/02/ Her vs. Him

46 3 0
                                    

Friday na ngayon. Right, bilis ng araw and tomorrow is ticket selling day! Excited na kami ng mga kaibigan ko.

"We're going to fetch you nalang tomorrow. We'll use my car," sabi sa akin ni Yacy. Oo, may kotse na siya. She learned how to drive at the age of 14, kaya no problem. May student license rin siya. Pero hindi niya dinadala sa school, kapag may gimik lang kami tsaka niya dinadala. May driver sila kapag hinahatid sa school.

''Alright, bye,'' I kissed them bago bumaba sa kotse. Nakakatipid ako ng pamasahe kapag hapon. May sundo kasi sina Leila, Suzy at Yacy. Nagkataon na parehong wala ang sundo nina Leila at Suzy, kaya kay Yacy kami sumabay.

Pagkaalis nila, naglakad na ako papasok ng subdivision. Binati naman ako ni manong guard, binati ko rin. Malapit-lapit lang naman ang lalakarin papuntang bahay. Naalala ko na naman ang EXO! Mga asawa ko, maghintay lang kayo at makikita ko na naman-nagulat ako nang may bumusina ng malakas. Inis akong lumingon, pero lumampas lang sa akin ang kotse. Aba! Ang yabang, nakatabi naman ako ah. Papansin!

"Hey! Wanna die?!" sigaw ko. Oo Brielle, narinig ka. Bwisit naman 'yon. Hindi naman nagtagal, nasa tapat na ako ng aming bahay. Pipindutin ko na sana ang door bell but something caught my eyes. That car na bumusina sa akin kanina! Naka-park sa isang bahay na katapat lang ng bahay namin. So, katapat-bahay lang namin 'yon? Great, hindi na ako mahihirapang hanapin ang kotse at sirain.

I pressed the bell's button. Ilang minuto lang, pinagbuksan na ako ng gate ni Manang Hilda. Parang lola ko na rin siya, matagal na kasi siyang nagsisilbi sa family namin. I hugged her then dumiretso na sa loob. I saw my Mom watching Channel M when I entered the door. Sabi sa inyo, adik e.

"Mom," nagbeso ako. Umupo ako sa tabi ni Mommy at sumigaw.

"Why baby? Anong nangyari? May nangyari ba, okay ka lang ba? May umaway ba sa 'yo?!" Napatigil naman ako. "No Mom, may concert kasi ang EXO sa August!"

"Oh? That's good to hear. Akala ko may nangyari na," sabi ni Mommy sabay balik ng tingin sa TV.

"Mom? That's all? No reaction and no complains?"

"I said 'that's good to hear' kanina. Ano pa bang bago? Sasabihin mo sa akin, dadagdagan ko ipon mo, manunuod ka ng concert," dire-diretsong sabi ni Mommy. I laughed. "Right, I'm going upstairs," then I left my Mom.

When I entered my room, I immediately saw my posters of EXO my loves. Lumapit ako at hinalikan sila isa-isa.

"Makikita ko ulit kayo!"

***

Saturday,

Nagising ako ng maaga. Of course, excited. Nagready na ako, then I went downstairs para kumain ng breakfast. Gulat nga sina Mommy at Manang Hilda. Kumakanta kasi ako ng Monster habang pababa na ang lyrics ay good morning.

"Don't mind her Manang, she's just excited," sabi ni Mommy habang patawa-tawa.

"May I remind you baby na bibili ka pa lang ng ticket, hindi pa concert," dagdag pa niya. I just laughed. Maya-maya lang, tinatawag na ako nina Yacy sa labas. Nagpaalam na ako sa kanila.

"Good morning!" I greeted habang papasok ng kotse.

"Excited much?"

"Hindi naman, super excited lang!" They giggled.

"Alright, ticket here we go!" si Leila 'yan. Sumigaw kaming lahat. Idagdag pa na pinapatugtog ni Yacy ang isa sa mga kanta ng EXO. We're all just sang along, sumasayaw kahit siksikan then laughed and enjoyed ourself together sa loob ng kotse.

"Seriously? We've been here for about 10 minutes, hindi pa ba matatapos ang napakahabang traffic na 'to?" Suzy complained. Kung kanina, kumakanta at sumasayaw pa kami. Ngayon, para na kaming mga lantang gulay na naghihintay sa napakainit na kalsada na umusad na ang traffic. Philippines, anyare?

Love Or HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon