"Morning!" I greeted. Ayun, naka-survive naman sa loob ng sasakyan ni bear brand. Kainis! Pimagtutulungan nila ako ng kapatid ko. Argh! Pinatugtog ba naman ang kanta ng LE9ENDS ng napakalakas. Langya talaga.
"Hoy! Morning," bati ko ulit kina Suzy. Paano ba naman kasi, hindi ako pinansin. Nagkukwentuhan sila.
"Sige! Magkwentuhan kayo na wala ako. Ganyan naman lagi e," pagdadrama ko.
"BRIELLE! Upo ka," sabi bigla ni Leila. Pinagpagan pa niya ang upuan ko. Napataas tuloy ang kilay ko.
"Ano bang pinagkukwentuhan niyo?"
"Eh, kasi may transferee raw sa ABM." Iyon lang pala.
"Let me guess, lalaki kaya interesado na interesado kayo?" I said as I crossed my arms.
"No. Babae! Sayang nga e," sagot ni Yacy. Okay?
"Bakit kasi ang seryoso niyo d'yan?"
"Nag-uusap kasi kami na magslumber party tayo sa bahay nina Yacy."
"Woah, I like the idea. Kailan?"
"Mamaya! Magdala ka na lang ng uniform Brielle. Arasso?" I nodded. Excited na ako. Ang tagal na rin kasi naming hindi nakakapag-slumber party dahil laging busy. Nakinuod naman kami sa laptop ni Jane ng KDrama na Strong Woman Do Bong Soon habang hinihintay si Ma'am. Though, napanuod ko na. Nagtitipon-tipon na naman kami.
Napalingon naman ako sa bintana. Saktong nakita ko naman si Kyle na may kasabay na babae na hindi familiar ang mukha. Well, hindi naman talaga familiar sa akin ang mga mukha ng mga schoolmates ko. Baka taga-ibang section. T-teka..kailan pa ako nagkaroon ng paki?
"Parating na si Ma'am," sabi ni Kyle nang pumasok sa room. Agad naman kaming nagsibalikan sa kanya-kanya naming upuan. Ang bibilis e!
Cafeteria..
Naririnig ko pa rin na pinag-uusapan yung transferee. Yung katabi naming lamesa na galing sa section ni bear brand. Bakit ba big deal 'yon? Artista ba 'yon? While eating, nag-uusap naman kami kung ano ang pagkain na dadalhin namin, lulutuin and ang papanuorin na KDrama.
"Kakabili ko lang ng mga CDs. May mga Horror Movies do'n! Iyon na lang ang panuorin natin mamaya," sabi ni Yacy.
"Waah! Gusto ko 'yon. Horror," sagot naman ni Leila. Gusto raw? Pero 'tamo mamaya, siya ang magsisisigaw.
"Psst! Look," sabi ni Suzy sabay turo gamit ang nguso niya. Tumingin naman kami sa iningunguso niya. Iningunguso talaga? There, I saw bear band and friends at..may kasamang babae. Wait-siya yung kasama ni Kyle kanina.
"Siya yung transferee," Suzy said. Ah, so siya pala. Mukhang close na close siya sa barkada ni bear brand. Kanina si Kyle yung kasama niya. Tapos ngayon, ang buong barkada niya. Siguro magkakakilala sila o kaya'y dating schoolmate nila.
She's beautiful, matangkad ng kaunti sa akin, maputi, lampas sa balikat ang kulot na buhok, mapula ang mga labi, makikita mo sa kanya na hindi siya maarte, simple lang. Kailan pa ako nangdescribe ng tao? Ngayon lang 'ata. Gawd! Ang ganda kasi. Mas maganda pa sa akin-ay no! Erase erase! MAGKASINGganda kami. I smiled with my thought. Ang kapal ko grabe! Sigurado akong inggit na inggit ang mga lalaking nandito sa cafeteria dahil kasama siya nina bear brand. Nakaakbay pa siya sa babae at..what's with his smile? Ngayon ko lang nakita na parang ang saya saya niya. Girlfriend niya kaya?
Saktong tumingin sa direksyon namin si bear brand. Or sa akin lang? Agad ko namang iniwas ang tingin ko. B-bakit ako nakakaramdam ng.....pagka-uhaw? Right, hndi pa pala ako umiinom. Uminom naman ako.
"Woah ang ganda niya," sabi ni Leila.
"Omo! Natitibo na ako," Yacy added. Yucks.
"Girlfriend kaya siya ni Milo? Bagay sila," dagdag pa ni Suzy. Ayon, tuloy tuloy kong nilagok ang coke ko.
"Grabe Brielle, uhaw na uhaw?" Napahawak ako sa ulo ko. Brain freeze! Shets.
"Are you okay?"
"Yeah? I'm fine," I replied habang hawak pa rin ang ulo ko. Note: hindi dapat lagukin ang coke!
"What do you think Brielle? Ang ganda nung babae. Bagay sila ni-hindi sila bagay!" pagpuputol ko sa sasabihin ni Suzy. Tiningnan naman nila ako na parang nagtataka.
"Ah.." I laughed awkwardly, "I mean-hindi sila b-bagay ni bear brand. Masyadong maganda yung babae para kay bear brand!"
"Okay?" Hindi pa rin nagbabago ang expression ng muka nila.
"But si Kyle ang tinutukoy ko Brielle," Suzy said at nagpoker-face. What?
I smiled like an idiot. "Ah..si Kyle pala! Siyempre bagay sila. Nakita ko sila kaninang magkasama," sabi ko na lang. Uminom ulit ako kaso ubos na pala coke ko. Napatingin naman ako sa may table nina bear brand. Magkatabi sila nung babae. Napa-irap ako.
Hindi talaga sila bagay!
***
Pagkatapos ng klase at time na para umuwi, sumabay na ako kina Suzy sa paglalakad palabas. Sasabay kami nina Lei, Suzy and ako kay Yacy. Siyempre, sa kanila gaganapin ang slumber party.
"Where are you going?"
I turned around. Nakita ko si bear brand na tiyak ko, sa kanya yung boses. Shocks, I forgot. Sa kaniya nga pala ako sumasabay.
"Oo nga. Where are you going Brielle?" Nagulat ako dahil biglang may lumitaw sa harap ko. Muntikan ko ng batukan ang kapatid ko.
"Hi Bryle!" bati nina Lei. Tumingin naman ako kay bear brand na nakatingin din sa akin at hinihintay ako.
"What now? Hop in. Bryle tara," sabi niya sa akin at sa kapatid ko.
"Hindi ako sasabay sa 'yo ngayon," sagot ko na ikinatigil niya papasok ng sasakyan. Yung kapatid ko kumunot naman ang noo.
"At bakit? Makikipagdate ka? Eh wala naman papatol sa'yo!" Pinandilatan ko ng mata ang kapatid ko. Narinig ko namang may mga tumawa sa bandang likod ko. When I turned my back, nakita ko sina Kyle, Glenn at Luke. Kasama nila yung babaeng transferee. Hindi ko na lang sila pinansin at sinagot ang kapatid ko.
"Oo, makikipagdate ako!" pasigaw kong sabi. Nainis ako e. Napakunot naman ng noo si bear brand at yung kapatid ko, napanganga na parang hindi naniniwala. Napa 'oh?' naman yung mga nasa likod ko at sina Leila, napatawa lang.
"May slumber party kami sa bahay. So, date naming magkakaibigan na rin 'yon," si Yacy na ang sumagot nang hindi na ako nagsalita. Nag 'Ahh' naman silang lahat. What's with them?
"Okay. Nakakapagtaka naman kasi talaga na makikipagdate 'yan si Brielle ng tunay." Bago ko pa mahabol at mabatukan ang kapatid ko, pumasok na siya sa kotse ni Bryle.
Padabog naman akong pumasok sa kotse ni Yacy at hindi na sila tiningnan. Talaga bang nakakapagtaka na may papatol sa akin? Hindi naman ako pangit ah. Pero wala pang nagtry na manligaw sa akin. Baka nga walang papatol sa akin.
Naoatingin pa ako sa sasakyan ni bear brand at nakita ko pang sumakay yung babaeng transferee sa sasakyan niya bago tuluyan kaming umalis.
BINABASA MO ANG
Love Or Hate
Genç KurguBrielle Aesha Neval, she's a certified fangirl of K-Pop. Laging present kapag may concert sa bansa ang mga idol niya. Sa hindi sinasadyang kapalaran, nakilala niya ang isang fanboy habang bumibili sila ng ticket, si Milo Ashlee Cortez. Dahil sa pagk...