---
"Okay, class. You're dismissed," sabi ng Prof namin, at halos lahat kami ay nagsipagtayo na, excited na matapos ang araw.
"Mauna na ako sa inyo, girls, ha," paalam ko kina Clarice, Yveth, at Namie. Alam na nila kung saan ako papunta—duty na naman ako sa SSG Office bilang tagalinis ni Mr. Fake President.
"Goodbye to our busy friend," panunukso ni Clarice habang nag-aayos ng gamit.
"Ikumusta mo na lang kami kay Mr. President," dagdag ni Yveth, na halatang nangungutya. Ewan ko ba, bakit nga ba sobrang invested nila sa love-hate relationship ko kay Adrian?
"Ewan ko sa inyo," sabi ko sabay irap, at naglakad na papunta sa SSG office. Sa daan, nakasalubong ko si Marco, na may dalang malaking bag.
"Uy, Marco!" tawag ko, at agad siyang lumingon at ngumiti.
"Hi, Keish. Papunta kang office?" tanong niya, na parang alam na ang sagot.
"Ah, oo. Galing ka ba doon? Sinong nandun?" tanong ko habang patuloy kaming naglalakad.
"Si Marielle, si Jhane, at si Carl," sagot niya habang tinatanggal ang bag sa balikat.
"E si Adrian?" tanong ko, kahit hindi ko gustong malaman.
"Hindi ko alam. Baka may klase pa. Sige, Keish, mauna na ako. Kailangan ko kasing umuwi ng maaga ngayon," sabi niya, medyo nagmamadali na.
"Ah, ganun ba. Sige, ingat ka," sabi ko, at naghiwalay na kami ng landas.
Pagdating ko sa office, abala ang tatlo—si Marielle, Jhane, at Carl—sa kanilang mga laptop. Halatang seryoso ang mga mukha nila, kaya hindi ko na sila inistorbo pa.
"Hello," mahinhin kong bati sa kanila. Ngumiti sila sa akin, pero agad ding bumalik sa kanilang ginagawa. Mukhang busy talaga.
Nagsimula na akong ayusin ang mga nagulong folders. Asan kaya si Adrian? Wala na naman bang klase 'yun o sadyang nagtatago lang?
"Hello, guys. Ang busy natin ah," biglang sabi ni Adrian pagkapasok niya sa opisina. Napatingin ang lahat sa kanya, nagulat pa yata sa tono ng boses niya.
"What's the problem?" tanong ni Adrian nang makita niyang nakatingin sa kanya ang mga officers na parang may nakita silang multo.
"Bat ang ganda yata ng araw natin, President? May nangyari bang maganda?" tanong ni Carl, na parang may namumuong tsismis.
Hindi nagsalita si Adrian at nakangiti lang na umupo sa kanyang mahiwagang upuan. Anong meron sa lalaking to? Para namang tumatayo ang balahibo ko sa kakaibang ngiti niya.
"Ms. Flores? Halika muna," tawag niya sa akin. Napalunok ako at nagmadaling lumapit.
"Yes, Mr. President?" tanong ko, pilit na ngumiti, pero sa loob-loob ko'y kinakabahan na ako.
"Anong oras ang lunchtime mo bukas?" tanong niya, habang abala sa mga papeles.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa para tingnan ang schedule ko. "11 a.m. to 1 p.m. po. Bakit mo natanong?" sagot ko.
"Pumunta ka dito sa office bukas," sabi niya, na parang hindi na kailangan ng paliwanag.
"Po? Bakit po?" tanong ko, medyo nalilito. May bagong utos na naman ba?
"Ituloy mo na ang ginagawa mo," sabi niya sabay tingin sa folders. Tsk. Hindi man lang sinagot ang tanong ko.
Fast forward. Kinabukasan, lunchtime, nagpunta na ako sa office. Pagkapasok ko, si Adrian lang ang nandun. Anong nangyayari?
"May iuutos ka ba?" agad kong tanong pagkakita sa kanya.
"Naglunch ka na ba?" tanong niya, hindi man lang sinagot ang tanong ko.
"Hindi pa kaya kung may iuutos ka, bilisan mo na dahil nagugutom na ko," reklamo ko, habang kinakapa ang tiyan ko na kumakalam na.
"Let's go," sabi niya, at lumabas ng office. Napakunot ang noo ko habang sinusundan siya palabas. Saan na naman kami pupunta?
"Teka, saan tayo pupunta?" tanong ko habang sinusundan siya. Diretso siya sa car park. Ano ba 'to, road trip?
"Lunch," tipid niyang sabi, na parang napakalinaw ng plano niya.
"Ha? Bakit kailangan mo pa akong isama kung maglulunch ka lang pala?" tanong ko, pero tuloy-tuloy lang siya hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya. Hindi na naman ako pinapansin!
"Get in," sabi niya nang pagbuksan ako ng pinto. Napatingin ako sa kanya, nagtatanong kung seryoso ba siya.
"Bakit mo ba kasi ako kailangan isama maglunch? At saka, saan ka ba kakain? Eh pwede namang sa school canteen ka na lang kumain," sabi ko habang tumutulak. Pero mabilis siyang kumilos at tinulak ako papasok ng kanyang kotse.
"Aray ko! Walangya ka talaga!" reklamo ko, pero walang epekto sa kanya. Pagsakay ko, tinanong ko siya nang tinanong, pero parang wala siyang naririnig, dire-diretso lang sa pagmamaneho. Akala mo wala akong katabi!
Pagdating namin sa isang restaurant, nagulat ako. Napakagara ng lugar! Parang hindi yata bagay sa simpleng estudyante lang tulad ko.
"Hoy, Adrian!" tawag ko sa kanya, first time ko siyang tawagin sa pangalan, kaya napalingon siya. "I mean, Mr. President. Dito ka ba talaga naglulunch araw-araw? Grabe ang yaman mo naman yata. Alam mo, hindi ako kasing yaman mo kaya aalis na lang ako," sabi ko at naglakad na sana paalis, pero bigla niyang hinatak ang kamay ko at inakbayan. Ano ba 'to?
Pinilit kong kunin ang kamay niyang nakaakbay sa akin, pero bigla siyang nagsalita, "Wag ka magreklamo. Niyakap mo nga ako noong isang araw, di ba?" sabi niya na may smirk sa mukha. Grabe, pinaalala pa talaga niya!
Napayuko na lang ako at sumunod sa paglalakad niya. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko—ang awkward na nga, tapos dagdagan pa niya ng ganitong eksena.
Patuloy kaming naglakad hanggang sa may nakita akong medyo may edad na babae at lalaki na kumakaway sa amin. Kasama nila ang isang batang babae. Bigla akong kinabahan. Anong meron? Bakit parang feeling ko, hindi na lang ito simpleng lunch?
"Adrian, anak! Dito na kayo!" sigaw ng babae, na agad na lumapit sa amin. Wait, anak? So, ito na ba ang moment na makikilala ko ang pamilya ni Mr. Fake President? Ngayon pa talaga, sa ganitong sitwasyon?
Nakakabigla, pero parang may nararamdaman akong kakaiba. Bigla akong kinabahan sa posibleng mangyari. Anong meron?
----Please feel free to click the star to vote if you love this chapter 😉🙏
BINABASA MO ANG
CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (COMPLETED - UNDER REVISION)
RomanceCrush Ko Si Mr. President This story has already been completed with 49 chapters but is currently under revision. Please support!! Thank you :) Introduction: I met a guy named Adrian Ortiz. He is the SSG President in our school. He is famous and per...