/28/ My First Date, My First Heartbreak

10 1 0
                                    

Date.

Magkakaroon kami ng date sa Saturday.

Ma-date kami ni bear brand sa Sabado! Kyaah!

Dumapa ako at ibinaon ang mukha ko sa unan tsaka doon umirit ng walang boses. Kinikilig ako!

Napatingin ako sa kisame. Nakita ko yung mukha ni Milo na malapit sa akin. Feeling ko namumula ako sa kilig! Kyaaah!

Ano na bang status namin? M.U na ba kami? Choss. May nararamdaman din ba siya sa akin? I don't know. Maybe. Basta ang alam ko lang, masaya ako ngayon.

Balik na ulit ako dito sa bahay. Natapos na ang overnight ko sa bahay nina Tita. Bumalik na rin kasi sina Mommy. Hindi ko na tinanong kung saan galing. Siyempre, nagpapasalamat pa ako dahil sa bahay nina Tita Cind ako binilin.

Sa school naman, lagi akong tinatanong nina Suzy kung bakit lagi raw ako blooming. Ngumingiti lang ako kapag tinatanong lang nila 'yan.

Sabay pa rin kami ni Milo kapag mapasok. Nagkukwentuhan lang kami ng normal. Kapag sa school, nagngingitian pero nand'yan pa rin ang asaran.

One time nga, magkasama kami ni Milo kumain. May amos ako sa mukha kaya pinunasan ni Milo. Nagkataon na dumating sina Suzy at kaibigan ni Milo. So ayon, inasar kami at nagtanong ng, "anong meron?" Sabay kaming nag-shrug ni Milo.

"I smell something fishy!"

"Oo nga. Ano kaya 'yon?" dagdag ni Luke.

Tumawa lang kami.

Nung hapong iyon, sinabi ko na kina Suzy.

"OMG!"

"Hindi nga?!"

"Kinikilig ako!"

Then, nagtatalon sila. "KYAAAH!"

Pinagtitinginan na nga sila ng ibang estudyante kaya pinatigil ko sila.

"So may date kayo ni Milo sa Saturday?" Tumango ako na kinikilig.

"Omg. Dalaga ka na Brielle!"

"I'm so happy for you!" niyakap nila ako. Nagpasalamat naman ako. Ngaks, feeling ko naman ikakasal na ako.

"So, anong status niyo ngayon ni Milo?" tanong ni Lei.

"I don't know."

"Hindi ba niya sinabi na gusto ka niya or hindi siya nagpaalam na manliligaw siya, ganern?" dagdag na tanong ni Suzy. Umiling ako.

"Ano ba 'yan! So complicated pa rin."

Binatukan ni Suzy si Yacy. "Okay na rin 'yun! Kapag niyaya ng isang lalaki ang babae na magdate sila, ang ibig sabihin n'yan, gusto niya yung babae! Kaya gusto ka Brielle ni Milo!" Napangiti ako.

"Don't worry, pagagandahin ka namin ng bongga sa Saturday," sabi nila kaya natuwa naman ako.

"Really?"

"Of course, kami pa!"

Saturday..

This is it. My daydate!

"Brielle, naghihintay si Milo sa labas!" narinig kong sigaw ni Mommy kaya nataranta ako. Nataranta na rin sina Suzy sa paglalagay ng make-up ko. Yes, inayusan nila ako. Shocks. Napaka-supportive e.

"Ano ba Brielle. Huwag ka ngang ma-alarma d'yan. Natural lang sa lalaki na maghintay sila sa babae."

Bago bumaba mula sa kwarto ko, tiningnan ko for the last time ang sarili ko sa salamin. Nakalugay ang buhok ko, wearing light make-up and simple lavender dress above the knee. "Ang ganda mo Brielle!" Pagkatapos nu'n, nagpaalam na ako sa best friends ko at kina Mommy.

Love Or HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon