Days had passed. Siyempre ganoon pa rin, minsan bad mood dahil kay bear brand. Isang linggo ang nakalipas mula nung kumain kami sa bahay nila. Dissapointed nga si Tita matapos sabihin namin, ay KO pala na HINDI KAMI! Napaka-advanced naman kasi ng utak ni Tita, close lang na hindi naman talaga, magboyfriend at girlfriend na? Pagkalabas nga namin nina Suzy sa bahay nila, inasar na agad nila ako. Ayun, nakatanggap lang naman sila ng tig-iisang batok. They deserved it.
"I'm so excited! Malapit na ang concert!" narinig kong sabi ng katabi ko.
Napalagay naman agad ako ng headset sa tenga ko. Oh please! Hangga't maaari, ayaw kong makarinig ng mga ganyan. Nang tumigil ang jeep sa tapat ng school, agad na akong bumaba. Good thing, hindi naman ako late.
"Hey! Kailan tayo magpapagawa ng banner?"
"Basta dadalhin ko yung mga posters sa bahay. Poster ni Chanyeol! My God!"
Arggh! Naka-todo volume na yung music ko ah? Kainis. I walked faster. Kaya nung pataas na ako ng hagdan, may nabunggo ako. Hala! Nahulog rin mga gamit niya. "I'm sorry!" Pinulot ko naman ang nahulog na gamit niya pero napatigil ako. Ano 'to? Sinasadya talaga? Waaah EXO Lightstick! Gusto kong umiyak.
"Ah ate, akin na po yung.."
"Ah eto! Sorry ulit." Nagbow pa ako kahit nakatalikod na yung babae. Napa-iling na lang ako at dumiretso na ng lakad.
Napapraning ako kapag nakakarinig o nakakakita na related sa concert ng EXO. Hello! Malapit na malapit na ang concert nila! Lahat masaya at excited, ako lang ang hindi. Kasi naman!
"Psst!"
I'm sure, pati sa classroom usap-usapan rin ang concert. Kaya binagalan ko ang lakad ko.
"Psst!"
Ayts. Lumingon ako kung saan galing ang sitsit na 'yon. Mula sa classroom nina bear brand! At si bear brand ang sumisitsit. Bwisit!
Nung tumingin kasi ako sa kanya, itinaas niya yung cellphone na kapit at may pinakita! Yung ticket na word na naka-LED Light app! Psh. Ayan! Kaya ako minsan badmood kay bear brand dahil d'yan. Tuwing nakakasalubong ko o napapadaan ako sa classroom nila, ganyan ang ginagawa. Asar! Inirapan ko nalang at padabog na pumasok sa room.
"Oh? Anyare?" Suzy asked pagkababa ko ng bag.
"Wala!"
Lumipas ulit ang ilang araw. Iyon pa rin, concert ng EXO ang pinag-uusapan. Pati sa social media, Facebook, Twitter, Instagram, Weibo ko iyon ang trending. Oo na! Kayo na yung a-attend! Huhu. Siyempre, marami pa rin akong karamay na team bahay. Saklayp mga men, ano? Mga asawaaaaaa ko!
Basta ang alam ko na lang,
CONCERT NA! WAAAAAH!
***
"Mommy! I'm going na. Baka ma'late ako."
"Okay, ingat."
Lumabas na ako at nakitang naghihintay ang sasakyan nina Leila sa harap ng bahay. I'm so excited! Oh, hep! Wala na pag-asa, hindi kami pupuntang concert. Kundi sa... NAIA! Yey, maya-maya kasi dadating na ang EXO sa PH. Oh c'mon mamon! Kahit #TeamAirport lang please makita ko lang ang EXO.
"Hey, anong time na?"
"5:36 A.M. Abot pa 'yan," Lei answered.
6:00 A.M kasi, saktong arrival ng EXO. Okay, I opened my account in Facebook and Twitter. Magpapa-trend ako ng.. #TeamAirport #TeamBahay #WelcomeBackEXOinManila
Dala-dala ko rin ang poster nila at poster ni D.O ko. Lagi naman kaming pumupuntang airport kapag may concert sila dito sa PH para lang masalubong sila kahit napunta kaming concert. Ngayon, hindi ko talaga papalampasin! Eh hindi na nga kami ni Lei makakapunta sa concert, pati ba naman sa pagsalubong sa airport para makita sila?
BINABASA MO ANG
Love Or Hate
Teen FictionBrielle Aesha Neval, she's a certified fangirl of K-Pop. Laging present kapag may concert sa bansa ang mga idol niya. Sa hindi sinasadyang kapalaran, nakilala niya ang isang fanboy habang bumibili sila ng ticket, si Milo Ashlee Cortez. Dahil sa pagk...