"Sabay-sabay!"
Anubeyen. Ang hirap kaya kahit tali pa lang. Paano na kaya mamaya kapag kawayan na talaga? Nandito kami sa Practice Room. Wala naman subject kaya nagpapractice kami ng folk dance namin.
"Ayusin niyo! Baka mamaya maipit kayo kapag kawayan na. Naku, ka-stress!" Kanina pa 'to si Jose o Josefa whatever. Isa siya sa naghahawak ng kawayan. Mainit ang ulo, siguro gusto nito magsuot ng kimona at ayaw humawak ng kawayan.
"Ulitin natin, last na. Then after nito, sa kawayan na."
Okay. Ayun, nagkasabay-sabay din naman kami. Kapagod! Nagpahinga muna kami bago magpraktis ulit na sa kawayan na.
"Oh, binilhan ka na namin." Napatingin naman ako sa nag-abot.
"Thanks!" Umupo naman sila sa tabi ko.
"Na-perfect niyo na ang folk dance niyo?" I asked habang binubuksan ang Mogu-Mogu na binili sa akin nina Suzy.
"Not yet. Hindi pa kami nagkakasabay-sabay," Suzy replied.
"Kami okay na," sagot naman ni Leila.
"Hmm.. energy na lang ang kulang," Yacy added. Magka-grupo kasi sila ni Lei.
"Hoy, ang energetic ko kaya! Kayo lang naman ang mga parang lantang gulay na sumasayaw."
"Yeah right! Napa-energetic mo nga. Ang folk dance kasi Lei hindi dinadaan sa kembot! Sway sway lang at pag-step ng paa," tsaka umirap. Tumawa naman kami.
"Kayo Brielle?"
"Kami?" Uminom muna ako bago sumagot, "Walang kami," seryoso kong sagot. Tumingin naman ako sa kanila at pinipigil ang tawa. Yung expression kasi ng mukha nila, mga gulat. Natigilan e.
"BOOM!"
"Edi wow!"
"Aba! Gumaganyan ka na? Kailan ka natuto, ha?" Sabi nila mula sa pagkagulat. Asar 'tong mga 'to. Ngayon nga lang humugot e.
"Hindi pa kami nagpapraktis sa kawayan. Mamaya pagkatapos ng break," sabi ko nalang.
"Group 1! Magpapraktis na!" Dumating na pala si Jane. Tumingin naman ako. Sa mga kaibigan ko, "Ayan na nga oh, ma-praktis na."
"Go Brielle! Woahoo!" cheer sa akin ni Lei. Napa-irap nalang ako. Kahit kailan talaga..
"Position na." Kinakabahan naman ako. Kawayan na ang kapit nina Kyle.
"Wuy! Kyle at Carlo, ayusin niyo ang paggalaw ng kawayan. Naku! Natatakot ako," sabi ni Jane at tumingin sa akin, ''Ingat na lang tayo." Tumango naman ako.
"Trust us," then Kyle looked at me and he winked. Inirapan ko lang ng pabiro.
Nagsimula na ang tugtog. Okay, kinakabahan talaga ako. Titig na titig talaga ako sa kawayan. Habang tumatagal naman, unti-unti nawawala ang kaba ko. Yung iba nga naming ka-grupo nag-i-enjoy na e. But we need to be careful.
Napansin ko sa peripheral view ko na padami ng padami ang nakatingin. Hindi ba sila nagpapraktis din? Tagal ng break ah. Naiilang talaga ako. Aist, h'wag mo nalang pansinin Brielle. Tingin ka nalang sa kawayan.
"Magaling pala sumayaw ng tikling si ticket girl. Opps.. tinikling pala," narinig kong sabi ng isang boses. May mga narinig din akong tumawa pa. Tumingin ako sa kanila. Pero hindi ko naman inaasahan na, "O-ouch!"
"Brielle!"
Tumigil naman ang lahat. Lumapit sa akin sina Suzy at mga ka-grupo ko. Naipit yung paa ko sa kawayan! Ang sakit. Maiiyak na ako sa sakit. Napa-upo na nga ako.
"Dumudugo ang isang daliri mo," hinawakan ni Kyle ang paa ko. Tumingin naman ako sa paa ko. May dugo nga. Kaya pala mahapdi.
"Kyle, Carlo! 'Di ba sinabi kong ayusin niyo?" pagalit na sabi ni Jane.
"N-no! Its not their fault. Ako may kasalanan," hinawakan ko pa ang kamay ni Jane at nagsorry.
