/12/ CAR WAR

13 2 0
                                    

Nung hapon, hindi na nagpraktis ng folk dance kasi may leksyon na. Good. Bukas whole day kami. Magpapraktis pa rin ako siyempre. Hindi naman gaano ka-lala ang sugat.

"Brielle, let's go. Sa akin ka na lang sumabay," sabi sa akin ni Lei at inalalayan ako. Para naman akong baldado!

"Hey, you don't need to do that. Nakakalakad naman ako 'no. Pasabay na lang ako sa'yo." Kay Yacy kasi ako sumasabay kapag hapon, eh may pupuntahan siya kay Lei na lang.

"Ako na ang maghahatid sa'yo."

Napalingon naman kami sa nagsalita. "Yiee! Ikaw Kyle ha. Sinasamantala mo ang pagka-injured ni Brielle!" pang-aasar ni Suzy sa tabi ko. Siniko ko naman siya.

"At bakit naman couz, aber? Nanliligaw ka ba?" Lei asked. Napasapo naman ako sa noo. Ano ba 'tong mga ito! Ang a-advance ng utak.

"What? Hindi 'no. I insisted na ako na lang maghahatid kay Brielle. Diretso rin kasi ako sa bahay nina Milo," Kyle explained. Napakamot tuloy siya sa ulo.

"See?" Pinanlakihan ko ng mata si Lei.

"Okay! Sa kanya ka na. Ihatid mo 'to ng ayos ha." Tinulak niya ako pero mahina lang. Psh. Nagpaalam na sila sa akin.

"Tara?" I nodded at him.

Wow, ha. Ang yayaman ng mga 'to. Yung mga barkada niya rin may sari-sariling sasakyan. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan for about 5 minutes. Wala naman kasi akong mai-dadaldal sa lalaking 'to. At tsaka, nakakapagod magsalita 'no.

"Kamusta paa mo?" Nabigla naman ako dahil bigla siyang nagsalita. Buti pa ang paa, kinakamusta.

"Okay na? I think. Makaka-praktis naman siguro ako bukas."

"H'wag mong ipilit kung hindi mo kaya."

"Kaya ko na. Ayaw ko rin naman mapahiya kapag nagperform na tayo," sagot ko. Tumingin siya sa akin at napatawa,"Okay. Kaya mo na nga lang."

Hindi naman nagtagal at nasa tapat na kami ng bahay namin. "Dito na ako," sabay turo ko sa bahay.

"I know," he chuckled. Bumaba na ako. Eh saktong pagbaba ko, nasa labas si bear brand. Naka-crossed arms. He looked at me and he rolled his eyes. Aba! Ano na naman tinira 'non? Inirapan ko rin kahit hindi nakatingin sa akin.

"Kyle, thank you." Kumaway pa ako sa kanya.

"No problem."

Pumasok na ako ng gate at dahan-dahan isinara.

"Bro, ang tagal mo." Narinig ko pang sabi ni bear brand bago ako tuluyang pumasok sa loob.

"What happened? Hindi ka nag-iingat Brielle! Look, nagkasugat ka pa."

Napabuga na lang ako ng hangin. Ang hirap din kapag ang nanay mo, OA.

"Mom, I'm fine now. At tsaka napakaliit na sugat lang naman nito."

"Masakit pa ba? Gagamutin ko. Patingin nga," sabi ni Mommy na sinusuri pa ang paa ko. Ang ginawa ko, nilampasan ko siya at umakyat na sa taas.

"Hey, gagamutin ko pa 'yang paa mo!"

"OKAY NA AKO MOM!" sigaw ko.

***

"Baby, dalian mo. Naghihintay si Milo sa labas."

Napatigil naman ako sa pagsubo, at the same time napataas ang kilay. "At bakit naman naghihintay ang bear brand na 'yon Mom sa labas?"

"Sinong bear brand? Si Milo ang sabi ko, anak ni Tita Cind mo. He's waiting outside kasi sasabay ka sa kanya." Halos mailuwa ko naman ang kinakain ko.

Love Or HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon