Boses ni Milo?
Impossible. Mali lang siguro ako ng pagkakarinig or sadyang antok na talaga ako no'n. Dreams? I don't know. Basta pagkagising ko, sobrang sakit ng leeg ko at nangawit dahil sa pagkakatulog ko. At ang nakakainis pa, nasa harapan ko lang si bear brand, naka-upo na parang hari at sinabing, "May laway ka." Siyempre, I immediately wiped my mouth. Kaso ang loko, tumawa. Wala man daw. Grr. Babatukan ko sana kaso hindi ko na lang ginawa.
"Ms. Neval! Anong tinitingnan mo sa labas? Nasa labas ba ang sagot?"
Bumalik ako sa wisyo nang marinig ko ang pangalan ko na binanggit ni Ma'am Lynlyn. I heard my friends chuckled.
Yes, exam day namin ngayon. Sus, easy lang. Joke. Sa totoo lang, kaya ako nakatingin sa labas ng bintana dahil baka nga makahanap ako ng sagot. Huhu nalimutan ko ang sagot e. Kinulbit ko si Lei sa tabi ko. Kinulbit niya rin ako. Ay adik?
"Anong sagot sa number 24/24?" magkasabay na bulong namin sa isa't isa. I sighed. Paktay, magkapareho pang number. Napakamot tuloy ako sa ulo.
***
"Kamusta ang exam?"
Nandito ako sa Cafeteria mag-isa. Ayaw magrecess nung tatlo. Hindi man lang ako sinamahan.
"Okay lang." Nakapanghalumbaba akong sumagot. Lumingon naman ako sa paligid.
"Hindi mo 'ata kasama sina Leila/hindi mo 'ata kasama sina..bear-glenn?" Nagkatinginan kami tsaka tumawa.
"Ayaw magrecess e. Hindi man lang ako sinamahan tss." Kyle laughed. "Sina Glenn? Nasa room. Tinatamad maglakad papunta dito. Si Milo, 'yon oh. Kasama ni Carmela." Ngumuso si Kyle sa bandang pinto kaya lumingon ako. Magkasama nga sila. Mukhang katatapos lang nila kumain kaya papalabas na sila. Napa-inom naman ako sa aking coke. Tiningnan naman ako ni Kyle ng nakakalokong tingin.
"Tapos na ang exam natin, right?" tanong ko na lang.
He nodded. "Tara na. Magta-time na rin e," pag-aaya niya. Tumingin ako sa wristwatch ko, oo nga mag-ta-time na.
Nagkikwento lang si Kyle habang naglalakad kami. Himala nga e, ang daldal. Nang makarating kami sa tapat ng room nila, nagpaalam na siya.
"Bye," he waved at me. Natawa naman ako. Parang hindi naman kami magkikita mamaya. Napatingin ako sa loob ng room dahil may tumawag sa akin.
"Brielle!" I saw Carmela waving at me. Kumaway din lang ako at ngumiti. Napawi rin nang makita ko si bear brand na katabi niya at nakatingin sa akin. Okay, ang sama niyang tumingin ha. Tss. Dumiretso na lang ako ng lakad. Pero bago 'yon, narinig kong nagtanong siya kay Kyle.
"Sabay kayong nagrecess?"
"Ni Brielle? Oo. Nakita nga namin kayo e."
Pagkapasok ko sa room, nasa loob pala si Ma'am Suarez. Dali-dali naman akong pumunta sa upuan ko. Akala ko ba tapos na exam namin? Ano naman kaya ang ginagawa ni Ma'am dito? Humarap ako kay Lei at nagtanong, "Anong meron?"
"Thesis." Ngayon na ba i-a-announce ang magkakagrupo? Akala ko huwebes? Gulo ni Ma'am ha.
"Nabanggit na kayo?"
"Yes. At wala sa atin ang magkakagrupo. Hindi ka pa nababanggit Brielle," sagot ni Suzy.
"Kainis nga e, hindi ko kilala yung dalawang ka-grupo ko sa ABM," sabi ni Leila na nagmamaktol.
"Aguda, Vergara, Martinez and Asuncion from ABM. Kayo ang magkakagrupo. Next, Kyle Hernandez, Neval and Evangelista, Cortez from ABM, kayo ang magkakagrupo. Then next..."
Wait..si Kyle ka-grupo ko? Tumingin ako kay Kyle. Nagthumbs-up siya sa akin. Tapos sino raw? Evangelista at Cortez? Hindi ko kilala pero yung Cortez don't tell me-no way. Baka may iba pang Cortez ang apelyido sa ABM. Right! Baka meron.
