/16/ My Disaster

28 2 0
                                    

Kumaway ako para mapansin ako ni D.O. Nampyeon ko, I'm here! Nakita kong itinuro ako ni Chanyeol sa asawa ko. Nanlaki naman agad ang mata niya nang makita ako. Ang cute talaga ng asawa ko! Bumababa siya ng stage at pupuntahan ako. Tumingan sa akin ang mga fans at sinamaan ng tingin. Mainggit kayo!

Ayan na! Papalapit na siya. Yayakapin ako! Yayaka...

"Hey big sis kong ugly, wake up!" Nasaan na yung yakap?

"Hoy! Pangit ka gising!" Ano ba 'yon? Ang ingay. "Ya..kap ko.."

"What's yakap ko? Eww." Someone poked my cheeks. Sino ba 'to? Itutuloy ko pa panaginip ko! Panira naman oh.

"Ayaw mo gumising? Okay!"

Yeah. Kung sino ka mang hinayupak ka, umalis ka na. Panira ka ng magandang panaginip ko. Sa panaginip na nga lang ako mayayakap ni bias, hindi pa natuloy! Matutulog na ulit ako.

"A-ARAY!" Awts. Napamulat agad ako ng mata.

"Shets! Likod ko.." Napahawak ako sa likod ko.

"Oh, you're awake! Ang galing ko talaga." I turned my head at nakita ko ang kapatid ko na tumatalon talon sa gilid ng kama ko. Kapatid? Nanlaki ang mata ko.

"Joeun achimimnida noona!" I raised my brows. Galing Japan tapos nagko-korean? Mahusay. T-teka, siya yung hinayupak na pumutol sa panaginip ko?! At aba, tinalunan pa ang likod ko.

"Don't smile at me like that bubwit! You're dead," tumayo ako pero agad din napaupo. Awts, yung likod ko. Tumakbo agad pababa ang kapatid ko. Hinabol ko naman habang nakahawak sa likod.

"Mommy! Eomma! Dad!" sigaw niya. Lagot ka talaga sa akin!

"What happened to you?" Itinuro ako ng kapatid ko na nakatago sa likod ni Mommy.

"Brielle? Ano na naman 'yan?" Hindi ko pinansin ang tanong ni Mommy at tumakbo sa pwesto nila. Napasigaw naman ang kapatid ko.

"DAD!" Agad ko naman siya niyakap. Tumingin ako sa kapatid ko at dumila. Akala niya siya ang pupuntahan ko ha.

"Brielle! Kamusta? Lumaki ka ba? Parang hindi." Nagpout naman ako sa pang-aasar ni Daddy. Narinig ko namang tumawa yung kapatid ko. Letse 'yon.

"Dad! Pasalubong?" Tumawa naman si Dad.

"Maghilamos at magsuklay ka muna!" I laughed. Right.

Meet my Dad and my lil bro, Bryle Aeshi Neval. Ganda ng name namin, no? Siyempre sina Mommy ang nagbigay. Lumapit naman ako sa kapatid ko at niyakap. Gawd! Kasing tangkad ko na. He's 15 years old. Dalawang taon lang ang tanda ko.

"Hindi pa ako tapos sa'yo," bulong ko sa kanya.

"Mommy oh! Si Brielle!" binatukan ko nga. Ang galang e.

"Brielle! Dalian niyo na d'yan. Naghihintay na si Milo."

"Milo? Sino 'yon? Boyfriend mo Brielle?" sunod-sunod na tanong ng kapatid ko. Kung maka-Brielle naman 'tong hinayupak na 'to.

"Boyfriend ka d'yan! No way."

"Ah, mabuti naman." Na-touch naman ako. Ayaw pa siguro ako magboyfriend ni Bryle.

"Kawawa naman kasi 'yon panigurado. At tsaka sa'yo may papatol? Nakakapagtaka," he added. Aba! Hinabol ko nga.

"Bye Mom and Dad!" sigaw niya habang tumatakbo palabas. Lagot ka talaga sa akin kapag naabutan kita. Nung isang araw ka pa!

Napatigil naman ako nang makita kong kausap ng kapatid ko si bear brand. Napataas naman ang kilay ko. Close na?

"You're Milo?" narinig kong sabi ni Bryle. Tumango lang si bear brand.

"I'm Bryle. Lil bro ni Brielle," maangas na sabi ng kapatid ko.

"Kapatid mo si Brielle? Hindi halata."

"Oo nga e. Ang pangit naman 'non. Akala ko boyfriend ka niya, hindi ko matatanggap na mapupunta ka lang sa kan-ARAY!" Hindi nila alam na nakalapit na ako sa kanila. Piningot ko nga. Ang daming sinasabi!

"Tara na nga!" sabay bukas ko ng pinto. Bumaling ako kay Bryle. "You, hindi ka sasabay dito. Magpaalam ka muna-sasabay siya. Tara na," pampuputol ni bear brand. Geez. Two versus one? Mukhang magkasundo na kasi sila kahit kanina lang nagkausap. Juskoo. Sakit sa ulo. Nagtransfer si Bryle sa school ko. 'Di bale, Grade 10 na siya. May pa-Japan Japan pa kasi dito rin pala bagsak niya sa Pilipinas.

Nasa passenger seat ako at nasa likod naman ang kapatid ko.

"Cool, may sarili kang Car." Feeling close talaga 'to.

"Nope. Kay Mommy 'to, hiraman lang kami," he answered.

"Ang tahimik mo Brielle?" Lumingon naman ako sa likod at sinamaan ng tingin si Bryle. I heard bear brand chuckled. "Hindi mo pala ginagalang ang kapatid mo?"

"Oo e. Hindi naman kagalang-galang 'yan. And besides, 1 year lang ang gap ng age namin. Magiging 2 gaps dahil ma-birthday na siya, 18th birthday. Tanda na."

"Really? Hmm, hindi naman halata. Sa height kasi," sabay tawa. Tumawa rin ang kapatid ko. Wow, e 'di kayo na masaya! Hello, I'm here! Naririnig ko kayo mga bwisit! Nagheadset na lang ako. Mabuti pa 'to.

"Masyado ka naman seryoso Brielle." Kahit nakaheadset na ako, naririnig ko pa rin sila. Kainis.

"Paano mo 'to nakilala?"

"Eto? Alam mo bang magkaaway kami n'yan?" What the eff! 'To, eto, nyan..may pangalan ako!

"Woah. Really? How?"

"Kwento ko sa'yo," sagot ni bear brand. Tss. Nilakasan ko pa ang volume ng phone ko. Ayan, hindi ko na rinig. Alam ko kasing maiinis lang ako. Lumipas naman siguro ang ilang minuto. Bakit ang tagal dumating sa school? Na-curious ako kung ano na pinag-uusapan nila kaya hininaan ko na yung volume.

"And lalong lumala nang malaman niya na anti-fan ako ng EXO," pagpapatuloy na pagkwento ni bear brand.

"Do you know LE9ENDS?"

"Yes! Actually I'm a fanboy of them."

"Nice. Ako rin!" Nakita ko naman sa peripheral view ko na naghigh-five sila sabay tingin sa akin ni bear brand. What?! Nakakainis, magkasundo na magkasundo na sila.

"So, pwede na pala ako magpatugtog ng kanta nila sa sasakyan. Talo siya kapag kumontra," tumawa na naman sila. Bwisit! Dapat hindi ko na lang hininaan ang volume.

Oh Buddha! Allah! Thank you thank you very very much! Nasa school na rin. Agad kong binuksan ang pinto at bumaba.

"W-wuy! Brielle hintay! Sabi ni Mommy sasamahan mo ako hanapin ang room ko," habol sa akin ng kapatid ko. Nilingon ko naman siya. "Malaki ka na!"

"BRYLE!" Nakita ko sina Suzy na papasalubong at papunta sa..hindi sa akin! Sa kapatid ko! Dati BRIELLE, ngayon BRYLE na?

"Hello po mga ate!" Pfft. Bakit ang galang niya sa mga 'yan?

"Ang gwapo mo. Gawd!" I rolled my eyes.

"Hoy. Bakit kayo nasa labas ng room?" Himala kasi.

"Hinihintay namin kapatid mo e," sabi ni Yacy sabay yakap kay Bryle. Landi! Child abuse 'tong mga 'to.

"Huwag niyo nga abusuhin ang batang 'yan!"

"Kami na lang ang sasama sa'yo Bryle," Leila suggested.

"Sa akin ka sumama," sabi ng boses sa likod ni Bryle.

"Kuya Milo! Tara na." Umalis na sila. Ito na nga ang ikinatatakot ko e.

"Close na agad sila?"

"Ano pa nga ba. My nightmare!"

Tumawa lang sila. Geez, hindi ko ma-take ang pagiging close ni bear brand at ng kapatid ko.



Love Or HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon