/09/ CONCERT (Part II)

21 2 0
                                    

"Paano tayo makakalampas d'yan?"

Nandito kami sa Philippine Arena. Ito ang adventure namin ni Lei. Waah nagsisimula na yung concert! Rinig na rinig namin dito sa labas ang tilian ng mga nasa loob. Kainggit talaga! Ang tanong, paano namin malalampasan itong mga manong guard na nagbabantay? Langya! Ang dami. Talagang sure na sure ang seguridad ng mga asawa ko. Naman! Dapat lang.

"How we-sssshh!" Napayuko naman kami. Paano ba 'to?

"Hoy!"

What the-I slowly looked at our back. There you are manong guard! Eh? Hindi man lang namin naisip na bantayan din ang nasa likod namin.

"Anong ginagawa niyo?"

Lipstick chateau wainbit keolleo (La la la la)
Hayan champagne beobeure syawo (La la la la)

"Ah.." Tumawa ako ng pilit kay manong guard.

Pyeongsaenge han beoniljido molla
Kkuk chamatdeon bunneungi twieo olla

Si KYUNGSOO 'yon! Sumabay naman kami ni Lei at sumayaw, "Oh-oh-oh Lotto Oh-oh-oh Lotto Oh-oh-oh Lotto Oh-oh-oh.."

"Hoy!" Nagulat naman ako. Ay, nandito nga pala si manong guard.

"Ano sabing ginagawa niyo dito mga ineng?"

"Spy ba kayo?" dagdag pa niya. What did he say? SPY?!

"Hindi manong 'no! 100% EXO-L kami," proud kong sabi.

"So, bakit kayo nandito? Bawal dito."

"Ah-kasi manong ano.. late na pala kami sa concert eh sayang yung t-ticket namin. Baka pwedeng.. alam niyo na, makahabol kami," Lei explained. Wews, lakas maka-ticket ha.

"Hindi na pwede. Patingin ng ticket niyo."

Nagkatinginan kami ni Lei at pinanlakihan ko siya ng mata. Iyan kasi, pa-ticket ticket pa.

"Bakit niyo naman titingnan ang ticket namin manong? Makakapasok ba kami kapag tiningnan niyo?!" masungit na sagot ni Lei. Oo nga!

"Umalis na kayo, bawal dito."

I sighed. Parang gusto ko na ulit umiyak. Wala na talagang pag-asa! "Let's go Brielle," hinila na ako ni Lei.

Lipstick chateau wainbit keolleo (La la la la)
Hayan champagne beobeure syawo (La la la la)

That's Kyungsoo's voice! Sumayaw ulit kami ni Lei habang papaalis.

"What now?"

Nakatambay kami dito sa malapit pa rin sa concert venue. Napaupo ako.

"Should we go home?" malungkot na tanong ni Lei.

"No! Kung mag-livestream na lang kaya tayo?" Tiningnan naman niya ako na ngiting-ngiti pero bigla akong sinapok.

"Aray! What was that for?"

"Eh kung nag-livestream na lang tayo kanina pa at hindi na pumunta dito!"

"Wow, nagsuportahan lang naman tayo sa plano natin. Dali! Mag-livestream na tayo." Umupo na rin siya sa tabi ko.

"Anong link nga 'non? Good, malakas ang sagap ng WiFi."

Ayun, naglo-loading na. Maya-maya lang, nakikita na namin. Pero, eh? Malabo at tsaka puro tilian at sigawan lang naririnig ko.

"Brielle! The Eve na!" Omo! Ito yung sayaw nila na nakakabuntis. Joke. Pero totoo naman e! Gustong-gusto ko 'tong mapanuod ng live-eh?

"Nasaan na?" Error?!

"Wala na?!" Oh why? Maiiyak na ako.

"Pati ba naman sa livestream?"

Love Or HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon