Pagdating ko sa bahay mula sa pinuntahan ko, napatingin ako sa bahay na katapat ng bahay namin. I saw the car. Sino kaya ang nagmamay-ari ng kotseng 'yan? Masama siguro ugali. Umakto akong susuntukin yung kotse nang may lumabas sa gate ng bahay.
I gasped. No way! No way!
Napanganga ako nang makita kung sino ang lumabas sa gate. Napatingin naman siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.
"Tingin-tingin mo?"
Waaaah! I immediately entered the gate of our house at isinara iyon. Hindi ako makapaniwala. All this time, si Milo Ashlee Cortez lang pala ang bumusina sa akin noon, kanina at ang nagmamay-ari ng kotse na binabalakan kong sirain.
Oo! Si bear brand na nang-agaw ng ticket ko, ka-schoolmate ko, katabing classroom ko at ang kinaiinisan ko ay katapat-bahay pala namin! What a coincidence. Sumilip ako sa may maliit na butas na design sa gate namin. Baka kasi namamalik-mata lang ako.
Pero hindi e, siya talaga! Nakita kong ipinasok niya ang kotse sa garage nila. Tumalikod na ako at dali-daling pumasok ng bahay. Hindi ko matanggap na katapat-bahay lang namin siya! Sa dami-raming subdivision dito sa Novaliches, dito pala sila nakatira. Nagtaka naman ako, hindi ko siya nakikita sa subdivision noon pa man.
Pinuntahan ko si Mommy na nasa kusina. Naghahanda ng meryenda. "Mom, I'm home." Bumeso naman ako.
"Mom matanong ko lang, kilala mo po yung nakatira diyan sa katapat-bahay natin?" Kumuha ako ng sandwich na inihanda ni Mommy at umupo.
"Cortez Family ba? Yes-wait, don't tell me hindi mo talaga kilala ang nakatira doon?" I nodded.
"Seriously? Si Tita Cind mo ang katapat-bahay natin na sinasabi mo! Remember, yung minsang pumupunta dito." Tita Cind? Ah kaklase dati ni Mommy. Oo, naaalala ko na. Matagal-tagal na rin. Nanlaki naman ang mata ko.
"Mom, ang pangalan ba ng anak niya ay bear brand-este Milo Ashlee Cortez?" Naninigurado lang, malay niyo.
"Yes. Did you already meet him? Kakalipat lang niya noong bakasyon. Sa bahay ng Lola niya siya dati nakatira sa Pampanga sabi sa akin ni Cind. Why baby?" Bakit hindi ko siya nakikita? Well, hindi naman ako lumalabas ng bahay kahit bakasyon. Eh bakit lumipat pa siya? Sana doon nalang siya sa Lola niya.
"Bakit? Crush mo?" nakangiting tanong sa akin ni Mommy. Halos mabulunan naman ako. Crush? Clash kamo!
"No Mom! Remember yung guy na inunahan ako sa ticket na dapat sa akin? Siya 'yon!" sabi ko na nakasimangot.
"Oh?" Mom just laughed at me. Aba, kay buting ina. Tinawanan lang ang anak.
"Nakakainis! Ka-schoolmate ko na nga, katapat-bahay ko pa," sabay inom ko ng Milo. Sabagay, ang La Mariano University lang pinakamalapit na school sa lugar namin. Teka-Milo?! Tumingin ako sa iniinom ko.
"Mom! Bakit Milo?" Ibinaba ko ang tasa na hawak ko.
"What's wrong with that? 'Di ba 'yan naman talaga ang iniinom mo?" Oo nga. Paborito ko rin. Ayts. Bakit kasi Milo pangalan 'nun? Ipinaglihi ba 'yon sa Milo? Laptrip.
"Aakyat na po ako sa taas," dali-dali naman akong tumayo at umakyat. Hindi pa pala ako nagbibihis.
"Brielle! Yung Milo mo hindi naubos!" narinig kong sigaw ni Mommy. Kunyare hindi ko narinig. Sinarado ko ang pinto ng room ko.
Haaay. Ang daming rebelasyon ngayong araw. Ngaks, rebelasyon talaga? Anyway, hindi ko talaga akalain. Bakit siya pa ang katapat-bahay namin. May ikakagulat pa ba ako? Huh! Kaya pala kung makabusina! Nang-iinis 'ata. Bwisit 'yon! Ang yabang. Naalala ko, nakatabi ko siya sa jeep 'non. Tapos may kotse pala siya?
BINABASA MO ANG
Love Or Hate
Teen FictionBrielle Aesha Neval, she's a certified fangirl of K-Pop. Laging present kapag may concert sa bansa ang mga idol niya. Sa hindi sinasadyang kapalaran, nakilala niya ang isang fanboy habang bumibili sila ng ticket, si Milo Ashlee Cortez. Dahil sa pagk...