/05/ Milong Bear Brand

27 2 0
                                    

Pagkatapos ng eksena namin kanina sa cafeteria, dumiretso agad ako sa comfort room at doon nagsisigaw doon. Pinauna ko na sa room sina Suzy.

"AAHH! Bakit kasi nagkita pa kami ng bear brand na 'yon?!"

After that, inayos ko ang sarili ko. Bakit naman ako magpapa-apekkto 'don? Eh kung magkita, e 'di magkita. H'wag mo nalang pansinin Brielle. Huminga ako ng malalim bago lumabas

Halos mapasigaw ako nang buksan ko ang pinto. Paano ba naman, pagkabukas ko saktong dumaan si Kyle. Tiningnan naman niya ako na nakakunot ang noo. Siguro nagtataka kung bakit gulat ang expression ko. Tumingin ako sa may bandang likod niya. Hindi niya kasama ang barkada.

"Kung hinahanap mo si Milo, nasa Cafeteria pa rin siya," biglang sabi ni Kyle. Bumalik ang tingin ko sa kanya.

"Huh? Hindi ko siya hinahanap! Ayaw ko nga makita pagmumukha 'non," sagot ko. Kyle chuckled.

"Pupunta ka na sa room? Tara sabay na tayo." Tumango naman ako. Tahimik lang kaming naglalakad. Hindi naman kami kasi masyadong close. Close lang kami kapag manghihingi siya ng papel. Just kidding. Nagkakausap lang kami kapag kasama niya o kausap si Leila. Mabait naman kasi si Kyle at friendly. Kaibigan nga lang ang bear brand na 'yon.

"Ang lalim 'ata ng iniisip mo?"

Haist! Bakit ko ba naaalala ang kumag na 'yon?

"Hey!" Tumingin ako kay Kyle. Kinalbit kasi ako.

"Huh? Bakit?" He chuckled.

"Sabi ko kasi kanina, ang lalim 'ata ng iniisip mo. So I guess I'm right, hindi mo kasi ako pinansin e," he grinned. Ay shookt. Nakakahiya naman. Tumawa ako ng pilit. "Sorry," sagot ko. Ngumiti lang siya 'nun.

"Ang galing mo sumuntok," sabi niya pagkatapos. Hindi ko magets ang sinabi niya kaya kumunot ang noo ko. Tapos nagsalita siya, "Ticket," sabay tawa.

Tsaka ko lang na-gets ang sinabi niya. Namula naman ako bigla at tiningnan siya ng masama. Ang tinutukoy niya ay yung sinuntok ko si Milo. Tumawa lang siya. Eh kung suntukin ko rin kaya 'to? Just kidding. Marami silang magkakaibigan, baka pagtulungan ako.

Mabuti naman at nasa tapat na kami ng room namin. Pero may narinig akong tumawag kay Kyle na alam kong mga kaibigan niya. Dali-dali nalang akong pumasok sa room.

***

'Shimmie Shimmie Ko Ko Bop
I think I like it
Ginjangdeun down down'

Nakaheadset ako at pinapakinggan ang new released na album ng EXO. Omo~ naaadik na naman ako sa boses nila.

Pag-akyat ko sa 2nd Floor, dahan-dahan akong naglakad sa corridor at pilit iniiwasan na tumingin sa room ng ABM na katabi lang ng room namin. Hangga't maaari, ayaw kong makasalubong si bear brand, even his friends. Dapat sumabay na pala ako kay Yacy.

"What are you doing?"

I stopped at napamura sa isip ko. Dalawa kasi ang pintuan ng bawat room. Sa una at hulihan. Saktong nasa huling pinto na ako ng room ng ABM and after that, room na namin. I didn't noticed na nakatambay pala siya sa may pintuan.

"Iniiwasan mo akong makita, right?" Hinarap ko naman siya.

"Ayaw ko kasing masira ang araw ko!"

"Oh sorry, sira na ang araw mo," he said with a smirk. Inirapan ko nalang siya at nagsalita, "Milong bear brand!" at dali-dali akong naglakad hanggang makapasok ako ng room pero napatigil ako nang marinig ko siyang magsalita.

"Kailan nga ang Concert ng EXO? Next next week na if my memory serves right." Nag-init ang ulo ko. Alam kong sadya niyang pinarinig sa akin 'yon. Pilit ko na ngang kinakalimutan, pinaalala pa niya na next next week na ang concert ng EXO!

Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Alam niyang narinig ko ang sinabi niya kahit hindi niya ako nakikita.

"Bruh, I'm sure hindi makakatulog yung si Brielle na nasa kabilang room ng ilang araw bago ang concert." Nagpanting ang tenga ko lalo na't narinig ko ang pangalan ko. Ano raw?! Sira-ulo ang nagsabi 'non!

"Exactly. I pity her," sagot naman ni bear brand. Kinaaawaan niya ako?!

"Naaawa ka sa kanya?" tanong ng kung sino man sa barkada niya.

"Oo, naaawa ako baka pumayat at lumaki ang eye bag dahil hindi makakatulog," then they laughed. Naikuyom ko ang kamao ko. AAHHH! Tumalikod ako at akmang lalabas nang tawagin ako ni Leila.

"Brielle! Oh? Bakit ang pula pula ng mukha mo? Ayiee.. nagblush ka ba? May crush ka na?" Tiningnan ko siya na parang nababaliw. Dahil sa galit 'to! Galit!

Dumiretso nalang ako sa upuan ko at tumungo sa lamesa. Kung hindi lang ako tinawag ni Lei, masasapak ko ang Milong bear brand na 'yon! May gana pa talaga siyang iparinig sa akin 'yon?! Eh kasalanan ko rin naman. Pwedeng dumiretso nalang ako. Sana hindi ko narinig mga sinabi ng mga ungas na 'yon! I'm so stupid. Pinag-papadyak ko ang paa ko habang nakatungo pa rin sa lamesa.

"Anong nangyari d'yan?" narinig kong tanong ni Suzy.

"May crush na 'ata si Brielle! Nakita ko kasing ang pula ng mukha niya. Then look, nagpapadyak pa! I'm sure kinikilig 'yan," Leila said with a jolly voice. What?!

"Really?!" Narinig ko na lumapit sila sa akin.

"Brielle! After 123455678910 years dalaga ka na! I'm so happy for you," sabi ni Yacy na niyakap pa ako.

Bigla naman akong napabangon sa pagkakatungo at tiningnan sila ng masama. "Anong pinagsasabi niyo? Wala akong crush okay at hindi ako kinikilig. Galit 'to! Nakasalubong ko kasi si bear brand at nagparinig pa sa akin!" Naalala ko, tinawag ko siyang bear brand sa cafeteria at kanina naman, Milong bear brand. Napatawa ako sa isip ko.

"Really? I'm so happy for you!" bumalik naman ako sa wisyo. I glared at them. Nag-iwas naman sila ng tingin. Naiinis nga pala ako.

"Waaah! Next next week na ang concert ng EXO!" Sigaw ko sabay tungo ulit sa lamesa.

Uwian na. Hindi ako makakasabay kina Yacy, may pupuntahan pa kasi ako. Pinapasabay na nila ako pero hindi ako pumayag. Nandito ako sa tapat ng gate ng school. Naman! Wala pang jeep. Lumakad nalang ako papuntang waiting shed. May tamang hintayan kasi Brielle!

Ilalagay ko na sana ang headset sa tenga ko nang may bumusina. Ay letse! Tumabi naman agad ako at lumingon ng masama sa kotse na bumusina. Napatigil naman ako.

Parang pamilyar ang busina at ang kotse.

Siya na naman!

Akalain mo 'yon! Magka-subdivision na kami, pareho pa ng school. Sino ba may-ari 'nun?

***

Author's Note: Seriously? Naka-ilang tungo ako at busina? Haha pansin niyo? Bilangin niyo. Yey! Nagcomeback na ang EXO. Ko Ko Bop :) Please VOTE, SHARE and COMMENT. Kamsahamnida!

Love Or HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon