"Anong nangyari sa meeting niyo?"
Pambungad na tanong agad sa akin ni Leila pagkarating kong room.
"Wala! Nakakainis lang. Bakit pa siya nagpatawag ng meeting eh nagawa niya na pala lahat ang mga gagawing activities habang hinihintay niya kaming dumating? Nagpatawag lang 'ata siya para sabihin sa amin na may nagawa na siya!" mahaba kong sagot habang nakabusangot. Nakaka..haist! Psh. Nakalimutan ko tuloy magpaalam kina Kyle at Carmela. Nakakahiya tuloy sa kanya. Maayos yung pakikitungo ng tao sa akin, hindi man lang ako nagpaalam.
"That's all? Iyan lang ba talaga ang dahilan?"
Napa-isip naman ako. Actually, no. Nainis din ako nung sinigawan niya ako kanina. Gosh! Hello, sinigawan niya ako sa harap ng mga taong nando'n! Sinigawan niya ako sa harap nina Kyle at Carmela. Nakakahiya kaya 'yon.
"Wala na. Iyon lang ang dahilan," I lied. Nakinig na lang ako ng music sa phone ko para mawala ang inis. Bigla naman nagpop-out ang mukha ni bear brand sa isip ko. Yung pagtawag niya ng name ko at pagtitig sa akin..kinabahan ako du'n. EEEHHHH! Bakit gano'n kasi makatitig ang lalaking 'yon kanina! Tapos nakakainis pa ang reaksyon ko.
"Brielle."
Boses ni bear brand! N-narinig ko pa 'yon? Tinanggal ko naman ang headset ko at tumingin sa paligid.. Eh?
"Oh napa-ano ka? Natatanga na naman?"
"Ey, may tumawag ba sa akin?" tanong ko sa kanila.
"What? Wala. E 'di sana tinawag ka namin kung meron man dahil naka-headset ka," Suzy answered.
"And tsaka paano mo narinig eh naka-omo! Don't tell me, may naririnig ka Brielle na hindi namin naririnig?!" Yacy added. Ano raw?
"Waaaah! Hindi kaya yung nag-slept over tayo kina Yacy, doon magsimula? Huhuhu dapat hindi na tayo nanuod ng horror e. Baka nasapian ka Brielle!" dagdag pa ni Leila. What? Nakarating sa nasapian? Eh nagtanong lang naman ako kung my tumatawag sa akin. Napa-atras naman sila sa akin. Anong..
"AAAHHH!" sila. I rolled my eyes. Ano bang..haist!
"Mga classmates, nasasapian 'ata si Brielle! Gosh! Tumawag kayong ambulansya!"
"What? Hey!" suway ko sa kanila. Wala na bang mas o-OA sa kanila? At anong ambulansya, baka albularyo?
"Huh? Nasasapian?"
"Si Brielle?"
"She looks..err okay naman eh."
"Itali niyo! Bilis!"
Waaah! Anong itatali?! Huhu. Hindi ako sinasapian! Langya 'tong mga kaibigan ko. Mamaya kayo sa akin.
"Hey! Can you please stop?!"
"Waah ayan na! Nagagalit na ang sumasapi sa kanya!"
"Humanap na kayo ng tali dali!"
Napa-urong naman ang upuan ko. Pinalilibutan na nila akong lahat! Huhu.
"Anong meron?" Narinig ko naman ang boses ni Kyle. Kyle! Help me!
"Sinasapian si Brielle!" No!
"What?!" Nakita kong nakisiksik si Kyle at..sina bear brand. Tumingin siya sa mata ko. Umiling ako.
"H'wag kayong maniwala d'yan! Nasa loob pa ng katawan ni Brielle yung sumapi." Walanghiya ka Suzy!
"Itali niyo siya. Dalahin natin sa ambulansya! Ayaw naming may mangyari pang masama sa kaibigan namin!" naiiyak na sabi ni Leila. Oh really?! Gawd, I'm so touch! Hell you all.
"Wait lang-may nakita na akong tali!" Nakita kong may hawak na lubid yung isa naming kaklase na lalaki. Napatayo ako at napa-atras. Tumingin ako kina Kyle. No! Help me.
Naramdaman kong may mga humawak na sa mga braso ko. MOMMY! EXO! Hindi ko na napigilan. Letse! Nakaka-ilan na itong mga 'to sa akin e.
"STOOOOOOOPPPP!!"
Napatigil naman sila at napa-atras.
