Kanina ko pa tinatanong si Adrian kung saan nya ko dadalhin pero hindi sya sumasagot. Patuloy lang sya sa pagkaladkad sa'kin. Hindi pa rin talaga sya nagbabago. Ganitong ganito talaga sya kung umasta kapag ganitong mga sitwasyon.
Andito pa rin kami sa loob ng building pero hindi ko kasi alam kung ano ang mga nasa loob ng building nila kaya hindi ko alam kung saan nya ko dadalhin. Nang mapansin ko na wala na masyadong tao, bigla akong sumigaw.
"AAAHHHH!" Sigaw ko kaya napatigil si Adrian. Ang galing ko talaga!
"Why? What happened?" Nag-aalalang tanong ni Adrian habang hinahanap kung saan ang masakit sa'kin.
"AAHHH.. Aahh.. ahhh.. Kasi.. Saan mo ba kasi ako dadalhin?" Naiinis kong tanong.
"My God Keisha! Akala ko naman kung ano ng nangyari sa'yo." Inis ring sabi ni Adrian.
"Ikaw kasi eh! Bakit mo ba kasi ako kinakaladkad? Saan mo ba ko dadalhin? Ha?! Late na ko sa first training ko. Paano kung magalit sa akin ang trainor? Kasalanan ko na naman." Dire-diretso kong sabi.
"Yan! Yang pagiging madaldal mo! Are you trying to tempt me again to kiss you?" Biglang sabi ni Adrian. Jusko anong pinagsasabi ng lalaking to? Tumatayo tuloy ang balahibo ko sa katawan.
"Pinagsasabi mo?! Baka gusto mong sipain ko ulit yang 'ano' mo!" Sabi ko at tinignan ang 'ano' nya.
Naku! Ano ba tong pinagsasabi ko? Ewan. Nakakainis kasi siya eh.
"Don't you dare. Aanakan pa kita." Sabi ni Adrian na nagpaputla ng mukha ko. Anong pinagsasabi ng lalaking to?
"Hoy! A-anong pinagsasabi mo dyan?! At bakit naman ako magpapaanak sa'yo!" Sigaw ko naman sa kanya.
Ugh! Bakit ba ko nakikipag-away sa lalaking to? At ngayon pa talaga? Nakikita ko na naman ang ugali nyang nakakabwisit. Tapos kung anu-ano pa ang pinagsasabi.
Magwawalk out na sana ako lalo na't hindi na hawak ni Adrian ang braso ko ngunit hinablot nya naman ito ulit bigla.
"Keisha! Wala na ba talaga?" Tanong nya bigla. Nagulat ako. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
Anong wala na?
"Anong sinasabi mo? Hindi kita maintindihan." Sabi ko at tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Ni let go na kita noon Keisha. Pero ngayon hindi na. So wait and see. Better be ready." Sabi ni Adrian at iniwan akong nakatulala dahil sa sinabi nya.
Ang hirap intindihin ng mga sinasabi ni Adrian. Hindi ba't ikakasal na siya? Ano itong ginagawa niya? Ayaw ko namang sirain ang kung anuman ang mga plano nila.
Nang bumalik ako sa sarili ay agad kong naalala ang aking trabaho. Ugh! Tumingin ako sa relo ko at almost one hour na akong late.
Hay naku nakakainis talaga! Baka sa training pa ako bumagsak.
Dali-dali akong nagpunta sa training room. Mabuti na lang at hindi masyadong nagalit ang trainor. Ginalingan ko na lang ang performance ko at nakinig ng mabuti sa trainor.
Hindi ko alam kung magtatagal ba ako dito. Hindi pa rin ako sigurado kung kakayanin ko bang magtrabaho kay Adrian lalo na't ginugulo niya ang isip ko.
But I think for now, I'll just go with the flow.
Pagkatapos ng first day of training, pinuntahan ko si Marco sa restaurant nya. Namiss ko rin kasi sya dahil nasanay na akong kasama sya araw-araw.
"Hi." Bati ko agad kay Marco nang makita sya pagkarating ko mismo at umupo sa isang table. Nilapitan nya naman ako agad.
"Buti at napasyal ka rito. Namiss mo ko?" Nakangising sabi ni Marco.
"Hindi no! Ang kitchen nyo ang namiss ko." Sagot ko naman.
"Ouch! Ililibre sana kita kasi akala ko namiss mo ako at ang luto ko." -Marco
"Di joke lang, ikaw talaga namiss ko at siyempre yung luto mo." Pambobola ko. Medyo nagutom kasi ako sa training kaya mukhang masarap kumain.
Nagkatuwaan lang kaming dalawa ni Marco at nagpaserve talaga sya ng makakain.
"So kumusta ang unang araw mo sa trabaho?" Tanong nya. Naalala ko naman si Adrian kaya kumunot ang ulo ko.
"Okay lang." Walang gana kong sagot.
"Okay lang pero nakabusangot yang mukha mo. Sabihin mo lang sa'kin kung nahihirapan ka sa trabaho mo dahil welcome ka palagi na bumalik sa restaurant ko." Nakangiting sabi ni Marco. Ang bait talaga niya kaya naging bestfriend ko siya.
Nagkukwentuhan lang kami ni Marco habang kumakain nang may biglang tumawag sa kanya.
"Hello? What? Anong nangyari kay Baby Kaizen? Sige pupunta kami agad dyan." Sabi ni Marco sa kausap niya sa kabilang linya.
Bigla akong kinabahan. Anong nangyari kay Baby Kaizen?
----
Please vote and comment 😊
BINABASA MO ANG
CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (COMPLETED - UNDER REVISION)
RomantizmCrush Ko Si Mr. President This story has already been completed with 49 chapters but is currently under revision. Please support!! Thank you :) Introduction: I met a guy named Adrian Ortiz. He is the SSG President in our school. He is famous and per...