Chapter 36. Cooking Master Boy :))

183 0 0
                                    

“Lee?”

“Uyy nandyan ka na pala my lovessss.” Ha? Ano daw? Tama ba yung pagkakarinig ko? My lovesss daw?

“Anong ginagawa mo dito?”

“Nagluluto. Nakikita mo na nga Ish e. Nagtatanong ka pa. Ikaw talaga.” Nagulat ako kasi bigla niyang kinurot yung pisngi ko.

LAB DUB. O.O 

“Hoy! Maka-kurot ka ah. Teka, hubarin mo nga yang apron ni Ate. You look so GAAAAY! HAHAHAHA!” Hawak-hawak ko yung tyan ko sa sobrang tawa.

“Grabe ka naman my lovessss. Wag mo naman akong pagtawanan. Eto kasi yung nakita ko jan sa kitchen nyo e.” Nagpout siya. Ayy ka-cute naman ng nilalang na to. Hihihihi

“Teka. Paano ka pala naka-pasok dito?” Umupo ako dun sa mini bar ng kitchen namin.

“Uhm. Pumunta ko sa ospital ni Ate Iya tas nagpaalam kung pwedeng magluto dito sainyo. Ayun, binigay niya sakin tong susi nyo. Hehehe.”

“Baliw ka talaga! Nang-abala ka pa!”

LAB DUB. 

Hala! Ano yun? Ang taray ng puso ko ha. Maka-react wagas.

“Ang dami mong alam!”

“Ako pa! I’m the MIGHTY LEE EARL!” tinaas niya yung dalawa niyang braso na parang sasali sa weightlifting competition. “Umupo ka na dun sa dining table. Malapit na tong maluto.” Inalalayan niya akong bumaba from the mini bar chair.

“K. Fine. Bilisan mo nagugutom na ko.”

“Masusunod po, mahal kong Ishi.” Nag-bow siya.

Pagkatapos kumain ...

O______O

“Oh! Bakit nakanganga ka lang jan!? Para kang nakakita ng multo ah!” sabi ko kay Lee habang pinupunasan yung bibig ko. “Burp!”

“Eh kasi naman Ishi. Nahiya naman ako sa plato mo. Simot na simot. Parang kanina lang, ga-bundok na kanin ang laman niyan.” Namimilog pa din yung mga mata niya.

“Sooowsss! Di ka pa nasanay. Para namang ngayon mo lang ako nakitang ganito kumain. Hahahahaha!”

“Bilib talaga ko sayo. Siguro kung ibang lalaki ang kaharap mo at ganyan ka kumain, malamang kanina pa yun nagwalk-out at naturn-off sayo.”

“Grabe ka naman! Tsaka wala kong pakielam sa kanila! Eh di maturn-off sila. Sorry na lang sila, ganito talaga ako e.”

“HAHAHAAHAHAHA! Wala ka talagang kupas my lovessss. Kahit na para kang HALIMAW kumain, maganda ka pa din sa paningin ko.” Nakangiti na siya ngayon.

LUB DUB.

“Tigilan mo nga yan!”

“Uyyy nagbublush siya. Yieeeee! Thank you Ish. Nagustuhan mo tong niluto ko. Nagpaturo pa ko kay Yaya Puring gumawa niyan.”

“Ewan ko sayo! Hmmmmp!” Nagiinit na yung mukha ko. Kaya tumayo na ko ng table.

“Oh! San ka pupunta?”

A Best Friends' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon