/15/ The Presi and the Bise

16 2 0
                                    

Hmm..papasok ba ako o hindi? Papasok o hindi? Argh. Tiningnan ko naman ang form na hawak ko. Then tumingin naman ako sa pinto na nasa harap ko. Binasa ko naman ang nakasulat sa may pinto, K-POP CLUB.

Yes, you heard it right. Masakit man sa damdamin, pero ito talagang club ang gusto ko at tsaka, wala akong mahanap ng ibang matinong club. Ginawa ko na nga ang lahat lahat, naglibot para tingnan ang mga clubs. Dito pa rin pala ang bagsak ko. Shocks. Nakakahiya. Huwag na lang kaya ako sumali dito? Humanap na lang kaya ako ng iba? Nyay. Humanap ng iba? I sighed. Sige sige. Tumalikod na ako.

"Where are you going?" I frozed. Dahan dahan naman akong humarap. There! Nakita ko si bear brand na nakasandal sa nakabukas nang pinto habang naka-crossed arms.

"A-aalis na?" sabay turo ko sa likod. Humakbang naman siya at lumapit sa akin. Bigla na lang niya hinablot ang hawak kong form.

"Hey!" sigaw ko. Tinitigan niya ang form ko.

"Good. Tanggap ka na," then he grinned.

"Eh?"

"You are already accepted in MY club. Let's go, pumunta na tayo sa booth," sabi niya then he held my hands. Wait-HE HELD MY HANDS?! Parang nanigas naman ako. Bakit ako nakakaramdam nito? Hinila ko naman ang kamay ko agad. Napatigil siya sa paglalakad at napatingin sa akin na nagtataka.

"K-kung makahawak ka n-naman sa k-kamay ko!" putol-putol kong sabi. Ghad!

"Ow, sorry. Don't worry maglalagay ako mamaya ng alcohol," he said sabay talikod. Argh! Sumunod na lang ako at hinayaan na lang na mainis.

Nakita ko sina Suzy, Yacy, Leila na namimigay ng flyers habang papalapit kami sa booth. Sina Kyle naman, sila ang nagbabasa ng form ng mga nakapila at gusting sumali. Did I mention it already? Campus Fair ngayon. Dito ay required ang mga clubs na magtayo ng booth for those students who can't decide yet kung saang club sila sasali. Gusto ko 'to, walang leksyon e.

Shocks. Ano kaya ang sasabihin ko kina Lei? Sabi ko pa naman sa kanila na hinding hindi ako sasali sa club ni bear brand.

"Brielle, you're here! Oh mamigay ka rin ng mga flyers," Suzy said pagkarating namin. Ah? Hindi nila ako aasarin?

"Sus, alam naman namin na dito pa rin ang bagsak mo sa club na 'to!" Nag-smile lang ako. Yeah right, no choice. May music background naman kami para feel na feel talaga ang K-Pop. Nakilala ko naman agad ang kanta. Its Blood, Sweat and Tears by BTS.

Nae pi ttam nunmul
Nae majimak chumeul
Da gajyeoga ga
Nae pi ttam nunmul
Nae majimak chumeul
Da gajyeoga ga

Wonhae manhi manhi manhi manhi
Wonhae manhi manhi manhi manhi manhi manhi

Lumayo-layo naman ako at namigay ng flyers. Galing ah, pagkarating ko ibinigay na agad sa akin 'to.

Wonhae manhi manhi manhi manhi
Wonhae manhi manhi manhi manhi

Nakakainis! Kung meron lang talaga akong choice. Kaso wala e.

"What's with that face? Umayos ka nga, baka walang sumali matakot sa'yo." Hindi ko napansin na nakalapit na pala sa akin si bear brand. Lumingon naman agad ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Inirapan lang ako tsaka bumalik na ulit sa booth. Hindi ko napansin na nakabusangot na pala ako. Eh kasi naman! Pinagpapawisan na rin ako. Ang init kaya!

"Okay ka lang?" si Kyle. Tumango naman ako kahit hindi.

"Gusto mo kumain? Itigil mo na 'yan, marami na rin naman ang sumali," he smiled. Nag-aalangan pa ako. Tumingin naman ako sa may booth.

"Don't worry, my treat." Natuwa naman ako dahil libre raw! Hindi ko pinahalata siyempre.

"Sure ka d'yan?" Dapat pakipot muna. Tumawa siya tsaka tumango. "Ano? Tara." Kinuha niya ang kamay ko at kinuha ang mga flyers na hawak ko. "Ibabalik ko lang 'to." I nodded. Agad din naman siyang bumalik. Maglalakad na sana kami nang may um-epal.

"You two, where are you going?" Lumingon ako. Napa-irap ako nang makita ko mukha ni bear brand.

"Kakain? Lilibre ko siya," Kyle replied.

"Kakain? T-teka..hindi pa tayo t-tapos do'n!" tinuro niya yung booth.

"Kaya niyo na 'yan. Tsaka matatapos na rin naman ang Campus Fair mamayang lunch time," sabi ni Kyle sabay tapik sa balikat ni bear brand.

"Manlilibre ka? Sasama ako! Libre e. Tatawagin ko lang sina-si Brielle lang ang ililibre ko, bumili kayo ng sarili niyo! Tara na Brielle." Gusto ko tumawa. Ako nga lang kasi! Ayaw ko rin kaya siyang kasama kumain. Dumila ako sa kanya tapos tumawa.

"W-what? Teka!" Hindi na lang namin pinansin ni Kyle.

Nung hapon, nagpatawag naman ng meeting si bear brand para sa mga sumali sa K-Pop Club. Sabi ni Kyle, 79 ang sumali. Okay na rin. Marami naman kasing club pa. Nagtipon naman kami sa room na bakante. Ang sikip nga e. Buti nga nagkasya pa kami. Lalo na siguro kapag sa office pa ng K-Pop Club.

"First of all, I would like to say thank you to all of you, who joined my club. Welcome to K-Pop Club!" panimula ni bear brand. Pinalakpakan naman siya. Napa-irap naman ako. Ang boring naman ng panimula niya. Ang poker face pa ng mukha. Hindi ko alam kung sumali lang ba ang iba dahil mga good looking ang mga nagbabantay ng booth kanina. Oh, pwera kay bear brand.

"Ipinatawag ko kayo dahil mag-e-elect tayo ng mga officers. I, being the President of K-Pop Club, I will introduce myself first. I'm Milo Ashlee Cortez, Grade 12 students." Pinalakpakan ulit siya.

Nagsimula na mag-elect. Siyempre, ang sunod Vice President. Nagulat naman ako nang i-nominate ako ni Kyle. I looked at him. Nagthumbs-up lang siya sa akin.

Ito naman ang nakakagulat,

nanalo ako. Alright! Si bear brand ang President and me, his Vice President. Gawd, disaster!



Love Or HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon