CONCERT!
Tumawa muna siya bago tuluyang pumasok sa room nila. Asar! Nakasimangot akong pumasok sa room at dire-diretso naman akong pumunta sa upuan ko.
"Good morning too Ms. Neval. You're late."
Agad akong napalingon sa unahan. Shocks. I forgot, late na nga pala ako! Ang masama pa, hindi ko man lang binati si Ma'am. Paktay.
Ngumiti ako na parang natatae. "Sorry po." Umupo na ako. May sinusulat pala sila.
"Hoy, bakit ka late?" Yacy asked. "Tinanghali ako ng gising," I answered habang kinukuha ang binder ko sa bag.
"Tinanghali o tinamad?" banat naman ni Suzy. Napatawa ako. Kilala po talaga nila ako sa pagiging tamad.
"Both." I didn't told them na magkasabay kami ni bear brand pumasok-I mean, nagkasabay. I'm sure, tatadtadin lang nila ako ng pang-aasar. Hindi ko rin muna sinabi na katapat-bahay namin siya.
"After niyo magsulat, pupunta tayong Practice Room. Ituturo ko sa inyo ang basic steps ng folk dance," Ma'am Ramirez announced. Oo nga pala, Friday ngayon kaya apat na oras ang P.E namin. To be honest, sayaw is not my thing. Mas gugustuhin ko pang kumanta kesa sumayaw. Marunong naman akong sumayaw kaso wala akong tiwala sa mga kembot kong pangkinder. Pero okay na rin, folk dance naman. Konting sway sway ng kamay at paggalaw ng mga paa ayos na.
"Are you done?" Ma'am? Atat lang?
"Yes," sagot naman ng mga classmates ko. Okay? Ayaw ko naman magsabi na ako, hindi pa. Hello, late na akong dumating. Nakakahiya kasi. Late na nga ako. Manghihiram nalang ako ng notes.
"Ma'am, pwedeng magbreaktime muna? Ma-9:30 na rin kasi," request ng isang kaklase ko. Tumingin naman si Ma'am sa wristwatch niya. "Okay, basta diretso kayo pagkatapos sa Practice Room." Natuwa naman mga kaklase ko. Ge lang, magpapatuloy ako sa pagsusulat. Minsan lang ako magsipag, pagbigyan niyo na.
"Brielle, aren't you coming with us?"
"Tatapusin ko muna 'to," I answered habang diretso pa rin sa pagsusulat. Nagulat naman ako nang biglang sinara ni Leila ang binder ko. Ay bastos. "Bakit mo isinara? You see, I'm not yet done."
"Kain muna tayo bruha. You know, magtotodo tayo sa pagsasayaw mamaya. Kailangan nating magpalakas," then she laughed. Napa-iling naman ako, "Lei, folk dance yung mamaya hindi modern. Dapat mahinhin ka." Tsaka as if naman na ma-todo sayaw ako.
"Kahit na! Basta tara, papahiramin nalang kita ng notes." Hindi na rin ako nagpapilit. Lumakad na kami papuntang Cafeteria. Pagpasok namin, konti palang ang tao. Thats good. Maya-maya madami na 'yan.
Pumunta na kami sa counter at pumila. "Lei, i-order mo na lang ako. Same ng sayo."
Bigla namang may nagsalita, "Yo Brielle, ayos na kayo ni Milo? Magkasabay kayo kanina ah." Napalingon naman ako sa nagsalita. Isa sa mga kaibigan ni bear brand, hindi ko alam ang name. Nakangiti sila ng kanyang kasama na pang-asar. I raised an eyebrow.
"Omo! Magkasabay kayo kanina? Ayos na kayo Brielle? Friends na ba kayo?" sunod-sunod na tanong ni Suzy. Tiningnan ko muna sila na parang nasisiraan na ng mga ulo at sumagot, "Hell no!" Napahinga naman ng malalim sina Suzy. Anong akala niyo sa akin. Hindi pa maggugunaw ang mundo para maging friends kami ng bear brand na 'yon.
Hinarap ko naman yung kaibigan ni bear brand. Good thing, wala siya at si Kyle. Dalawa lang sila, hindi ko alam kung sino dito yung Luke at Glenn. "Nagkataong nagkasabay lang kami. T-teka why do I need to explain? I don't care kung anu man ang isipin niyo. I'm sure, you are here to tease me." Tumawa naman sila. Mga sira-ulo. Lumakad na ako at naghanap ng table.

BINABASA MO ANG
Love Or Hate
Novela JuvenilBrielle Aesha Neval, she's a certified fangirl of K-Pop. Laging present kapag may concert sa bansa ang mga idol niya. Sa hindi sinasadyang kapalaran, nakilala niya ang isang fanboy habang bumibili sila ng ticket, si Milo Ashlee Cortez. Dahil sa pagk...