Chapter 35. Open Air Meeting

152 0 0
                                    

Kinabukasan nakipagkita sakin si Ali kasi kailangan niya daw akong makausap.

So, andito ako ngayon sa isang juice bar sa High Street. Hinihintay ang magaling kong kaibigan. Ako kailangan niya pero siya naman yung late. Umagang-umaga namumutiktik ng artista tong juice bar na to. After 30 minutes nakita ko na din si Ali na naglalakad papunta dito sa meeting place namin. May hawak siyang laptop bag at naka sunglasses.

“Well, well, well. Kanina pa po ako dito. Ano bang kailangan mo ha Bex?” tanong ko sa kanya habang naka taas ang aking mga kilay.

“Teka. Mamaya ka na maglitanya jan. Let me set-up this laptop first.” Nilabas niya yung Macbook Pro niya saka kinalikot. Ano kayang binabalak nito.

“Kuya! What’s the password of you’re wifi?” tanong niya dun sa lalaking gumagawa ng smoothies.

“Jamba Juice po sir!” mega smile naman si kuya.

“Ang taray mo Bex ah. Kapal lang ng face hingiin yung password nila dito pero di ka pa umoorder. Tikas ah!” sita ko sa kanya.

“Oo oorder ako mamaya. Relax ka lang jan. Libre pa kita jan e.” Oo na ikaw na mayaman!

“Okay fine. Pwede bang bilisan mo jan at naiinip na ko dito. Pinapatay na ko ng curiosity sayo e.” Naiirita ko ng sabi sa kanya. Dami talagang arte ng baklang to. Hehehhee.

“Eto na, eto na.” Pagkatapos niya sabihin yun e saka niya hinarap sakin ung laptop niya.

“Magsskype tayoooo?”

“Oo nakikita mo naman sa screen di ba?”

“At sino naman kakausapin natin jan?” tinaasan ko na naman siya ng kilay.

“Quit that pagtaas-taas mo ng kilay pwede ba Bex? Wait ka lang. Eto na oh.” Bigla na lang nagpop sa screen sila Lyla at Syd. O____O Anong meron? Mukhang may emergency meeting ah. HAHAHA.

[Hi Ish! Hi Ali!] Sabay na bati nila Lyla at Syd.

“Ohmyyy! Namiss ko kayo mga teeee! Asan ba kayo? Mukhang ngayon lang kayo nagparamdam ulit ah.” Sabi ko sa kanila with pure excitement.

[Si Ms. Author kasi e. Nakalimutan na ata na part kami ng story niya. Hahahaha! Kidding! Nandito kami ni Syd ngayon sa Baguio for our tourism educational kemper.] Makulit na sabi ni Lyla.

“Ahhh. Kaya pala kalian pa kayo jan?” tanong ko sa kanila.

[Kahapon pa. 1 week daw kami dito sabi ng professors namin e. Madami daw kaming activities na gagawin.] sabi naman ni Syd habang kumakain ng strawberry.

“Ayyyy nakoooo mga teeee! Mukhang may sasabihin si Ishi satin kaya ako nagpatawag ng open air meeting.” Sabi ni Ali.

“Open air meeting????” nagtataka kong tanong sa kanya.

“Open air. Malamang nandito tayo sa labas ng juice bar. Hahahahaha!” Buang na tong si Ali.

[HAHAHAHAHA! Baliw ka talaga Ali!] Tawang ng tawa si Syd at Lyla.

“Spill mo na kase yung sasabihin mo Bex.” Sabi ni Ali sakin sabay tulak.

“Aray ko naman! Ano ba kasi yang mga pinagsasabi niyo na iispill ko?”

A Best Friends' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon