"Wuy Brielle, kainin mo na pagkain mo. Tigil na sa pag-iyak."
Tumambay kami sa Mall after mangyari yung kanina. Kasalukuyang nandito kami sa food court. Tapos na lamang sila kumain and me? I'm still crying about what happened a while ago. Hello, concert 'yon! EXO! Tapos hindi ako makakanuod ng concert nila?! I wanna die!
"Kumain ka na Brielle. I know, gutom ka na," si Leila. What's with this girl?
"Leila, alam kong malungkot ka rin. Hindi tayo makakapuntang concert, alam mo ba 'yon?! At saka, kapag kumain ba ako, magkaka-ticket ako?" then my voice cracked. Kumuha agad ako ng tissue at suminga.
"Loka ka! Of course, malungkot ako pero mas gutom ako!"
"If you want, sa'yo nalang ang ticket ko," sabi ni Suzy habang inaalo ako sa likod.
"No! That's yours. Don't mind me. Umiiyak lang talaga ako dahil, waaaah! For the first time hindi ako makakanuod ng concert nila dito sa bansa! Hindi ko makikita mga asawa ko, lalong lao na si D.O! Do you understand me, huh? Alam kong naiintindihan niyo ako but not that jerk guy who stole my ticket earlier. I swear, I'm gonna kill him! I want him to be dead right now!" sabay singhot. After that, nilagok ko yung coke.
"Ssshh, stop. Pinagtitinginan na tayo dito ng mga tao." Napahawak naman ako sa ulo ko. Na-brain freeze ako. Letseng coke!
"Are you okay?" I ignored them.
"Pinagtitinginan? I don't care, stop staring at me like you know my pain!" sigaw ko sa mga taong nakatingin sa akin. I started to cry again.
"Mianhaeyo, pagpasensyahan niyo na po ang kaibigan namin. Hindi pa naman siya naloloka, pero malapit na." Tiningnan ko ng masama si Yacy.
"What the-sira ka ba? Baka hindi tayo makalabas ng buhay sa Mall. Let's go!" Hinila na nila ako. Sinamaan ko pa muna ng tingin yung mga tao bago tuluyang umalis.
***
"Brielle, anak kumain ka na sa baba. Gusto mo hatidan kita?"
"Bababa nalang po ako." Sorry Manang Hilda, tinatamad pa akong kumain.
Its Sunday. Kagabi pa ako nakakulong sa kwarto ko. Pagdating ko sa bahay kahapon, agad kong nakita si Mommy na naghihintay sa akin. Niyakap ko agad siya at umiyak. Pagkatapos 'non, I went upstairs and locked myself.
Tanghali na ba? Hindi pa naman ako nagugutom. Yeah, hindi pa-napatawa ako. Tumunog kasi ang tiyan ko. Tinatawagan din ako nina Yacy pero hindi ko sinasagot. Tinatamad din makipag-usap e. Buti pa sila, may ticket. Well, si Leila rin naman wala. Pero, napakasakit talaga sa damdamin.
Napapaiyak na naman ako. Tiningnan ko ang mga posters na nakadikit sa pader. I'm so sorry mga asawa ko, hindi niyo ako makikita. Napaisip ako, baka may nagbebenta pa ng ticket online. Great! Dapat kagabi ko pa ginawa. Agad kong kinuha ang laptop at binuksan.
After 10 minutes, binaba ko na. Wala na rin. Eh, kung magpost kaya ako? Right.
I opened my facebook account. I ignored my notifications, messages and friend request, agad akong pumunta sa status at nagtype, 'Hey, sino willing magbenta ng ticket d'yan para makapunta akong concert ng EXO. Kahit Gen Ad plss. Dadagdagan ko ang bayad. Ibebenta niyo o mamamatay kayo? Just kidding.'
Then post! Your status was posted na raw. Maya-maya, may mga nagcomment na. Psh, walang kwenta. Ang iba, feel daw nila ako dahil wala rin silang ticket. Ang iba, puso nalang daw nila ang bilihin. Eh, kung saksakin ko puso nila?
I also opened my other accounts. Sa twitter, IG, nagpost lang ako ng picture ko na wacky at kunyare, umiiyak. Then nilagyan ko ng caption.
Ibinalik ko na ang laptop ko sa side table at humiga. Naaalala ko na naman yung guy. Arghh! Kinuha ko yung unan sa tabi ko at pinagsusuntok. Sinusumpa ko talaga ang lalaking 'yon.
I heard a footstep. I knew who was it. Agad akong umupo at niyakap si Mommy. She also hugged me in return.
"Mom, hindi ako makakanuod ng concert nila." Para kong bata na nagsusumbong sa Ina. Kinuwento ko naman ang buong detalye. Tahimik lang si Mommy na nakikinig.
"I know what you feel baby, but forget that and look forward to what's coming next. Malay mo, may kapalit na mas maganda ang nangyari sayo," she said after kong magkwento.
I smiled. She's really great. I kissed her at binuksan ang pinto ng kwarto ko.
"Thank you Mom, kakain lang ako!" Gutom na talaga ako.
Monday,
"BRIELLE AESHAAA!!" sina Suzy 'yan pagkapasok ko ng room. Niyakap nila ako.
"Ano? Okay ka na ba? Hindi mo sinasagot tawag namin!" Natuwa naman ako.
"Sorry, alam kong pinag-alala ko kayo. Okay na ako," ngumiti pa ako pagkatapos kong sabihin 'yon.
"May news ako!" Agad-agad?
"Ano naman? Baka bad news 'yan, ayaw kong marinig."
"Bad news!" Dumiretso na ako sa upuan ko.
"Wala naman palang kwenta."
"Wala palang kwenta ha, ikaw lang naman itong nasa video," Yacy smirked. Napatayo agad ako.
"Anong video?!" Dali-dali naman nilang pinanuod sa akin. Nanlaki ang mata ko. Ako nga! Habang nakikipagsagutan sa isang lalaki which is yung guy na mang-aagaw ng ticket. Waaah! Sino naman ang kumuha ng video nung nangyari noong sabado?!
"Wow! Sabi na, ikaw yung babae Brielle!" sabi ni Arjen, classmate ko.
"Ang tapang mo Brielle!" Marami pang nagcomment. Napaupo nalang ako na nanghihina.
"Don't worry Brielle, kami rin naman nasa video," sabay tawa ni Leila. I rolled my eyes.
"May good news pa!" Woah, baka ito maganda ang balita. Ngaks, kaya nga good news Brielle.
"What?"
"Instant sikat na tayo!" si Suzy na tumalon-talon pa. What?! Iyon ang good news? I sighed.
"Ikwento niyo naman ang nangyaring talaga!" mga classmates ko. Aba, chismosa.
Sina Suzy naman, pumunta pang unahan at doon nagkwento. Psh, rinig na rinig ko. Ang lakas ba naman ng boses. Detailed talaga. Ang mga kaklase ko naman, parang mga bata na kinikwentuhan ng nanay. Napailing nalang ako.
"Tapos 'yon! Sinuntok niya si Milo. Can you believe that? Ang payatot ni Brielle pero ang lakas sumuntok," then they laughed. I raised my left eyebrow.
Who's Milo?
BINABASA MO ANG
Love Or Hate
Teen FictionBrielle Aesha Neval, she's a certified fangirl of K-Pop. Laging present kapag may concert sa bansa ang mga idol niya. Sa hindi sinasadyang kapalaran, nakilala niya ang isang fanboy habang bumibili sila ng ticket, si Milo Ashlee Cortez. Dahil sa pagk...