"MGA SIRAULO! GAGO! WALANGHIYA KAYO! HINDI AKO SINASAPIAN! LETSE!" galit kong sabi. Napanganga naman sila.
"Eh?" Lumapit naman sa akin sina Lei.
"Hindi nga?" Sinapok ko silang tatlo.
"Kayo ang nagpasimula nito e!" sigaw ko sa kanila. Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay at pinipigilan ang maiyak. Napagkamalan pa akong sinasapian! Nakita pa nina..
"Alright! Magsibalikan na nga kayo sa mga upuan niyo!" sigaw ni Kyle. Lumapit naman si bear brand sa akin at hinawakan ako sa balikat.
"Gusto mo muna sa club room? Let's go." Hindi na ako nakasagot at nagpahila nalang sa kanya. Nakasunod sa amin sina Kyle.
Pagkarating namin, agad akong umupo at umiyak.
"Waaaah! Napag..*sob*..kamalan pa akong..*sob* nasasapian!" Wala akong pakialam sa kanila kung pangit ako umiyak.
"Mukha..*sob* ba akong *sob* sinasapian?!" Napatakip ako ng kamay sa mukha at umiling-iling. Nakita pa nila bear brand na pinagkakaguluhan ako kanina. Ilan na bang kahihiyan ko ang na-witness nila?
"Ahm Brielle, tissue oh." May inabot sa akin si Kyle na isang roll na tissue. Kinuha ko naman 'yon.
"Oh tubig Brielle." Inabot naman sa akin ni Luke ang isang bote ng tubig.
"Cupcake?" Nakalahad ang palad ni Glenn sa harap ko na may cupcake. Napatitig naman ako sa cupcake.
"Aray! Bakit kayo nangbatok?" reklamo ni Glenn na hawak pa ang batok. Binatukan kasi siya ni Kyle at Luke.
"Bakit cupcake?"
"Eh..wala. Kung ayaw ni Brielle, ako na lang ang kakain." Napangiti naman ako. Gusto ko sana tumawa kaso baka maging pilit lang. Napatingin naman ako kay bear brand na nakatingin din sa akin. Go! Asarin mo na ako. D'yan ka naman magaling. Pero nagulat ako nang umupo siya sa harapan ko. May binunot siya sa bulsa niya at..ipinunas sa mata ko. Panyo. Natuwa naman ako dahil..he cares. Akala ko aasarin niya ako. Napatitig naman ako sa mga mata niyang kulay brown.
"Huwag ka na umiyak. Ang pangit mo." Ewan ko pero hindi ako nainis sa sinabi niya.
"BRIELLE!" Napa-iwas naman ako agad ng tingin sa kanya at napatingin sa dumating.
"Waah Brielle! I'm so sorry!" Niyakap nila akong tatlo ng mahigpit. Paulit-ulit silang humihingi ng sorry.
"Ano ba! I can't..breath!" Gusto ko sana magtampo sa kanila at hindi sila pansinin ng isang araw, kaso hindi ko kaya.
"Brielle! Patawarin mo na kami!"
"Bumitaw na nga kayo. Mga sipon niyo sa akin tumutulo! Oo na, okay na. Happy?" Niyakap nila ako lalo at nagpasalamat. Hinalikan pa ako sa pisngi ni Yacy. Yucks. Laway. Nakakahiya naman 'tong mga 'to.
"Ano bang nangyari at napagkamalan 'tong si Brielle na nasasapian?" Glenn asked. I crossed arms and raised my left eyebrow habang nakatingin kina Suzy. Ngumiti naman sila at nagkwento. Bawat salita nila, napapa-irap na lang ako. Geez. Nagtanong lang naman ako kanina kung may tumatawag sa akin then nakarating sa nasasapian? Langya.
Siguro naghallucinate lang ako na may tumatawag sa akin..at boses ni bear brand. Kainis! Pahamak talaga 'yang bear brand na 'yan. Hindi ko namalayang tapos na pala sila magkwento. Nakita ko na lang na tumatawa sina Kyle.
Tumingin ako kay bear brand na pinipigilan ang tumawa ng malakas at nauubo-ubo pa.
"Ehem. W-what?"
Tss.
BINABASA MO ANG
Love Or Hate
Teen FictionBrielle Aesha Neval, she's a certified fangirl of K-Pop. Laging present kapag may concert sa bansa ang mga idol niya. Sa hindi sinasadyang kapalaran, nakilala niya ang isang fanboy habang bumibili sila ng ticket, si Milo Ashlee Cortez. Dahil sa pagk...