"Cortez? Yiee, ka-grupo niya si Milo," pang-aasar ni Leila sa tabi ko na may kasamang sundot sa tagiliran.
"Ano ba! Hindi lang siya ang Cortez 'no. Baka may iba pa." Simula nang matuklasan nila na hindi ko natuklasan na may gusto ako kay Milo (eew. Hindi! Wala talaga..) lagi na nila ako inaasar.
"I will inform the ABM class later. Dapat bukas may maibigay na kayong topic and title na mapipili niyo. That's all, good bye class."
"Bye Ma'am."
Luh. Kagrupo ko nga kaya siya?
***
"You're late."
I sighed. Ka-grupo ko nga si bear brand. Sabi kasi sa akin ni Kyle kanina, sa library kami magme-meeting. T-teka-sino ang isa naming..
"Hi Brielle!"
Nagulat naman ako nang makita ko si Carmela na naka-upo sa gilid.
"Carmela!" I smiled. So ibig sabihin, siya ang isa naming ka-grupo? Carmela Evangelista. Bakit kasi hindi ko nalaman ang apelyido niya.
"I'm glad na kayo ni Kyle ang ka-group namin ni Ashlee," masaya niyang sabi. Hindi talaga ako sanay na Ashlee ang naririnig kong tinatawag kay bear brand. Ako nga e, hindi ko pa natawag siyang Milo.
"Ikaw pala ang isa naming ka-group. Mabuti dahil magkakakilala na tayo." Awkward nga lang.
"Can we start?" sabat ni bear brand. Tss. Umupo na ako sa tabi ni Kyle na katapat si Carmela at ako naman, katapat si bear brand.
"May naisip na kayong topic natin?" tanong ni Kyle.
"Ahm ano ba? Abortion, Teenage Pregnancy, Common Stressor, what else?"
"Masyadong common," sagot ni bear brand sa suggestion ko.
"What about Online Games, Social Media?"
"Masyadong common," ganti kong sagot sa suggestion ni bear brand. Tiningnan niya ako ng masama. Sinamaan ko rin ng tingin.
"What about K-Pop, Kdrama? Marami ang k-pop at kdrama fans sa pilipinas," Kyle suggested. Sumang-ayon ako.
"Right. Iyan na lang!" hyper na sagot ni Carmela.
Napag-usapan namin na about sa K-Pop and Kdrama na lang ang topic namin. Nag-isip na rin kami ng title. Ipapakita na lang namin kay Ma'am bukas. After that, tumayo na kami at sabay sabay na umalis ng library.
"Brielle, 'di ba kay Ashlee ka sumasabay? Sasabay din ako ngayon sainyo," nakangiting sabi ni Carmela sa akin.
"Ah..mabuti," tipid kong sagot at ngumiti. Tumingin ako sa likod ko. Medyo nagulat ako dahil nakatingin pala sa akin si bear brand. Hindi ko na lang pinansin. Pagkarating ko sa room, agad kong kinuha ang bag ko. Baka naghihintay na sila sa-umuwi na kaya sina Suzy?
Nakita kong nag-aabang na sina Carmela at bear brand sa akin sa gate at hinihintay ako. Nang makalapit ako sa kanila, hinawakan ni Carmela ang braso.
"Let's go!"
"Ah, sorry. Hindi ako makakasabay," mabilis kong sabi at tsaka inalis ang kamay niya sa braso ko.
"Huh? Bakit?" Bakit nga ba?
"Ahm..may pupuntahan kasi kami ng mga kaibigan ko. Ah! Ayon na sila, babye!" I waved at her. Tiningnan ko ng mabilis si bear brand bago ako tumakbo papunta kay Yacy.
"Brielle?" nagtatakang pinagmasdan ako ni Yacy.
"Pwedeng..sumabay ako sa 'yo ngayon?"
"Sure! Hop in."
Bago ako sumakay sa kotse ni Yacy, tumingin muna ako sa sasakyan niya na papaalis.
***
A/N: Sino may Research na subject dito? Hueheu. I feel you all. Stress! Vote, Comment and Share if you like the story. Kamsaranghae!
BINABASA MO ANG
Love Or Hate
Teen FictionBrielle Aesha Neval, she's a certified fangirl of K-Pop. Laging present kapag may concert sa bansa ang mga idol niya. Sa hindi sinasadyang kapalaran, nakilala niya ang isang fanboy habang bumibili sila ng ticket, si Milo Ashlee Cortez. Dahil sa pagk...