Nagsimula na akong magtrabaho bilang Chef sa isa sa mga restaurant ng Zitro. Isang linggo na rin ang nakalipas nang umalis si Marco papuntang France.
"Mauna na po kami Chef." Paalam ni Flora, isa sa assistant cook ko rito.
"Sige, susunod na rin ako." Sabi ko habang nililigpit ang mga gamit ko sa locker.
Palabas na ako ng restaurant nang bumungad agad sa'kin si Adrian na nakasandal sa kanyang kotse.
"Let's go?" Sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto ng kanyang kotse.
Niyaya ko kasi syang makipagdate dahil plano kong sagutin na sya. Magdidinner lang naman kami sa isang restaurant at plano kong ibigay na sa kanya ang ireregalo ko sana noong graduation nya. (SEE PART 19 para maalala nyo ang tungkol sa gift ni Keisha para kay Adrian) Hindi ko kasi yun naibigay dahil sa masamang nangyari sa amin noon.
Nandito na kami ni Adrian sa isang restaurant. Naka order na rin kami ng makakain.
"Adrian?" Tawag ko.
"Hmm?" Sabi ni Adrian at tinignan ako.
"Ano kasi.. nagpapasalamat ako kasi nakasama kita ulit." Simula ko.
"Mas thankful ako Keisha." Nakangiting sabi ni Adrian at hinawakan ang kamay ko. Agad naman nagblush ang mukha ko.
"Adrian naman eh. Pinapakilig mo naman ako agad! Paano ko matatapos ang sasabihin ko nito?" Naiinis kong sabi kay Adrian pero napatawa naman sya.
"Why? Are you going to confess right now?" Panunukso nyang sabi.
"Alam mo nakakainis ka! Sinisira mo ang moment ko eh." Sabi ko.
"No, I'm just kidding. Continue what you're saying." Natatawang sabi naman ni Adrian nang bigla tumunog ang kanyang cellphone. Ugh! Panira naman yan. Bakit ngayon pa nya naisipang tawagan si Adrian?
Tinignan muna ako ni Adrian bago nya sagutin ang tawag.
"It's okay. Sagutin mo muna." Sabi ko.
"Sandali lang to." Sabi naman niya at tumayo para sagutin ang tawag nya. Ano ba yan! Mas kinabahan tuloy ako lalo. Kanina ko pa tinipon ang lakas ko para sabihin sa kanya na sasagutin ko na sya pero mukhang naubos na tuloy ngayon.
Tinignan ko ang regalong ibibigay ko kay Adrian habang hinihintay syang matapos sa tawag nya nang may biglang lumapit sa'kin.
"Iha?" Sabi ng Mommy ni Adrian. Medyo nagulat ako nang makita sya.
"Ah. H-hello po Tita." Sabi ko at tumayo para batiin ang Mommy ni Adrian.
"It's nice to see you here. Are you here with someone?" Tanong ng Mommy ni Adrian.
"Ahm, actually I'm with---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang dumating si Adrian.
"Mom!" Tawag ni Adrian sa kanyang Mommy.
"Adrian, oh so you're here together?" Nagtatakang tanong ng kanyang Mommy.
"Yes mom, I'm with Keisha." Diretso nyang sabi.
"Oh but why are you here with her? How about Camille?" Pabulong na sabi ng mommy ni Adrian sa kanya pero medyo narinig ko pa rin. Napayuko ako at mukhang napansin iyon ni Adrian.
"Hey mom, let's talk about that at home." Sabi ni Adrian at palihim akong tinignan.
"I can't believe you. We talked about this many times already." Sabi ng kanyang mommy.
"Mom please." Sinamaan ni Adrian ng tingin ang kanyang mommy at hinawakan ang kamay ko.
"I'm sorry Keisha pero lumipat na lang tayo sa ibang restaurant." Sabi ni Adrian sa'kin.
"Please excuse us, mom." Sabi niya sa mommy niya kaya natahimik ito.
"Adrian, teka lang." Pagpigil ko kay Adrian. Ayokong mag-away sila ng Mommy nya.
"Uuwi na lang ako. Please talk to your Mom." Sabi ko kay Adrian at tinignan ang Mommy nya na mukhang galit na.
"No! I'll talk to her later. I need to talk to you first." Sabi naman ni Adrian at hindi ko na sya napigilang hilahin ako palabas ng restaurant.
Tahimik lang kaming dalawa ni Adrian sa loob ng kanyang kotse habang hinihintay kung sino ang muunang magsalita.
"Keisha/Adrian?" Sabay naming sabi kaya napatahimik ulit kami.
"You talk first." Utos nya.
"Your mom, ayaw nya sa'kin." Malungkot kong sabi.
"Don't worry! I'll talk to her." Sabi nya.
"Paano kong ayaw nya pa rin sa'kin?" Tanong ko.
"Wala syang magagawa dahil mahal kita." Sagot nya.
"Ayokong mag-away kayo." Sabi ko ulit.
"Mas ayaw kong mawala ka ulit sa'kin." Sabi naman nya.
"Pero Adrian.." Hindi ko matuloy ang sasabihin ko. Ayoko na ring malayo ulit sa kanya.
"Don't worry, Keisha. Paulit-ulit kong kakausapin si Mommy hanggang sa sumang-ayon siya sa ating dalawa." Sabi ni Adrian at hinawakan ang kamay ko.
"Hindi na ulit tayo maghihiwalay, okay?" Panigurado nya kaya tumango na lang ako. Mas lumapit si Adrian sa'kin at niyakap ako.
"I love you, Ms. Flores." Sabi nya dahilan para bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Namiss ko ng sobra ang pagsabi niya sa'kin nyan.
"I love you too, Mr. President." Napahiwalay sa pagyakap si Adrian sa sinabi ko. Tinignan nya ako ng seryoso sa mga mata at hinalikan. Isang napakatamis na halik ang binigay nya sa'kin.
----
Please vote if you like this chapter. Thank you!
BINABASA MO ANG
CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (COMPLETED - UNDER REVISION)
RomanceCrush Ko Si Mr. President This story has already been completed with 49 chapters but is currently under revision. Please support!! Thank you :) Introduction: I met a guy named Adrian Ortiz. He is the SSG President in our school. He is famous and per...