Part 49 (END)

630 36 13
                                    

SEVEN YEARS LATER

Nagpakasal nga kami ni Adrian sa harap mismo ng altar. Isang napakasayang araw ang araw na iyon para sa akin. Pareho kaming nangako ni Adrian sa harap mismo ng Panginoon na aalagaan at mamahalin namin ang isa't-isa.

Ilang buwan naman ang lumipas matapos ng kasal ay biniyayaan kami ni Adrian ng isang malusog na anak na lalaki at pinangalanan namin itong Ken Andrei. Binigyan namin ito ng palayaw na "Kai". Masaya kami ni Adrian dahil kahit kinuha sa amin si Kaizen ay pinalitan naman ito ni Ken Andrei.

"Baby Kai, be careful okay. Baka madumihan ka, parating na ang mga bisita natin." Sabi ko kay Ken Andrei na kanina pa tumatakbo. Ngayon kasi ang ikapitong kaarawan nya at magkakaroon kami ng party.

"Stop calling me baby, mom. I'm already seven years old now." Iritang sabi nya. Mukhang nagmana talaga sa ama.

"Don't talk to your mom like that, Kai." Sabi naman ni Adrian na nasa tabi ko habang naghihintay sa mga bisita.

"Tss. Nagmana yan sa'yo." Sabi ko kay Adrian.

Maya-maya'y nagdatingan na ang mga bisita.

"Hello mom, hello dad." Bati ko sa Mommy at Daddy ni Adrian na unang dumating.

Sumunod naman si Yveth at Namie.

"Oh asan ang mga asawa nyo?" Tanong ko sa dalawa. Nag-asawa na rin kasi ang mga kaibigan ko.

"Iniwan na namin, busy sa trabaho eh." Sagot ni Namie.

"Eh si Clarice?" Tanong ko.

"I'm here girl!" Biglang tawag ni Clarice na kakarating lang kasama ang asawa nyang si Marco at ang anak nilang si Alice. Yes, tama ang iniisip nyo. Si Marco na nanliligaw sa akin noon ay asawa na ng kaibigan kong si Clarice. Hindi ko alam kung paano sila nagkatuluyan. Ang alam ko lang ay nagkita sila sa France.

"Tita, where's Kai?" Tanong ng cute nilang anak na babae na si Alice.

"Andun, baby. Naglalaro mag-isa, sige puntahan mo." Sagot ko kay Alice at tinuro si Kai.

"Oo nga pala, may binili akong regalo para kay Kai." Sabi ni Marco.

"Kami rin kaya." Sabay na sabi naman ni Yveth at Namie at inilabas ang dinala nilang regalo.

Nagsidatingan na rin ang iba pang mga bisita. Dumating si mama, papa kasama si Christy. Nakita ko naman si Adrian na busy sa pag-entertain ng kanyang bisita. Sa tingin ko mga kasama nya sa trabaho.

Sinimulan na namin ang pag-awit ng Happy Birthday at pagkatapos ay kumain na.

Andito na kami ngayon sa sala at masayang nagkukwentuhan.

Katabi ko ngayon si Adrian at nilalaro nya ang kamay ko.

"Ang sweet nyo naman talaga. Hindi ganyan sa'kin ang asawa ko." Reklamo ni Yveth nang makita ang ginagawa ni Adrian sa kamay ko.

"Ano ka ba! Bakit hindi mo kasi lambingin ang asawa mo?" Sabi naman ni Namie sa kanya.

"Ayy ewan ko." Sabi nya at umirap.

Bigla namang lumapit sa akin si Alice na umiiyak.

"Oh bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya. Tinignan lang naman kasi ito ng kanyang Mommy at Daddy na busy rin sa paghaharutan.

"Hoy Clarice at Marco, hindi nyo ba nakikita na umiiyak ang anak nyo. Puro kayo lambingan." Iritang sabi ni Yveth.

"Ang bitter mo dyan Yveth." Natatawang tukso ni Namie.

"Ano bang nangyari sa'yo, baby?" Tanong ko ulit kay Alice.

"Si Kai po kasi." Naiiyak nyang sabi.

"Ano na naman ang ginawa mo Kai?" Tanong ko kay Kai na nakatingin lang kay Alice na umiiyak.

"I hate her, mom! Ang pangit nya." Biglang sabi ni Kai dahilan para mas lalong umiyak si Alice.

"Kayong mga bata talaga." Sabi ko.

"Sinabi ko lang naman na crush ko sya eh, pagkatapos ginulo nya bigla ang buhok ko." Umiiyak na sabi ni Alice.

"You are so ugly kasi." Sabi ulit ni Kai.

"Paglaki natin, magiging kasing ganda rin ako ng mommy mo at ikaw naman ang maghahabol sa'kin." Sabi pa ni Alice.

"NO WAY!" Sigaw ni Kai at tumakbo paalis. Hinabol naman ito ni Alice.

Natahimik kami sandali sa sala at biglang tumawa ng malakas. Ang mga bata talaga ngayon, andami ng alam.

Nagsiuwian na ang mga bisita pagkatapos ng party kaya nagpapahinga na kami ngayon ni Adrian sa kwarto.

"Gusto mo bang sundan na natin si Ken Andrei? Seven na rin naman sya." Mapanuksong sabi ni Adrian.

"Tumigil ka dyan Adrian. Matulog na nga tayo." Naiirita kong sabi sa kanya.

"Ang cute mo talaga, Mrs. Ortiz." Sabi ni Adrian at hinalikan ako sa noo. Lumapit naman ako sa kanya at niyakap sya.

"I love you, Mrs. Ortiz." Sabi nya at hinigpitan ang pagkakayakap sa'kin.

"I love you too, Mr. Ortiz." Sabi ko at pinikit ang aking mga mata.

I really love you Adrian Ortiz. Ang dating crush ko lang na SSG President ng school na naging President ng isang malaking kompanya at ngayon President na ng puso at buhay ko.

THE END 😊😊

----
I hope you like the story. Please comment your reactions please. Willing po ako tumanggap ng honest criticism to improve my work. I love you readers. Thank you so much for the support til the end! ❤❤

🎉 Tapos mo nang basahin ang CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (COMPLETED - UNDER REVISION) 🎉
CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (COMPLETED - UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon