Pinagtitinginan pa rin ako ng mga kaklase ko. Pati ang ABM at HUMMS section, tumitingin sa amin habang naglalakad kami. Kumalat ba naman na sinasapian ako. Tumingin ako sa mga nasa tabi ko at sinamaan sila ng tingin.
"Waah! Bakit? Hindi mo pa rin kami napapatawad?"
"Hindi!" Hmp.
"Waeyo?! Sabi mo napatawad mo na kami kanina?" Huhu grabe kayang kahihiyan ang inabot ko dahil sa inyo. Nakakahiya lalo na kay bear-teka..bakit naman ako mahihiya sa kumag na 'yon? Wow, Brielle parang hindi ka nahiya kanina. N-nahiya lang naman ako dahil..basta! Mamaya malaman pa nina Mommy at ni Bryle, magsumbong 'yon.
"Brielle!" Tiningnan ko sila. Nyaha! Teary-eyed na.
"Libre niyo muna akong ice cream para mapatawad ko na kayo ng tuluyan!"
"Ice cream?" Tumango ako.
"Sus, ice cream lang pala. Kayang kaya 'yan ni Suzy, 'di ba?"
"Huh? Sabi raw ni Yacy mas kayang kaya niya raw e." Hindi naman ako makapaniwalang tumingin sa kanila at tinaasan sila ng kilay.
"Sabi nga namin kaming tatlo ang manlilibre sa'yo ng ice cream," sabi ni Suzy. Hoho see? Nauto ko. Yey, ice cream kooo! Hintayin niyo akoo!
"Hoy Brielle, these past few days para kang buang," sabi bigla ni Yacy. Harsh. Buang talaga?
"I agree! Napagkamalan tuloy namin ikaw kanina na sinasapian," Leila added.
"Ano ba nangyayari sa 'yo, ha? Ang weird mo. Kwento naman d'yan!" dagdag pa ni Suzy at binunggo-bunggo pa braso ko. Tss. Masasabi ko ba na dahil kay bear brand kaya ako nagiging weird? Hayst! Kasalanan talaga 'to ni bear brand!
"Wuy, kwento mo na!" Saglets, eto na nga oh. Habang naglalakad kami ng mabagal, kinwento ko naman sa kanila. Simula do'n sa hinawakan ni bear brand ang kamay ko na nakaramdam ako ng kakaiba, sa pagdating ni Carmela at pagiging close nila, sa pagiging iba niya sa kanya at yung mga weird feelings na nararamdaman ko pagdating kay bear brand.
Pagkatapos ko naman magkwento, sabay tumalon si Suzy at leila habang tumitili. Sumunod din sa pagtalon si Yacy. Ay hala? Anyare?
"Hoy, bakit kayo tumatalon? Tumigil nga kayo. Nakakahiya promise!" Tumingin tingin naman ako sa paligid ko at nakitang tumitingin sa amin ang ibang estudyanteng pauwi. Promise, gusto kong isigaw sa kanila ang, "HINDI KO PO KILALA ANG MGA IYAN!"
"Kyaaah Brielle!" nakakabinging sigaw ni Suzy.
"Dalaga ka na talagaaa! OMG!" isa pa 'to. Ang o-OA ha.
"Bakit tayo tumatalon?" parang tangang tanong ni Yacy at nakakunot pa ang noo habang nakikisabay ng talon sa dalawa.
"A-aray! Bakit?!" Binatukan kasi siya nung dalawa. Salamat naman at tumigil na sila sa kakatalon. Nakakahilo kaya magparatingin sa kanila.
"Eh, bakit ka tumatalon kung hindi mo na-gets?"
"Nakikitalon lang, bawal ba?! Ang saya niyo e," sagot ni Yacy. Mga sira-ulo.
"So, bakit ganyan ang reaksyon niyo?" singit ko. Yung naghihintay ako sa sagot nila pero bigla na naman silang tumalon. Naknang. Kung sabihin kaya muna nila?!
"BRIELLE! May gusto ka ka-Hoy ticket girl!" Inis naman akong lumingon sa may-ari ng boses. Epal.
"Kanina pa ako naghihintay sa 'yo. Tss."
"Hindi ako sasabay sa 'yo. Sa kanila ako-BYE BRIELLE!!"
"H-hoy!" pagkalingon ko kasi, iyon pala tumatakbo na. Tinakasan ako?! Langya.
BINABASA MO ANG
Love Or Hate
Teen FictionBrielle Aesha Neval, she's a certified fangirl of K-Pop. Laging present kapag may concert sa bansa ang mga idol niya. Sa hindi sinasadyang kapalaran, nakilala niya ang isang fanboy habang bumibili sila ng ticket, si Milo Ashlee Cortez. Dahil sa pagk...