"Wuy, sinong Milo? Yung guy na umagaw ng ticket ko?" I asked nang makabalik na sila sa pwesto ko.
"Correction Brielle, ticket na niya," sabat ni Leila. Sinamaan ko nga ng tingin.
"Yup! Hindi na ako magtataka na hindi mo siya kilala o nakilala noong sabado."
"Bakit naman?"
"Hello, wala ka kasing pakialam sa mga nasa paligid mo at sa ibang tao. Ka-schoolmate kasi natin siya," pataas-taas pa ng kilay na sabi ni Suzy. Pero wait-ano raw?!
"WHAT?! Ka-schoolmate? You mean, dito rin siya pumapasok?" Suzy nodded. What the-asdfghjkl..
"Grade 12 na rin siya, ABM students, and if you didn't know Brielle, nasa katabing room lang natin ang room nila." Wala na bang ikasasama ang balita ngayon?
"Kaka-transfer lang niya dito ineng. May tatlo siyang barkada, sina Kyle Martinez, Luke Ibanya and Glenn Vasco. Magkakaikilala na sila since Junior High. Napahiwalay nga lang itong si Milo nung Grade 11 at ngayon ay magkakasama na ulit sila," dagdag pa ni Yacy.
"Kyle Martinez? You mean, cousin mo Lei at kaklase natin?" Tumingin ako sa paligid at hinanap si Kyle na wala naman. Baka kasi marinig ako.
"Yes!" O-okay?
Napataas ang kilay ko nang may maalala ako. "Tanong lang, bakit parang alam na alam niyo ang buhay ng Milo na 'yon? Ini-stalk niyo?"
"Yes, tinulungan ka namin Brielle. Alam mo na, you need to know your destiny-I mean enemy," paliwanag ni Suzy.
"Well, I'm not interested." Hindi ko pa pala alam full name niya.
"Anyway, ano ang full name nung Milo?" Ningitian naman ako nila na ngiting pang-asar. "Hindi pala interesado, huh?" I glared at them.
"Just answer my question silly!"
"Right. Milo Ashlee Cortez for you Brielle."
A-ano? Milo Ashlee Cortez? Pfft. The next thing I knew, tumatawa na ako. Tumawa rin mga kaibigan ko. Wow ha, ang yabang yabang tapos ga'nun ang name niya?
"Brielle, b-bakit ka tumawa ha..ha." Napatigil naman ako.
"Eh 'di ba tumawa rin kayo?"
"Ha..ha oo kasi tumawa ka," sagot ni Leila. I sighed.
"Mga baliw! Tumawa ako kasi ang pangit ng pangalan niya. Ang bantot!" Tumawa ulit ako, "Wala na bang ikababaho ang pangalan niya?" halos mapaiyak na ako sa kakatawa. Napansin kong tinitingnan lang nila ako.
"Hey, bakit hindi na kayo tumatawa? H-hindi ba nakakatawa ang pangalan niya?" Sabay sabay silang umiling. Psh
"Ang cute kaya ng name niya!"
"Oo nga! Bagay sa kanya, cute rin kasi siya."
"Unique pa!"
I let out a deep sigh. Everyone, kutsilyo nga. Kaibigan ko ba ang mga 'to?! Sinamaan ko nalang sila ng tingin. Mga traydor. Bago ko pa maibato sa kanila ang binder ko ay dumating na ang first subject teacher namin.
"Please stand up. Brielle, lead the player." I heard my friends chuckled. Nice.
***
Lunch time.
Patingin-tingin ako sa paligid. Hay naku! Huwag lang talag-
"Hoy Brielle, kanina ka pa tumitingin sa paligid. Hinahanap mo 'no?" Sinundot-sundot pa ni Yacy ang beywang ko.
"What? Hindi ah! Bakit ko naman hahanapin 'yon? Ipinagdadasal ko nga na sana hindi ko makita ang pagmumukha at hindi magtagpo ang landas namin ng Milo Ashlee Cortez na 'yon lalo na't nasa iisa lang pala kaming school!" sabay inom ng iced tea ko. Umiinit na naman ulo ko.
"Excuse me Miss, I heard my name. Do you have a problem with me?"
Napatigil ako. That voice sounds familiar. I turned my head slowly sa pinanggalingan ng boses na narinig ko.
Nanlaki ang mata ko. Kakasabi ko lang na sana hindi ko siya makita at hindi magtagpo ang landas naming dalawa ngunit heto, may delubyo sa harap ko. Mukhang nagulat rin siya nang makita ako.
"You," sabay turo sa akin. Putulin ko daliri mo e.
"Yeah it's me," I replied as I rolled my eyes. Napadako naman ang tingin ko sa mga kasama niya. Nandoon si Kyle.
"We met again. Kilala mo pala ako. In-stalk mo ako ano? Hindi ko alam na interesado ka pala sa akin," sabi ng bear brand. I raised an eyebrow. Feeling naman nito! Nagtikhim muna ako bago nagsalita, "Hoy, hindi kita kilala. No hurt feelings huh, pero wala akong balak kilalanin ka. In-stalk? Well-" sina Suzy ang gumawa hindi ako, "B-bakit ko naman gagawin 'yon? Hindi ako interesado sa'yo." Tumayo na ako sa pagkaka-upo ko. Napansin ko kasing nakakangalay na tumingin ka sa nakatayo tapos ikaw naka-upo.
"Really? I thought, naghahanap ka ng impormasyon tungkol sa akin and after that, magbabalak ka na ng masama sa akin dahil sa nangyari noong nakaraan," he replied. Aba! Ang kapal talaga ng bear brand na 'to.
"Hindi 'no! But you gave me an idea, e 'di gagawin ko na. Mang-aagaw ng ticket ko!"
"Ticket KO na. And how may times do I have to tell you that I didn't stole MY ticket from you," he said with an annoyed voice. Siya pa ang naiinis!
"I don't care! Akin naman talaga dapat 'yon." Ayaw kong magpatalo.
"Psst, Brielle. Halika na, alis na tayo," bulong ni Leila sa likod ko. "Alam mo kasi, nakaka-akit na kayo ng mga audience," dagdag pa niya. Tumingin naman ako sa paligid ko. Shocks. Oo nga. Kasalanan 'to ng nasa harap ko e.
'Di ba sila yung nasa video?'
'Sila nga! Bakit ngayon ko lang napansin'
'Si Milo nakilala ko sa video tapos ngayon ko lang nakita si ateng'
'Nag-aaway na naman ba sila?'
'Nandoon ako nung sinuntok niya si Milo'
'Classmate namin 'yan si Brielle! Go Brielle!'
Ngaks. Hindi lang kami pinagtitinginan, pinag-uusapan din. Bumalik ang tingin ko kay bear brand.
"Alis na, 'di ba aalis na kayo?" Grrr. Ang sarap hambalusin ng bangko!
"Talaga! Aalis na kami, sobrang sama kasi ng hangin dito." Kinuha ko na ang bag ko at naglakad palabas. Kasunod ko sina Suzy. I stopped. Bumalik ulit ako at hinarap si bear brand na hindi pa rin umaalis sa pwesto niya pati ang mga barkada niya.
"H'wag ka na magpapakita sa akin dahil nakakainis 'yang pagmumukha mo, bear brand!" I said with a threatening voice with matching duro-duro pa sa kanya.
"As if I wanted to see your face-what did you say?! Bear brand?" Hindi ko na pinansin ang tanong niya. Tumalikod na ako at naglakad pabalik sa mga kaibigan ko na naghihintay sa pinto ng Cafeteria.
Ang hinayupak na 'yon!
BINABASA MO ANG
Love Or Hate
Teen FictionBrielle Aesha Neval, she's a certified fangirl of K-Pop. Laging present kapag may concert sa bansa ang mga idol niya. Sa hindi sinasadyang kapalaran, nakilala niya ang isang fanboy habang bumibili sila ng ticket, si Milo Ashlee Cortez. Dahil sa pagk...