Chapter 27. Library Chaos and My Bexfriend Forever!

185 1 2
                                    

Alas-otso ng umaga andito na ako ngayon sa school library, tinatapos mga requirements ko sa mga subjects. Magsesembreak na kasi. Ohmeeen! Ang dami daming kelangan tapusin. I should call for help.

Calling Bexx <3 …

“Hello Bexx!”

[Oh? Bakit napatawag ka?]

“I need your help. Andito ako sa school ngayon. Punta ka ASAP.”

[Bakit anyareeeh? Teka stuck up ako dito sa EDSA, as usual traffic.]

“Ah ganun ba. Sige puntahan mo ko dito sa school library pagdating mo.”

[Yes madam.]

“K. Bye. Ingat!”

*growl*

Halaa. Gutom na mga alaga ko. Di nga pala ako nagbreakfast. Sheez!

“OMG! Nakita nyo ba sya sa news. Kasama nya yung international model sa birthday celebration ni Glaxa G.” Girl 1

“Oo nga. Bagay na bagay silaaaa!” Girl 2

Nagulat ako kasi biglang umingay yung library. Hindi ba nila alam na nasa library sila. Tinignan ko kung sinong bantay ng library.

-_-

Pasalamat sila hindi si Mrs. Maruha ang bantay ngayon. Kundi kanina pa sila nasigawan. Pft! Tigilan mo na pagsasalita sa isip mo Ish. Tapusin mo na yang ginagawa mo.

Nakakaloka ateng! Ang hot niya tignan sa suot niya ngayon.” Beki 1

“Koraaak madam! Yummmeeeyyy!” Beki 2

Paano pa ko makakapagconcentrate sa ganitong environment. Sino ba kasi yung dumating at nagkakagulo ng ganito yung mga tao.

Hindi ko na kaya yung ganitong ingay. Naiinis na ko.

*Tumayo sabay bagsak ng libro sa table*

“SHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!” Badtrip na mga tao to.

Buti epektib. Nahiya ang mga maiingay. Tinignan ko yung table kung saan nakaupo yung lalaking pinagkakaguluhan. Nagulat ako nung tumabi yung isang lalaking kasama niya.

Si Lee?

Tumingin siya sa side ko. Pero parang walang nakita. So snob-an pala tayo ah. Fine!

Ipinagpatuloy ko yung pag-gawa ng requirements ng dumating si Ali.

“So-rry Bex. Naka-kalo-ka yung tra-ffic. Ha-ggard-ness.” Hingal na hingal pa niyang sabi.

“Okay lang.” Di ko siya tinignan. Tuloy lang ako sa pagsusulat.

“Uyy Bex! Keri ka lang ba jan? Mukhang badtrip ka ah. Anyaareeh?” Kinakalabit niya ako.

“Mamaya ko na ichichika sau. Gawin mo naman tong requirement ko sa Social Science.” Binigay ko sa kanya yung yellow pad tsaka xerox ng mga notes.

“So eto pala ang kailangan mo sakin?” Napataas yung kilay niya.

“Uu. Sigeeee naaa. Mamayang hapon na deadline niyan e. Minor lang naman kaya okay lang na ikaw na gumawa. Tatapusin ko pa din kasi tong requirements ko sa AutoCad. Puhhhleeeaaseee?” Nagpuppy eyes na ko sa kanya.

“K fine! But you owe me a cup of coffee and your chika ha!”

“Oo!”

“Ano bang kailangan gawin dito sa yellow pad and xerox copy ng notes?”

“Essay Bex. Alam kong magaling ka dyan. Need lang ng opinion about jan sa mga notes.”

“Geh. Give me an hour.”

“Yehey! Thanks Bex!” Ikikiss ko siya dapat sa cheeks kaya lang hinarang niya yung kamay niya.

“Ituloy mo na yang ginagawa mo jan.” Bago ako magsulat tumingin ulit ako sa way nila Lee. Nagkwekwentuhan sila ng mga kasama niya 

*yaaaaaaawwwwnnnnnn*

“Nakakapagod. Ansakit na ng kamay ko. Pagkatapos magsulat, nagtatype naman ako ngayon. Nakaka-antok na.” Tinaas ko yung kamay ko para maginat-inat.

“Teka Bex. Magdadalawang oras na tayo gumagawa dito pero kumain ka na ba?” tinaasan na naman niya ako ng kilay.

“Hindi pa.” Umiling ako.

“Kaya naman pala wala kang energy. Tignan mo 2 hours ka na gumagawa. Di mo pa din natatapos yang requirement mo sa isa mong subject.”

“Ah ganun ba un.” Napakamot ako ng ulo.

“Haaay nakoooo. Ligpitin muna natin yang mga gamit mo. At kumain muna tayo.”

“Ah-eh ocge.” Hinila niya yung kamay ko after namin magligpit ng gamit.

Andito kami sa school cafeteria. Sabi ko kay Ali dito na lang kami since kailangan namin magmadali.

“Wog notin togolon koomoin oh.” Sabi ko kay Ali habang ngumunguya.

“Oo. Pero wag ka naman magsalita habang ngumunguya. Nawawala ang table manners e.”

*nod*

“Teka bex. Ano ba ung chika chika mo?”

“Ah yun ba? Ayun. Nagaway kami ni Lee nung isang gabi.”

“Eh? Bakit anyaaareeehh?” sabay kagat niya sa sandwhich.

“Nagdinner kami last night sa GH e. Tas after kumain nagiba mood niya. Sabi niya magyoyosi lang daw  siya. Tas ako naman inagaw ko yung cigarette pack sa kanya saka hinagis sa basurahan. Ayun.”

“Yun lang? Dahil lang sa yosi nagaway kayo? Wow ah. So babaw the reason.” He rolled his eyes.

“Ayun nga e. Ewan ko ba. Nagulat din ako sa reaksyon niya. Minura pa niya ko.” Lungkut-lungkutan na naman ang peg ko.

“Nakooo Bex ah. Wag na wag sakin magpapakita yang Lee na yan. Kairita. Inaaway ang sister ko.”

“Thanks Bex.” Niyakap niya ko. Naiiyak na naman tuloy ako.

“Ayyyt. Tara naaa. Marami pa tayong gagawin.” Tumayo na kami saka bumalik sa library.

Pagbalik namin ng library, napansin kong wala yung grupo nila Lee dun sa kabilang table. Mabuti naman. Para makapagconcentrate ng maayos. 

==================================================

Pasensha na po if mejo natagalan yung pagupdate. Hehe. 

Thanksss! :* 

A Best Friends' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon