"Wuy, ano 'tong naririnig kong bumaba ka raw sa sasakyan ni Milo?"
I frowned at her. Ito na nga ang sinasabi ko e. Bilis ng chismis ha. Hindi naman big deal 'yon.
"Yiee..nagkakamabutihan na ba kayo ni Milo?" pang-aasar naman ni Lei.
"What? Nagkakamabutihan ka d'yan, baka nagkakasamaan! Ipinasabay lang ako do'n ni Tita Cind at Mommy. Walang malisya. Ang OA kasi! Okay naman na ang paa ko," I explained. Pero hindi pa rin nawawala ang pang-aasar nila sa mukha. Hinayaan ko na lang. Dumiretso na kami sa Practice Room. You know, praktis ng folk dance.
"Brielle, kamusta paa mo?" bungad sa akin ni Jane pagkarating namin. Nagthumbs-up ako sa kanya. She smiled, "Mabuti naman."
Nakita ko naman yung mga kawayan. Good thing, hindi ako nagka-phobia.
"Hey Brielle, okay na paa mo?" What's with my paa? Buti pa siya, kinakamusta nila.
"Ayos na ayos na," sagot ko naman kay Kyle tsaka ngumiti.
"Okay group 1! Come here! Come here!" sigaw ni Jose o Josefa sabi niya na may pagpalakpak pa. Nagsimula na kami magpraktis. Sa una, hindi pa kami sabay sabay. At tsaka dapat daw nakangiti kami habang sumasayaw. Makakangiti ba kami kapag sa kawayan lang nakatingin? Oh well, whatever. Nung hapon, okay na. Natuwa nga si Jane at Jose e. Natapos din! Pinag-usapan lang namin ang mga susuotin then, uwian na. Sa auditorium kami bukas magpeperform.
Pagkalabas naman namin ng gate, nagtaka kami dahil mga nakaabang sa labas at nakasandal sa kani-kanilang mga sasakyan sina Kyle, Glenn, Luke at bear brand. Mga feeling F4 e 'no? Pinagtitinginan tuloy. Ano kayang mga tinira nitong mga 'to. O baka naman may pictorial? Keber.
"Anong meron sa mga 'yan?" tanong ni Suzy. I shrugged. Lalampasan na sana namin pero nagulat ako dahil tinawag ako ni bear brand, "Ticket girl!" Napakunot naman agad ang noo ko.
"Sakay," sabi niya sabay tingin sa ibang direksyon.
"Yown! May date?" pang-aasar ni Glenn. Inulan din kami ng tukso ng iba. Psh.
"Sabi ni Mommy at Tita sasabay ka pa rin sa akin," sabi niya ulit at hindi pinansin ang pang-aasar nila.
"Hindi na kailang-sakay!" pagpuputol niya. Aba! Sino siya para putulin ang sasabihin ko? Letseng bastos!
"What are you doing? Sabi ko-OO NA!" pagganti ko at padabog na sumakay ng sasakyan niya.
"Woah, LQ agad?" narinig ko pang sabi ni Kyle bago isinara ni bear brand yung pinto. I'm pissed. Tumahimik lang ako habang umaandar ang sasakyan. Ganoon din siya. I don't know what's running on his mind. Siguro naiinis 'to na ako na nga ang isasabay, ang arte ko pa. Hindi ko naman kasi kailangan pang sumabay sa kanya. Isinasabay naman ako minsan kina Suzy. Si Mommy kasi, okay na ako e.
Finally, tumigil na ang kotse. Bumaba naman ako agad at isinara ang pinto. Magpapasalamat pa ba ako o h'wag na lang? Fine. Binuksan ko naman ulit ang pinto. Nagtaka pa ang mukha niya.
"Thanks!" then I slammed the door. Gawd. Did I said thanks to bear brand? Okay. Whatever.
***
"Brielle iha, baka makalimutan mo itong kimona at saya na nilabhan ko."
Ay shoot. Makakalimutan ko pa! Kinuha ko naman kay Manang Hilda, "Thank you po!" then I kissed her cheek. Nagulat naman ako nang makita ko si Mommy na nasa labas. "Mom, what are you doing here? Hindi ka pa aalis?" Tumingin ako sa wrist watch ko. Its already 6:52 A.M. Waaah! Mali-late na ako? Ah okay lang, 8:00 naman ang folk dance namin.
"Hindi pa, ikaw ang umalis na. Hinihintay ka na ni Milo oh," she said while smiling tapos tumingin siya sa kabilang side. Nakita ko naman kung ano yung tiningnan niya, sasakyan ni Milo!
BINABASA MO ANG
Love Or Hate
Genç KurguBrielle Aesha Neval, she's a certified fangirl of K-Pop. Laging present kapag may concert sa bansa ang mga idol niya. Sa hindi sinasadyang kapalaran, nakilala niya ang isang fanboy habang bumibili sila ng ticket, si Milo Ashlee Cortez. Dahil sa pagk...