/10/ Anti-fan

21 2 0
                                    

Lumipas naman ang araw, hindi na sa akin nangulit si bear brand about do'n sa concert. Dapat lang! Kundi, sasamain talaga siya sa akin. Hindi ko na nga pinapansin kapag nakakasalubong ko siya. He did the same thing. Minsan, kinakausap ako ng mga kaibigan niya. Mga nonsense lang ang karamihan. Si Kyle, matino naman kausap.

"EXO? Flop group, yeah."

Napatigil ako sa paglalakad. Pati sina Leila napatigil rin at napatingin sa akin. Papasok pa lang kami ng Cafeteria and we heard that. Ano raw?! And that voice sounds so familiar.

"Look at this group, LE9ENDS. They are more talented and popular compared to EXO." Hindi na ako nakatiis at hinanap na kung saan man galing ang boses na 'yon. At hindi nga ako nagkamali, siya ang nagsasalita. What the?! Lumapit ako sa kanila.

"What did you say? EXO is a flop group?!" He looked at me. Nagulat siya but he managed to stay calm.

"What?"

"What what ka d'yan? I heard you! After mong agawan ako ng ticket, manuod ng concert at ngayon sinisiraan mo ang EXO?!"

Naramdaman kong hinawakan ako sa braso nina Suzy. Oo nga pala nasa Cafeteria kami. Tumingin naman ako sa paligid. Kakaunti pa lang ang tao.

"I'm so sorry to tell you this ticket girl but the truth is..."


"I'm an anti-fan," then he smirked.

***

"Can you believe that?! He's an anti-fan and I wanted to punch his face so hard."

"Hey, kalma lang."

Nandito kami sa Comfort Room. Nagpapalamig. Oo kaya, malamig sa cr. Try niyo tumambay.

"Kalma? Paanong hindi ako kakalma eh anti-fan siya ng EXO! Naalala ko pa nung ticket selling, inagawan niya ako ng ticket eh fake fan pala siya. Pati ang mga kaibigan niya! Sana kami yung nanunuod ni Leila do'n sa concert no'n."

Napatigil naman sila. I know, naiinis din sila. Naalala ko na naman yung kanina.

"I'm so sorry to tell you this ticket girl but the truth is, I'm an anti-fan."

"Anti-fan?"

"Yes. Alam mo na, kaya ako bumili ng ticket para mapanuod kung gaano kagaling ang EXO niyo. At napatunayan ko nang mapanuod ko sila nung concert na, hindi naman pala." Hindi pa rin ako makapaniwala. Napayukom naman ang kamao ko.

"Mas magaling pala ang LE9ENDS and they are more popular than EXO. Their name says it, LEGENDS." Kinumpas-kumpas niya pa ang kanyang kamay. LE9ENDS?

"Really? Eh hindi ko nga kilala ang grupo na 'yan e," naiinis kong sagot sa kanya.

"Because you only focus yourself to that flop group."

LE9ENDS, ha? Sorry but I think, hate ko na kayo.

***

"Group 1 sa P.E tara na sa Practice Room!"

I forgot, may practice nga pala kami para sa folk dance. Geez. Tumayo naman na kami at naglakad na papuntang Practice Room.

Love Or HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon