"Papasok na po. Masama ba na magpaalam sa kanila," sagot ko habang pababa ng hagdan. I saw my Mom waiting downstairs glaring at me. I smiled na parang walang nangyari.
"Bye Mom," then I kissed her. Nakakailang hakbang pa lang ako ngunit naglakad ako patalikod pabalik kay Mommy.
"Hingi akong pera."
Tinaasan niya ako ng kilay. "Anong ginagawa ng ipon mo sa taas?"
"Eh, Mom alam-I know, I know, sa idol mo 'yon." She's really my Mom.
"Kamsahamnida," then I bowed. My Mom just laughed at binigyan ako ng halik sa pisngi.
Okay, nabanggit ko na ba sa inyo na papasok ako? I think, Mom already mentioned that earlier. Pagkalabas ko ng Subdivision, nag-abang na agad ako ng jeep na masasakyan papuntang School ko at hindi naman ako pinaghintay. Yes, you heard it right. Hindi naman siguro kayo nagtataka 'di ba? Sa subdivision kami nakatira pero nagdyi-jeep lang ako. Simple lang naman kasi ang pamumuhay namin, yung normal lang. Hindi mahirap, hindi ko rin masasabing mayaman. May trabaho sina Mom and Dad na sapat na para mabuhay kami. May kotse kami pero walang driver. My Dad? He's in Japan now with my lil bro. Anong ginagawa? I don't know, really.
I'm in Grade 12 now at La Mariano University. Habang nililipad-lipad ng hangin ang buhok ko, magkukwento ako. Did I mention earlier na fangirl ako? That poster thingy na nabanggit ko kanina, oh my gosh! Kinikilig ako kapag naaalala ko sila.
Do you know EXO? A legendary boy band na pinakasikat na idol group hindi lang sa Korea, kundi worldwide! They're composed of 9 members at lahat sila gwapo, hot, talented at hot ulit!
Super adik ako sa kanila simula nang mapanuod ko sila sa Music Channels na nagpeperform. Grade 7 ako 'non, I think. My room, puro mukha nila ang mga nakadikit, may mga albums, iba't ibang klase ng merchandise, pumupunta rin ako sa mga concerts nila basta lahat ng ginagawa ng pagiging fangirl. Todo support ako ni Mommy dahil oh well, fangirl din lang naman siya. Cool right?
Marami pa naman akong ini-stan na group pero mas mahal ko talaga sila. Kinikilig ako! Napasubsob ang mukha ko sa likod ng katabi ko nang huminto ang jeep. Tiningnan naman niya ako. Nagpasimple nalang ako na parang walang nangyari. Shocks, kahiya ah.
Oh? Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng School. Kung hindi ko pa napansin ang ibang pasahero na estudyante na bumababa, baka nakalampas na ako.
Magkaiba ng building ang College at K12. Agad akong nagtungo sa room ko na nasa 2nd floor. Pagkapasok ko, hindi na ako nagulat sa kung ano mang ginagawa nila.
Guess what? They're watching Kdramas. Yes, this early. Inuuna pa nila 'yan imbes na maglinis ng classroom. Kung titingnan, dalawang grupo ang nagtitipon-tipon. Ang iba kong classmates, may kanya-kanyang ginagawa. Nilapitan ko naman ang tatlo kong kaibigan na parang mga iiyak na.
"Hey! Galaw galaw naman," panggugulat ko.
"Brielle! Can't you see, tutulo na sana ang luha ko. Epal ka!" Leila said it as she wiped her tears kuno. Parang wala naman.
"Ano ba 'yan?" Sinilip ko naman ang pinapanuod nila. Moon Lovers?! We've already done watching that.
"Ey, napanuod na natin 'yan ah." Lumingon naman sa akin si Yacy na may luha pa ang pisngi. "Oo nga, nakikinuod lang ulit," then she faced the laptop again. Napailing nalang ako habang binababa ang bag ko sa upuan. Makikinig nalang ako ng music. Mga kanta ng EXO ko!
"Ay Brielle! May news ako, and guess what? May concert sa bansa ang EXO!!"
Nakahigh-volume na ang music na pinapakinggan ko ngunit hindi nakaligtas sa panrinig ko ang mga narinig ko kahit hindi masyadong malinaw. Tinanggal ko ang headset sa tenga ko at tumayo.
"Legit ba 'yan, ha, Suzy?!" I yelled as I held her shoulder at inalog-alog ko pa.
"Eh? Narinig mo pa 'yon kahit nakaheadset ka? Pero, AAAHHHH! Oo, legit! Kanina ko lang nabasa sa Twitter!" Ang alam ko lang, sumisigaw na kami with matching talon pa. Nakisama na rin sa amin sina Leila at Yacy.
"Oh my gosh! When?"
"August daw!" I stopped and stared at them. Then, sumigaw ulit ako pati sina Leila.
"Hey! Queit, were watching!" sigaw rin ng mga classmates namin.
***
Hanggang sa magbreak-time, pinag-uusapan pa rin namin yung about sa concert. Hello, EXO 'yon! EXO!
"I heard na may bagong iri-release sila na album at kakantahin nila sa concert," sabi ni Suzy.
"Saan mo naman narinig?" sabay subo ng pizza.
"Sa kabilang section." Nakakainis! Why I didn't know that? Well, buhay outdated ako ngayon. Walang load ang WiFi sa bahay.
"Ey, kailan ang ticket selling?" Tumingin silang lahat sa akin at ngumiti.
"What?!"
"This SATURDAY!" They said in unison.
***
Author's Note: Hi. EXO-L here! Muti-fandom din :) though, hindi PA ako nakakapuntang concert ng kahit anong Kpop group. Soon 'yan. Haha. Sino na nakapunta sa kahit anong concert? Share naman d'yan! Please read this story. Thank youuu~
BINABASA MO ANG
Love Or Hate
Подростковая литератураBrielle Aesha Neval, she's a certified fangirl of K-Pop. Laging present kapag may concert sa bansa ang mga idol niya. Sa hindi sinasadyang kapalaran, nakilala niya ang isang fanboy habang bumibili sila ng ticket, si Milo Ashlee Cortez. Dahil sa pagk...