"How's your date, noona?"
Salubong na bungad sa akin ni Milo pagkapasok ko ng bahay. I-ika-ika akong naglakad.
"I-its fine..nag-enjoy ako," then I smiled at him but a fake one.
"Really? That's good. Kilig ka naman? Hindi mo ba hinalay si Kuya Milo?" Hindi ko na pinansin yung tanong niya at dumiretso na pataas. Naiiyak ako.
"Sina Mommy? M-mapahinga na a-ako.."
Pagkapasok ko ng kwarto ko, agad ko itong sinarado tsaka dumapa sa kama ko at doon na ako umiyak.
Ang sakit.
Bakit gano'n?
Date namin. Iniwan niya ako. Pinuntahan niya si Carmela.
Ang sakit sakit lang.
Oo nga pala, may Carmela siya.
So, kasinungalingan lang yung mga pinagsasasabi niya? O pangpapanggap lang ang mga 'yon para saktan ako.
Nakalimutan ko nga pala, magkaaway kami. Anti-fan siya.
Ang sakit. Bakit ba ako umasa?
Napatingin ako sa mga poster sa pader. Bakit nagkakagusto pa ako sa isang tao kung naand'yan naman kayo? Oo, alam ko naman ang sagot e. May nakalaan talagang tao para sa akin, pero..hindi siya.
Naramdaman kong may nagbukas ng pinto kaya bumalik ako sa pagkakasubsob at tumigil sa paghagulhol. Maya maya lang, naramdaman kong umupo siya sa kama ko at hinagod ang likod ko.
Hindi na ako nakatiis at bumangon, then I hugged him tight.
"B-Bryle, ang sakit.." He hugged me back.
"It's okay. Iiyak mo lang 'yan."
"Ang sakit sakit.."
***
Kinwento ko sa mga kaibigan ko ang nangyari the next day. Naawa sila sa akin. Susugurin daw si Milo buti napigilan ko. Mga loka e.
Hindi na ako sumasabay sa kanya kapag umaga. Inaagahan ko ang pagpasok ko para hindi ko siya makita. Sa school naman, iniiwasan kong magtagpo ang landas namin, parang katulad nung una. Nagtatago ako kapag napunta siya sa room. O kaya'y kapag dumadaan ako sa room nila.
Sa pag-uwi, hindi na rin ako sumasabay. Nakikita ko sila ni Carmela na laging magkasama na may benda sa ulo. Naaksidente 'ata siya nung araw ng date namin. Nakausap ko rin siya at sinabi ko na magpagaling.
Halos tatlong araw na rin ang lumipas at ganyan lang ang ginagawa ko para makalimutan ang gatas na 'yon. Bwisit siya.
Omo! Late na ako. Huhu. Paano 'yan? Makakasabay ko si Milo? Tumingin ako sa may bintana at tiningnan kung nasa tapat pa ng bahay nila ang kotse. Paktay. Mamaya pa ako makakapuntang school? Hihintayin kaya niya ako?
Napatago ako sa likod ng kurtina ng makita ko siyang lumabas ng bahay. D-dapat sabihan ko si Manang na sabihin na nasa school na ako! Bababa na sana ako pero natigilan nang makita ko sa bintana na lumabas si Carmela mula sa bahay nina Milo. A-anong ginagawa niya do'n?
Pinagbuksan siya ng pinto at sumakay sa kotse. Sumakay na rin si Milo tsaka pinaandar na umalis.
O-okay. Ang assumera ko. Nakakatawa ang sarili ko. Hindi naman pala niya ako hinihintay e.
Ang sakit ha.
***
Gulo gulo ang buhok kong dumating sa school. Nakakainis naman ang jeep. Nakasimangot tuloy akong naglalakad. Late pa. Ang tahimik na kasi sa corridor.
BINABASA MO ANG
Love Or Hate
Teen FictionBrielle Aesha Neval, she's a certified fangirl of K-Pop. Laging present kapag may concert sa bansa ang mga idol niya. Sa hindi sinasadyang kapalaran, nakilala niya ang isang fanboy habang bumibili sila ng ticket, si Milo Ashlee Cortez. Dahil sa pagk...