Saljjak meoril sseureo ollin
Jeo seksihan sonjit sonjit baby
Ne sonjit sonjit
Nege kkeullin mameul deulkin
Gireul ileun sonjit sonjit baby
Nae sonjit sonjitKyaah! Nai-imagine ko ang EXO na sumasayaw nito.
Ay, and she goes like (nanana)
Ay, all the girls go (nanana)
Oh yeahTinanggal ko ang headset ko at tiningnan si Milo biglang iniwas ang tingin sa akin.
"May problema?"
Kanina ko pa kasi napapansin na patingin-tingin siya sa akin. Iisipin ko na sanang may gusto siya sa akin kaso imposible. Masakit ang umasa uy.
"W-wala wala..bakit?" sabi niya ng hindi nakatingin sa akin. Kahit nagtataka ay tumango na lang ako. Maya-maya, in-stop niya na yung kotse. Nasa school na pala kami. Right. Back to school. Patikim lang talaga yung mga araw na may holiday e.
"W-wait!"
Papaalis na sana ako. Nilingon ko siya.
"Bakit?"
"Ahm.."
Kumunot ang noo ko. Anong problema nito?
"Bakit?" pag-uulit ko.
"Ah! Wala. Sige na," sabi niya at nilampasan ako. Naka-drugs ba 'yon? Umiling-iling akong naglakad na.
Habang naglalakad, napapangiti ako. Ang cute niya kasi kanina.
"Bakit ka ngingiti-ngiti d'yan? Hindi ka naman sinasapian, ano?" napalingon ako sa nagsalita. Si Leila. Ngayon kasabay ko nang naglalakad. Sinasapian, naalala ko na naman. Tss.
"Si Suzy and Yacy?"
"I don't know. Kararating ko lang din. Oh, ayan na pala sila!" Nakita kong papasalubong sila sa amin ni Leila.
"Hey!" Nagbeso-han kami. Magkakasama na kaming naglalakad papuntang room.
"May nangyari ba? May ginawa ka ba kay Milo?" biglang tanong ni Suzy.
"What? Nothing. Bakit?"
"Nakasalubong kasi namin. Parang nau-ulol. Kinakausap ang sarili," Yacy answered.
"Narinig kong sabi niya, 'Milo! Bakit hindi mo pa kasi tinanong?' Gawd. Nakakatawa," dagdag pa ni Suzy. Natawa kami ni Leila kasi gayang gaya niya talaga.
Anong bakit hindi pa niya tinanong? Sa akin ba? Ang labo rin talaga nu'n.
Oh yeast! Half-day, Friday! Alam na. Inayos ko na ang mga gamit ko. Habang nanunuod na naman ng kdrama ang mga kaklase ko isama na sina Suzy, tumayo na ako at dahan dahan naglakad palabas.
Pero napapikit ako nang makasalubong ko si Yacy.
"Saan ka pupunta Brielle?
Ngumiti ako ng malaki.
"Mag..m-mabili lang ako," sabi ko na may pilit na ngiti.
"Really? Samahan na kita."
"No! I mean, thanks na lang. Manuod ka na lang, ha." Hinalikan ko pa siya sa pisngi at dali-daling lumabas.
"T-teka! Bakit dala mo yung gamit mo?" Hindi ko na lang sinagot at dumiretso na.
Napangiti ako ng malaki. Huehue. Miss Uwi-sa-tanghali-kapag-friday is back! Napatingin ako sa wristwatch ko.
BINABASA MO ANG
Love Or Hate
Teen FictionBrielle Aesha Neval, she's a certified fangirl of K-Pop. Laging present kapag may concert sa bansa ang mga idol niya. Sa hindi sinasadyang kapalaran, nakilala niya ang isang fanboy habang bumibili sila ng ticket, si Milo Ashlee Cortez. Dahil sa pagk...