/18/ Nakakakaba

19 2 0
                                    

Pagkadaan namin sa bahay, dumiretso na agad kami sa bahay nina Yacy. Nagdala lang ako ng konting damit, uniform para bukas at iba pa na kailangan sa katawan ko. Dumaan din kami sa 7Eleven para bumili ng mga chips. Nasabi ko na ba na wala ang parents ngayon ni Yacy? Nag-out-of-town for their business. Taray.

"Ey, pili kayo ng papanuodin dali!" Lumapit naman kami sa may mga CDs.

"Movie ba? Or Kdrama? I want horror movie first then KDrama. Marathon tayo. What do you think?" sabi ni Suzy. Nag-agree na lang kami. Okay, horror movie muna.

Nagsiksikan naman kami sa isang mahabang sofa. As in dikit dikit talaga. May kumot din kami na nakapatong sa mga tuhod namin. Habang may mga chips, pizza, drinks naman sa harapan namin. Oh 'di ba, feel na feel!

Habang nanunuod naman kami, naalala ko yung babae kanina. Yung transferee. Then yung pagiging close niya sa grupo nina Kyle.

"AHH!"

"Brielle! Hindi ka takot?" tanong ni Lei na katabi ko at may pagyakap pa sa akin. See, siya yung gustong gustong manuod ng horror movies, siya rin yung takot na takot. Napatakip naman ako ng tenga. Ang lakas nila umirit grabe! Hindi ko namalayan na nakakatakot na pala yung palabas. Occupied kasi ang utak ko about nung kanina.

Napatingin naman ako sa screen ng TV. Saktong may lumabas na babaeng punong puno ng dugo ang mukha. Nag-iritan na naman ulit sila. Ako, naalala ko na naman yung kanina. Yung mukha ni bear brand na ang saya saya habang kausap yung babae. Argh! Langya. Bakit ko ba naaalala 'yon? Iba rin yung naramdaman ko kanina. Hindi kaya crush ko si... bear brand?! No way! No way! Iyon? Crush ko? Eew. HINDI! Si bear brand 'yon! Napasabunot ako sa ulo ko Hinding-hindi ko 'yon magiging crush! Hindi talaga!

"Hoy! Brielle!" Wala nga akong crush do'n. I don't care. Magsaya pa sila nung babae!

"BRIELLE!" Huh?

"Oh?" Tiningnan ko sila. Hindi na sa TV nakatingin kundi sa akin na. May problema?

"B-bakit?" nagtataka kong tanong.

"Are you okay? Kanina ka pa tulala! Akala ko nasapian ka na nung multo sa pinapanuod natin."

"Sinabunutan mo pa ang sarili mo habang nagsasalita ng 'hindi ko siya crush'. Seryoso, okay ka lang?"

Napasubo naman ako ng pizza. Shocks. Napansin pa nila ang pagkatanga ko.

"Ohwskaykongakyuasdfghjkl," nagthumbs-up pa ako. I don't know kung naintindihan nila yung sinabi ko. Sinubo ko kasi yung isang slice ng pizza. Kasalanan 'to ni bear brand e!

Pagkatapos namin sa horror movie, pumili naman kami ng Kdrama. Yung The Kings Love ang pinili namin. Si Yoona! Yiee. Medyo madaming episodes. Hindi namin alam kung matatapos namin 'to hanggang madaling araw.

This time, nagfocus na talaga ako sa pinapanuod namin. Alisin si bear brand sa isip ko!

***

"What happened to your eyes? Nasuntok ka ba?"

"Eh kung ikaw kaya ang suntukin ko, want mo?"

Malabo talaga na magka-crush ako sa bear brand na 'to. Eto nga kauma-umaga nabibwisit na naman ako sa pagmumukha niya. Paki ba niya kung ang laki ng eyebags ko. Hindi lang naman ako ah. Sina Yacy din. Eh paano, 4:00 A.M na kami natapos sa KDrama marathon. Hindi pa nga lahat natapos e. Hindi na talaga namin kaya. Tss, 2 hours lang tulog namin. Buti nga hindi kami na-late.

"Chill. Sasabihin ko lang na pumunta ka sa room ng K-Pop Club. Being the Vice President of the club, obligasyon mo ang pumuntang club room. Besides, may meeting ang mga officers about upcoming events and activities ng club," mahaba niyang sabi.

Love Or HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon