee.] Alam kong he's gathering a lot of courage to tell me what is happening.

"Please Hero. Don't prolong the agony. Anong nangyari kay Lee?" Naiiyak na talaga ako.

[Naaksidente siya. Nabundol ng trailer truck ang sasakyan niya. I think papunta siya jan sa inyo ng mangyari ang aksidente.] Then and there I was stunned. Nabitawan ko ang hawak kong phone at napaupo. Tears suddenly fell on my cheeks. Pakiramdam ko ay na-giba ang mundo ko.

"Hello Hero? Si Ali to. Anong nangyari? .... Ha? Naaksidente si Lee? Nasaang ospital kayo? Osige pupunta na kami jan."

"Nasa ospital niyu daw sila Ate Iya." Sabi ni Ali kay Ate.

"Hang on there Baby. Pupuntahan natin si Lee." Itinayo ako ni Ate from the floor.

Habang nasa sasakyan kami ni Ali papunta ng St. Lukes hindi ko mapigilang humagulgol. Ito ata ang kaba na naramdaman ko simula pa kaninang umaga. Lord wag naman po sana grabe ang lagay ni Lee. Marami pa kong gusto sabihin sa kanya.

"Save your energy Baby. Kaya mo yan!" Naiiyak na din si Ate pero alam kong pinipigilan niya para sa akin.

"Pero Ate .." *sniff* "Paano kung .." *sniff* Hindi ko na kinaya kaya nagbreakdown na ako.

"Kaya mo yan Bexx. Magpakatatag ka for Lee." Nag-aalalang sabi ni Ali.

Pagdating namin sa ospital, sinalubong kami ni Hero.

"Mabuti naman at dumating na kayo." May halong pag-aalala ang tono ng boses ni Hero.

"Kamusta na si Lee?" tanong ko sa kanya. Medyo kalmado na ako.

"Kasalukuyan siyang nasa operating room Ishi."

"Anong oras ba nangyari ang aksidente?" tanong ni Ali.

"Yung mismong pagtawag ko sa inyo, kinontak ako ng mga pulis. Nakita daw kasi ng mga pulis ang ID ni Lee na may pangalan ko. Ako kasi ang contact niya in case of emergency e."

"Ali, bantayan mo muna si Ishi. Pupunta lang ako sa surgery department kung ano na ang lagay ni Lee." Sabi ni Ate. Lutang na lutang ang pakiramdam ko. Any minute magbebreakdown na naman ako pero pinipilit kong maging okay. Alam kong kailangan kong maging malakas para kay Lee.

"Osige po Ate Iya. Ako na muna ang bahala kay Ishi." Sabi ni Ali kay Ate bago ito umalis.

"Yung ba yung Ate ni Ishi na surgeon?" tanong ni Hero kay Ali.

"Oo siya nga. Ikaw lang ba ang andito?"

"Oo e. Wala naman immediate family member si Lee dito sa bansa e. Tinawagan ko na si Tito Logan at Tita Veronica pero I think sa voice mail nila makukuha yung tawag ko."

"Yun ba yung parents ni Lee? Bakit ganun parang pangalan palang mukhang nakakatakot na." Nakatulala lang ako habang nakikinig sa pag-uusap nila.

"Oo. Tara dun muna tayo maghintay sa may labas ng operating room complex."

A Best Friends' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon