Kakapasa ko lang ng application ng club. Yeah, K-Pop club! A club is required to have at least three members to be approve. Hindi naman ako nahirapan na maghanap ng members. Apat pa nga kami. Me, Suzy, Leila and Yacy. Yay, marami namang K-pop fans sa school namin. Tiyak marami rin ang ma-join.
"Excuse me Ma'am," narinig kong sabi sa labas. May kinokopya kami sa white board. Geez, katamad magsulat.
"Brielle Neval, tawag ka sa office. Pumunta ka na." Napatigil ako sa pagsusulat. Eh? Ako?
"Pinapatawag ka sa office," ulit na sabi ni Ma'am. Napatayo ako at napaturo sa sa sarili ko. A-ako? Luh, kakapunta ko lang do'n ah. Inaasar-asar naman ako ng mga classmates ko. "Lagot ka Brielle!" Ako pa tinakot nila, huh?
Lumabas na ako at dumiretso sa office.
Office..
"PO?!"
"Lower your voice Ms. Neval. Yes, we will not accept your application for your club," kalmadong sabi ni Ma'am Bernardino. Waeyo?!
"Peso bakit po? Ayos naman po yung form na pinasa ko. And apat na members din kami," I complained. Shocks, ayaw ba nila sa K-Pop? Ngayon nga lang year magkakaroon ng K-Pop Club e. Unfair!
"Oo, ayos nga. Kaya hindi namin tatanggapin ang club mo dahil.." Ma'am smiled. Dahil? Aba! H'wag mo ako ngingitian Ma'am! Sinasabi ko sa'yo. Tss
"Dahil meron ng K-Pop Club."
WHAT?! Meron na? Nagulat naman ako do'n. "M-meron na? Paano pong nangyari?"
"May nauna nang nakapasa sa'yo. Doon na lang kayo sumali," then she smiled. Okay? Pwede na rin. Akala ko talaga hindi tanggap ang K-Pop Club. Iyon pala, may nauna na.
"May I ask, sino po ang nagpasa?"
"Ah, si Mr. Milo Ashlee Cortez. Apat na silang miyembro kasama ang mga kaibigan niya."
SI BEAR BRAND?! Langya.
***
"Really? So, he's the President of K-Pop Club."
Kinwento ko naman kina Lei pagbalik ko sa room yung nangyari sa office. I can't believe it, naunahan ako ni bear brand! Okay, bihira lang ako maka-encountered ng mga fanboy, at nagsubmitt pa talaga ng application para sa K-Pop Club. Pero..waah! Kainis, e 'di siya ang President? Parang ayaw ko sumali tuloy. Ano pa kayang ibang club? May Otaku Club, Math, Science, Sports, Dance etc. Eh? Ayaw ko ng mga 'yon!
Lunch time..
"Psst, papalapit sina Milo dito," Yacy whispered. Napalingon naman ako sa likuran ko tapos ipinagpatuloy ko na ulit ang pagkain.
"I heard nagpasa ka ng application for K-Pop Club," sabi ni bear brand nang makalapit na sa pwesto namin. I looked at him. "Yeah? And I heard may nauna na pala," I said as I rolled my eyes. Napatawa siya.
"Yes. So, sasali ka sa club KO?" May diin pa yung KO niya. Asar.
Tinitigan ko siya at ngumiti. "Hindi," sabay irap. Natahimik si bear brand.
"What? Hindi ka sasali Brielle?" tanong ni Suzy.
"Saan ka naman sasali?" Bear brand said as he crossed his arms.
"Wala ka na do'n! I'm done. Una na ako sa inyo," sabi ko kina Lei at kinuha na ang bag ko.
"Brielle, hindi ka talaga sasali sa K-Pop Club?" Lumingon ako sa nagsalita. Si Luke pala kasama si Glenn. Nakasunod pala. Ningitian ko na lang sila.
"Alam mo Brielle, isantabi mo muna ang hate mo kay Milo. Love naman!" Tinanggal ko naman ang pagkaka-akbay nilang dalawa. Kung maka-akbay 'tong mga 'to.
"Bahala na, okay? Una na ako."
"Brielle? Hindi ka talaga sasali sa K-Pop Club?" Kanina pang tanong 'yan.
"Hindi! Ayaw ko nga sumali lalo na si bear brand pala ang President. Naku, baka babuyin niya lang ang club." Yeah, dapat ako na lang kasi ang President. Baka hindi niya mabigyan ng katarungan ang mga Kpop fans na sasali.
"Ang harsh mo naman kay Milo. Siguro hindi naman niya gagawin iyon 'no," kontra ni Suzy. Whatever. Ayaw ko talaga sumali. Shocks. Tingin ko kasi parang matatapakan ang pride ko kapag sumali ako sa club ni bear brand. Bakit kasi K-Pop pa!
"So, anong club ang sasalihan mo niyan?" Nag-shrug lang ako. Ano nga ba? Pag-iisipan ko pa.
"Ayan na sundo mo. Bye!" Humalik naman sila sa akin. Nagba-bye lang din ako. Kinatok ko naman ang bintana ng sasakyan ni bear brand. Binuksan naman niya.
"Bakit?" he asked habang nakataas pa ang kilay.
"Bakit ka d'yan? Open the door!"
"Tss." Aba, magsabi siya kung ayaw niya akong isabay. Sumakay naman na ako at nagsimula ng umandar ang sasakyan.
"Are you reallly not going to join my club?" maya-mayang sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya.
"Hindi!" Tse, manigas ka. Hindi talaga ako sasali.
"Are you sure? Baka pagsisihan mo," he smirked. I raised my left eyebrow. "Hindi ko pagsisisihan 'to. Ayaw ko nga sumali. Baka babuyin mo lang yung club!"
"Ouch. You're so mean. I'm hurt," sabi niya at hinawakan pa ang bandang dibdib habang nakatingin sa akin. Napatawa naman ako. Akala naman niya madadaan niya ako sa ganyan.
Napansin ko naman na nakatitig pa rin siya sa akin. "Hey! Why are you staring at me? Tingnan mo ang daan! Ayaw ko pa mamatay." Na-ilang naman ako. Bakit niya ako tinititigan?
"Tama ba ang narinig ko, tumawa ka?" Eh? Tumawa ba ako? Parang hindi naman.
"Eh ano naman?" mataray kong sagot. Kahit hindi ko alam kung tumawa ba ako.
"Dapat lagi ka na lang tumawa," mahinahon na sabi niya. A-ano raw? Seriously, ano nakain niya?
"Ang ganda mo kapag natawa ka," he added tsaka tumitig ng madalian sa akin. Feeling ko namumula ako. Anong..bakit nakakaramdam ako ng kilig?
"Kaya sumali ka na sa K-Pop Club. Pinuri na kita pfft," then he laughed. Kanina, feeling ko namumula ako sa kilig, ngayon namumula na sa galit!
BEAR BRAND! Bwisit ka talaga! I swear, hinding hindi ako sasali sa club mo!
![](https://img.wattpad.com/cover/106431395-288-k186651.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Or Hate
Teen FictionBrielle Aesha Neval, she's a certified fangirl of K-Pop. Laging present kapag may concert sa bansa ang mga idol niya. Sa hindi sinasadyang kapalaran, nakilala niya ang isang fanboy habang bumibili sila ng ticket, si Milo Ashlee Cortez. Dahil sa pagk...