"Yeah! You did that to yourself. Hindi ang mga humahawak ng kawayan ang may kasalanan. Ikaw ang may problema, hindi ka marunong sumayaw." Parang sinaksak naman ako sa dibdib. Ang sakit niya magsalita! Ano bang problema ng bear brand na 'to. Ano naman kung hindi ako marunong sumayaw?! Maiiyak na sana ako pero hinawakan ni Kyle ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya. He smiled at me.
"Brielle, kaya mo maglakad? Dadalhin ka namin sa clinic," sabi ni Yacy. Tinulungan naman nila akong makatayo. Kaya ko naman, ang kaso, paika-ika. Nagulat naman ako nang maramdaman kong umangat ako. "Woah."
"Bubuhatin na lang kita. Baka bukas pa tayo makarating sa clinic kung maglalakad ka," Kyle grinned. A-anong..
"H-hey, ibaba mo na lang ako. Mabigat ako tsaka nakakahiya!" Hindi naman niya ako pinansin at dire-diretsong naglakad palabas.
Thankful naman ako nang makarating din agad kami sa clinic. Nakakahiya kaya kapag may tumitingin sa akin habang buhat ako.
"Nurse Tin, pahingi pong first aid kit. Ako nalang ang gagamot."
"Yiee, sweet!" Nakasunod nga pala sina Suzy.
"Aba! Aba! Couz, iba ka ngayon."
"Tingin ko kasi, may kasalanan ako sa nangyari," seryosong saad ni Kyle habang ginagamot ang daliri ko sa paa.
"What? No! It was my fault. Nawala kasi ako sa focus and.." Nag-aalangan akong sabihin na kasalanan din ni bear brand. Na-distract ako sa sinabi niya at sa mga tumawa kanina. Tapos ang sakit pa niya magsalita! Yes, hindi nga ako marunong sumayaw pero tina-try ko na naman ang best ko. Though, I know wala naman siyang kasalanan dahil totoo naman ang sinabi niya na hindi ako marunong sumayaw but still, hindi dapat niya ako pinahiya!
"Okay na, rest well. Sa susunod na araw na ang pagperform, I will tell-no, kaya ko magpraktis bukas. T-tingin ko, matatanggal din naman agad ang sakit ng paa ko. Need rest lang siguro."
"Hmm? Okay?" Worried pa rin ang face ni Kyle. Tumayo na siya.
"Magpahinga ka muna. Babalik muna akong Practice Room." I nodded.
"Thanks Kyle," I smiled at him.
"Babalik na rin kami. Napraktis na 'ata sila. Okay lang ba na mag-isa ka dito?" Tumango lang ako at tsaka sinabing okay na okay lang. My friends hugged me before they left. Tumingin naman ako kay Kyle. "Ah? Hindi ka pa aalis?"
He smiled, "Aalis na. I just want to say, you did well kanina. Kaya h'wag mo na alalahanin ang sinabi kanina ni Milo," then he patted my head bago umalis.
Napangiti naman ako. Kyle is so nice and sweet. Hindi katulad ni bear brand! And speaking of the jerk, nakita kong nasa pintuan siya, nakasandal habang naka-crossed arm.
"What are you doing here?!" Galit ako sa kanya.
"Visiting you?" Itinaas pa niya ang isang kilay. "Visiting o mangbi-bwisit?! You know what, okay na! Napahiya mo na ako kanina. Hindi ako marunong sumayaw, may pang-asar ka na! Kasalanan mo naman kung bakit ako naaksidente do'n sa kawayan. Bakit ka ba nandoon, ha? Para mang-asar? Okay, you win!" Nagulat naman siya sa biglaan kong pagkalabas ng sama ng loob.
"I didn't say-what? Umalis ka nalang! Because I know why are you here. Mang-aasar ka lang." Konti na lang, my tears are going to flow.
"Fine! If that's what you want." Tumalikod na siya, pero bago siya lumabas nagsalita siya, "I'm here because I wanted to apologize about what happened earlier. For teasing you, for embarrassing you, pero hindi ko na magagawa. Pinangunahan mo ng galit mo." After he said that, he left.
Natigilan naman ako. Bakit tingin ko ako pa yung may kasalanan? He came here just to say sorry but I forced him out. Parang na-guilty naman ako. But no, no, no. E 'di sana nagsorry na lang siya! Ang dami pang sinabi, ang drama!
Tss. Apologize apologize siya d'yan!
Apologize my butt.
BINABASA MO ANG
Love Or Hate
Teen FictionBrielle Aesha Neval, she's a certified fangirl of K-Pop. Laging present kapag may concert sa bansa ang mga idol niya. Sa hindi sinasadyang kapalaran, nakilala niya ang isang fanboy habang bumibili sila ng ticket, si Milo Ashlee Cortez. Dahil sa pagk...