Official na kami ni Milo. Well, kinikilig pa rin ako. Masayang masaya sina Mom and Dad sa amin. Si Bryle naman, inaasar ako dahil iniyakan ko pa raw si Milo. Tuwang tuwa naman ang gatas at inaasar na rin ako.
Alam na rin nina Tita Cind and masaya rin sila para sa amin. Si Apple and Carmela, kilig na kilig sa amin. Nakausap ko rin si Carmela one time, then she told me na sila na ulit ni Kyle. Yeah, ulit. Mag-ex pala sila. I was shocked when I heard the news.
Masayang masaya rin para sa amin sina Suzy and Glenn. Binantaan pa nga ni Lei na kapag sinaktan daw ako ni Milo, gagawin daw siyang gatas. Tumawa naman ako.
Sa school, magkakasama lagi kami. Ang saya sa pakiramdam.mm
"BRIELLE! Bilis naaa!"
"OO NA! LALABAS NA!"
Nagmadali na akong lumabas.
"Mom! I'm going!"
"Okay, good luck baby."
Itatanong niyo ba kung anong meron ngayon? Itanong niyo na. Sumakay na ako sa kotse ni Yacy.
"Let's go!"
"Payting!"
Okay, umuusok na naman yung ilong ko. Ang traffic grabe!
"Matagal pa ba 'yan?"
"Aba, malay ko. Maghintay ka na nga lang d'yan," sagot ni Yacy.
"Eh, kanina pa tayo naghihintay eh!" naiinis na sabi ni Suzy.
"Hey, kalma lang. Makakarating din tayo."
After ng mga ilang minuto, umusad na ang traffic. Gosh! Thanks. Finally! Nakarating din kami.
"Bilis! Bilis!"
Tumatakbo na kami. Pero napatigil nang makita ang pila. Ang haba na!
Ngayon, may idea na ba kayo kung anong meron ngayon?
Yeah, ticket selling!
Magbabalik-pinas na naman ang EXO and ngayon ang ticket selling. But gawd, yung pila.
"No way."
"Yes way! Tiis ganda ulit."
So ayon, naghintay kami ng mga 20 minutes lang naman. Finally, ako na!
"VIP Ticket po?" I nodded. Wait, kunin ko lang ang pera ko. Nakuha ko rin naman agad.
"Eto-sorry Ma'am, sold-out na po yung ticket."
WHAT?!
"Seryoso ka teh? Eh, nasaan na yung ticket kanina?"
"Nasa akin. Ang bagal mo kasi!"
T-teka..parang nagyari na 'to. Dahan dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng boses.
"Ikaw?! Hoy bear brand, akin na yung ticket ko! Kundi, BREAK NA TAYO SINASABI KO SA'YO!"
"Hey, ticket girl. Sorry na! Sa'yo talaga 'to. Binilhan na kita."
"Talaga?" Parang kumislap kislap naman ang mata ko.
"Just kidding. Akin na ang ticket na 'to," he smirked.
"BEAR BRAND!"
BINABASA MO ANG
Love Or Hate
Teen FictionBrielle Aesha Neval, she's a certified fangirl of K-Pop. Laging present kapag may concert sa bansa ang mga idol niya. Sa hindi sinasadyang kapalaran, nakilala niya ang isang fanboy habang bumibili sila ng ticket, si Milo Ashlee Cortez. Dahil sa pagk...