/08/ Kayo na ba?

26 2 0
                                    

Kapag minamalas ka nga naman. Umuwi ako sa bahay na ang sakit pa rin ng pwet. Nagtaka nga si Manang Hilda kung bakit pa-ika-ika ako. Ang sabi ko na lang, natatae ako. Shocks. Ang ganda ng dahilan ko, right? Buti wala si Mommy.

Nagkulong lang ako sa kwarto at nanuod ng KDrama. Yung Bride of the Water God. Ang dyosa talaga ni Krystal like me. Choss. Sayang, nagbreak sila ni Kai. Walang poreber talaga. Buti hindi pa nagkakalablayp si D.O ko. Hoho. Oh I forgot, ako nga pala ang love life niya.

Hindi ko alam kung anong oras ako inabot kakapanuod. Ang alam ko lang nakatulog ako at paggising ko, umaga na.

***

"Kumain ka na," salubong sa akin ni Manang Hilda pagkababa ko.

"Ay hindi na po. Sa school na lang ho ako kakain. Si Mommy?"

Tiningnan naman ako ni Manang Hilda na parang nagtataka. Shocks. Late na naman akong nagising. Hindi na nga ako nakakain kagabi, pati ngayong almusalan. Paano, late na talaga.

"Umalis, may pinuntahan iha."

"Ah sige po. Punta na ako!" sagot ko at dire-diretsong lumakad palabas.

"T-teka-"

Waaah 7:51 na! Sasakay pa akong jeep. I walked fast as I could. Hindi na ako aabot sa first subject I'm sure. Bakit kasi hindi ako nakapag-alarm? Sabagay, nakatulog nga pala ako. Kumukulo pa ang tiyan ko. Wala pa akong kain kagabi at ngayon.

I walked slowly when I saw bear brand walks like a zombie habang hawak ang isang plastik ng pandesal sa kaliwang kamay at sa kanan naman, may kinakain siyang isa. Makakasalubong ko pa! W-wait-

Hindi ba siya papasok?! Late na ah. Bakit nandito pa rin siya? Nakita naman niya ako at agad kumunot ang noo. Lalampasan ko na sana kaso biglang tumawa ng malakas. Napatingin tuloy ako sa kanya.

"What?!" Ang aga-aga na-u-ulol na naman ang bear brand.

"Pft. W-where are you going?" he asked habang nagpipigil ng tawa.

"Papasok malamang! Can't you see?" Ayun, bigla na namang tumawa ng malakas. Whats with him? Siguro tinatawanan ako nito sa pagiging late ko.

"Anong problema? Ikaw nga d'yan e, pala-absent! At least ako kahit late pumapasok pa rin. So if you mind, papasok na ako!" Tumalikod na ako pero bago 'yon, narinig ko na naman ang malakas niyang tawa. Hala ka, anyare do'n? Pinagtitripan na naman siguro ako. Tss keber na nga. Baka hindi na naman maging maganda ang simula ng araw ko. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Maya-maya may sumigaw,

"Baka gusto mong malaman, SATURDAY NGAYON!" What,




WHAT THE-ASDFGHJKL! Seriously?!

Lumingon naman ako sa kanya. Ayun, tumatawa pa rin. Shocks! Bakit ba kapag may kahihiyan ako, siya lagi ang nakakasaksi o nakikita ko. Kaya pala parang nagtataka ang mukha ni Manang Hilda kanina. Sabado pala ngayon. Waaah! I ran faster as I could pabalik sa bahay. Napatakip pa ako ng mukha nung nadaanan ko si bear brand dahil nakakahiya talaga. Agad ko naman sinara yung gate at pumasok ng bahay. Pagkapasok ko, tumigil muna ako sa may pinto at huminga ng malalim. Tsaka napatakip ulit sa mukha at pinadyak-padyak ang paa.

"Ang tanga ko naman talaga!"

"Oh iha? Akala ko hindi mo malalaman na sabado ngayon," ningitian ako ni Manang Hilda na parang nang-aasar. I awkwardly smiled in return. "H-ha..ha oo nga po e," sagot ko nalang. Dumiretso ako sa kusina. Langya! Akala ko talaga late na ako kaya ang balak ko sa school nalang kakain. Iyon pala, Saturday! Ang katangahan mo Brielle, pakibawasan.

Love Or HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon