/27/ I'm Shookt

5 2 0
                                    

"Na-ikwento sa akin ni Ashlee kung paano kayo nagkakilala."

Nandito kami ngayon sa labas ng bahay nila. Kakatapos lang namin magmeryenda. Si Milo tinaboy namin.

"Talagang hindi mo ginagalang Kuya mo 'no?" Napatawa ako.

"Of course! Hindi siya kagalang-galang e," she replied at may pag-irap pa.

"Hate niyo talaga ang isa't isa, huh?"

"Actually, hindi. Sadyang ganito lang kami. Mahal ko naman 'yon! Hindi lang halata." Napangiti ako sa narinig ko. Same with Bryle. Mahal ko 'yon kahit hindi halata.

"Ahm, bakit hindi kita nakikita? Actually, ngayon lang kita nakilala." Matagal-tagal na rin nung nagkakilala kami ni Milo at dumadaan sa bahay nila pero kahit kailan, hindi ko pa siya nakikita.

"Nasa bahay ako ng Mommy ko." Huh? Napakunot ako ng noo.

"I mean, my real Mom. Half-sister ako ni Kuya Ashlee," ngumiti siya ng konti. Medyo nagulat ako do'n. And tinawag na niyang Kuya si Ashlee-este Milo, huh.

"May sarili na ring pamilya ang real Mom ko. Kaya minsan kapag nag-iisa ako sa bahay, pumupunta ako dito. Mommy Cind and kuya Ashlee treated me like a real family and I'm so greatful."

Medyo nakaramdam ako ng lungkot pero hindi ko pinahalata. Ang bait talaga nina Rita Cind.

"T-teka..bakit napapunta dito yung kwento? Right, nakwento ka ni Ashlee kung paano kayo nagkakilala."

Balik ulit sa Ashlee? Tumaas ang isang kilay ko. "At ano ang sinabi niya?

"Marami! OMO! Kinikilig ako sa inyo. K-drama lang ang peg! Bagay kayo Eonnie!" Talaga?

"Yiee. Bakit ka ngumiti? Kinikilig ka 'no?"

"W-what? Hindi ah! Why would I?" Lumapit siya sa akin at bumulong.

"Because you like him," she smirked.

"A-ano? H-hindi ah!"

"Don't me! Halata kaya." Nahihiya akong ngumiti. Tapos lumapit ako sa kanya at bumulong, "Halata talaga?" She nodded.

"But siguro ako lang ang nakakapansin. Don't worry Eonnie, hindi ko sasabihin," then she winked.

"Really?"

"Yes! Pero tanong ko lang 'to ha, paano mo siya nagustuhan?" mahina niyang tanong.

Napangiti ako at tumingin sa langit. "Paano nga ba? I don't know. Basta hindi ko alam na..n-nagugustuhan ko na pala siya. Tsaka ko lang narealized nung..dumating si Carmela." Nalungkot ako bigla.

"S-si ate Carmela?" I nodded.

"Sila na ba? Mas bagay sila," ngumiti ako ng pilit. Shocks! Bakit kasi nagustuhan ko ang enemy ko sa una, ang hater ng mga idols ko, si Milo..nakakainis!

"You know what Eonnie? Ashlee and-Brielle!" Sabay kaming lumingon sa tumawag sa akin.

"Oh? Makasigaw ka d'yan?"

Tiningnan niya ako na nakakunot ang noo. "Bakit hindi mo sinasagot tawag ko kanina? Kanina pa ako d'yan sa tapat ng bahay, nandito ka naman pala!" reklamo niya.

"Aba, hoy! Akala ko ba hindi naka-save ang number ko sa pb mo? At tsaka ganti ko na rin 'yon para kanina 'no!" sabay belat.

"Yeah, whatever! Hi Tita Cind! Mabuti po at nagtext kayo sa akin."

"Hello Bryle! Tara, magmeryenda ka na." Hinabol ko sila ng tingin habang papasok ng bahay. Tss.

"Kung may pagkakapareho man kayo ng kapatid ko, iyon ay yung hindi niya ako ginagalang. Pasaway! But I love him kahit ganyan 'yan," I chuckled. Tiningnan ko si Apple na ngayon ay nakatingin pa rin sa pinasukan ni Bryle at Tita.

Love Or HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon