/21/ Impossible

15 3 0
                                    

Shocks. Ako? May gusto? kay bear brand? Hindi ako naniniwala! Tumingin ako sa nasa tabi ko. O kaya'y pinapaniwala ko lang ang sarili ko na hindi ko siya gusto?

"You know, masama ang tumingin sa gwapong tulad ko." Bigla naman akong napa-iwas ng tingin sa kanya. Bakit ko kasi siya tinitingnan? Pero..ano raw? Kapal. Gwapong tulad niya na kalokohan.

"Tinitingnan ko lang mukha mo kasi nagtataka ako kung bakit ang pangit mo!" I smirked.

"What?! Me? Pangit? Oh please, stop fooling yourself."

Napa-irap na lang ako. Ewan ko sa 'yo. Kung bakit kasi hanggang ngayon, sumasabay pa rin ako sa bear brand na 'to. Mabuti na rin, tipid sa pamasahe at tsaka para magdusa siya sa kaka-gasolina.

Naalala ko kahapon ang sinabi ni Suzy sa akin. Yung reaksyon ko nga no'n, eh hindi maipinta. Shocks. Hindi talaga ako magkakagusto sa hamag na nasa katabi ko. Eh, fanenemy kami! Ano raw? Basta, hindi ko pa nalilimutan yung una naming pagkikita.

Shimmie shimmie Ko Ko Bop
I think I like it
Ginjangeun down down
Bukkeuro-

Biglang may nagpatay ng music. Nanlalaki naman ang mata kong tumingin kay bear brand na ngayon ay gulat ding nakatingin sa akin.

"Ah..w-wala akong kinalaman dito! Ha..ha..I s-swear! Y-yung kapatid ko talaga, p-pinalitan na naman ang ringtone ko. Tss." Nakatingin pa rin ako sa kanya na parang isa siyang malaking joke.

"What?! Kung ayaw mo maniwala, then don't."

"Chill. Wala akong sinasabi!" Masyado siyang defensive. Wait, "May kapatid ka?"

"Yup, younger sister. Mas bata ng isang taon sa kapatid mo."

"Oh?" Really. Bakit hindi ko nakikita?

"So EXO-L ang kapatid mo?!" nakangiti kong tanong. Hindi siya sumagot at umirap lang. Sungit. Hakhak. Tingin ko magkakasundo kami ng kapatid niya kapag nagkita kami.

Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa school. Yung kapatid ko, nauna na kanina pa. Himala nga e. Baka may gagawing kalokohan, kay aga-aga.

"Pumunta kang club room mamaya. Next week foundation day na."

Oo nga pala, next week foundation day na. Ngaks, inulit lang? Tumango lang ako sa kanya. Hahays, katamad magklase. When I entered my room, ayun! Naunuod na naman ang mga classmates ko ng..siyempre kdrama. Sumilip naman ako. Waah Andante! Si Kai. Nakinuod naman ako. Hindi ko na nabati sina Yacy na nanunuod din naman. Yung mahila pa lang ako ng upuan nang biglang pumasok si Ma'am Suarez. Bastos.

"Good morning!" Tiningnan ko lang si Ma'am na nakatingin sa mga nangkukumpulan.

"Ehem. I said, good morning!"

"Good morning Ma'am!" Agad-agad naman silang umayos at nagsibalikan sa kani-kanilang upuan.

"Sa Wednesday, exam niyo na." What?

"Ma'am exam agad?"

"Luh."

"Isang araw lang ang review?"

"Ano bang mga sinulat natin?"

"Parang wala nga tayong inaral e."

Kanya-kanyang reklamo ang mga kaklase ko. Ma-2nd sem na pala. Huhu stress!

"Kaya ako ang Ma'am niyo ngayong umaga, dahil ako na ang first subject teacher niyo simula 2nd sem. I-re-remind ko lang na magkakaroon kayo ng Thesis." Another what?!

"Thesis?!"

"Shocks."

"Gawd."

"Ba yan! Stress."

Love Or HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon