Medyo namamaga ang mga mata ko ngayon dahil kay Adrian. I'm not yet broken-hearted, pero hindi ako pinatulog ng huling text ni Mr. President kagabi.
Ganito kasi ang naging convo namin:
From: Adrian
Sleeping already?To: Adrian
Hindi pa.From: Adrian
Why?To: Adrian
May iniisip lang.From: Adrian
Iniisip mo ko?To: Adrian
Hindi ah. Kapal!From: Adrian
I thought you're thinking of me because I'm always thinking of you.To: Adrian
Ang corny mo. Tumigil ka nga. Matulog na lang tayo.From: Adrian
Okay, goodnight Ms. Flores.To: Adrian
Goodnight din Mr. President.Pagkatapos ng convo na 'yun, nilagay ko na ang cellphone sa paanan ko. Akala ko hindi na siya magrereply pero bigla pang tumunog ang phone ko.
From: Adrian
I really can't stop falling in love with you. I love you, Keisha.First time niya akong tinawag na Keisha, tapos may ano pa—may I love you pa. Akala ko mababaliw na ako kagabi. Ilang beses akong nagpabalik-balik sa kusina para uminom ng tubig. Uminom na rin ako ng gatas pero hindi pa rin ako makatulog. At imbes na feeling ko nakatulog na ako, bigla namang tumunog ang alarm clock.
Nagmamadali akong pumasok sa gate ng campus. Late na yata ako. Ang bagal ko kasing kumain kanina. Sorry po, pero kasi inaantok ako habang nasa hapagkainan. Lakad-takbo na ang ginagawa ko nang may biglang tumawag sa pangalan ko na nagpagising sa antok ko.
“Keisha.” Tawag ni Adrian, at humarang sa daraanan ko. Naku naman, Adrian! Huwag mo muna akong pakiligin ngayon dahil malelate na ako.
“Oh, Adrian. Bakit?” tanong ko, pilit na pinapanatiling normal ang boses ko.
“Bakit di ka na nagreply?” tanong naman niya pabalik, seryoso ang tono.
Seriously? Tinatanong niya talaga ako tungkol diyan ngayon? At ano naman ang ire-reply ko sa kanya? I love you too? At saka, ano ba, hindi pa ako ready.
“S-sorry. Nakatulog na kasi ako,” sabi ko. Nakatulog daw? Ansabe?
“Ah, ganun ba. Edi sabihin mo na lang ngayon ang reply mo,” sabi niya, na parang wala lang.
“Ngayon na talaga? Teka, late na ako kaya mauna na ako sa'yo. Bye!” Nagmamadali kong sabi, sabay takbo palayo para na rin maiwasan ang tanong niya. Nababaliw na talaga ang lalaking 'yun. Hinarangan ako para lang sa reply ko? Napansin ko talaga na naging isip-bata itong si Adrian simula noong nanligaw siya.
“Mamaya ah! Punta ka sa office,” pahabol niyang sabi, sabay tawa. Nanunukso yata siya.
Hindi nga ako nagkamali dahil late nga ako ng 30 minutes.
“Very good, Ms. Flores. You are so early for the second subject,” sarcastic na sabi ng professor namin.
“I’m sorry, Ma'am,” sabi ko, hinihingal na umupo sa upuan na nireserba ng aking mga kaibigan.
“Okay ka lang, girl? First time mo yata malate,” tanong ni Namie, halatang concerned.
“At saka namamaga pa ang mga mata mo,” sabi naman ni Clarice, sabay turo sa mga mata ko.
“Ganyan talaga kapag may love life na,” panunukso naman ni Yveth, na hindi pa rin nakakalimutan ang pangungulit niya sa akin.
“Tumigil nga kayo. Sapakin ko kayong tatlo d’yan eh,” naiirita kong sabi sa kanila, pero joke lang yun.
“Asus! Subukan mo lang,” sabay na sabi ng tatlo, kaya medyo napalakas kami ng tawa, dahilan para matawag ang atensyon ng professor namin.
“Can you share what you’re talking about, girls?” tanong ng Prof namin, na halatang nainis sa pagkakagulo namin.
Napayuko na lang kami at sabay na tinikom ang aming mga bibig. Masyado kaming naging maingay.
Pagkatapos ng tatlong subject namin sa umaga, pumunta kami ng canteen para maglunch.
Mag-oorder na sana kami ng pagkain nang biglang mag-text si Adrian.
From: Adrian
Where are you?Nireplyan ko naman siya agad na nasa canteen kami. Wala pang limang minuto, nasa harap na namin siya.
“Hi, girls,” bati niya sa mga kaibigan ko. Kinikilig naman sila bigla sa simpleng pagbati ni Adrian.
“Hi, Adrian. Ang gwapo mo talaga, ang swerte ng friend namin sa'yo,” kinikilig na sabi ni Clarice, na parang nawawala sa sarili.
“No, ako ang maswerte sa kaibigan niyo,” sabi naman ni Adrian, na mas nagpakilig sa mga kaibigan ko. Well, honestly, kinikilig na rin ako.
“Sige, mag-order lang kayo. My treat,” sabi ni Adrian, sabay ngiti na parang wala lang.
“Wow, nagpapalakas sa friends,” panunuksong sabi naman ni Namie, na talagang ginagatungan ang kilig na nararamdaman ng lahat.
Grabe talaga tong mga kaibigan ko. Mga abnormal talaga. Hindi ko alam kung paano ko sila naging kaibigan, pero natatawa na lang ako sa lahat ng ito. Napansin ko na lang na halos lahat ng mga tao sa canteen ay nakatingin sa amin. Lahat sila, curious sa nangyayari.
Pagkatapos naming mag-order, napansin ko ang mga tingin ng mga estudyante sa paligid namin. Karamihan ay nakangiti, pero may ilan din na halatang hindi natuwa sa attention na nakukuha ko ngayon.
Nagpatuloy ang usapan namin habang hinihintay ang pagkain. Si Adrian, panay ang asikaso sa amin, lalo na sa akin. Hindi ko maiwasang mapansin na mas nagiging sweet siya ngayon, at sa totoo lang, hindi ko na alam kung paano mag-react. Kilig ba o hiya? Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko.
"Keish, ano ba talagang plano mo kay Adrian?" biglang tanong ni Namie, sabay sulyap kay Adrian na abala sa pagku-kwento kay Yveth.
Nagulat ako sa tanong niya. Planong ano? Ako? Wala pa nga akong plano! “Ano bang tanong 'yan, Namie? Wala naman,” sabi ko, pilit na ngumingiti para itago ang kaba.
"Pero seryoso si Adrian sa'yo, Keish," sabi ni Clarice, na parang inihahanda na ako sa isang bagay na hindi ko pa kayang harapin.
Napaisip ako sa sinabi nila. Seryoso nga ba si Adrian? At kung oo, ano na ang gagawin ko? Hindi ko alam kung handa na ba akong magtapat ng nararamdaman ko. Pero sa tuwing iniisip ko si Adrian, hindi ko maiwasang mapangiti at kiligin.
“Hayaan niyo na nga, tapusin na natin ang lunch,” sabi ko na lang, pilit na iniiwasan ang seryosong usapan.
Pero habang kumakain kami, ramdam ko ang mga tingin ni Adrian sa akin. Para bang hinihintay niya akong magsalita, pero ako naman, pilit na iniiwasan ang pag-uusap na 'yon. Minsan, gusto ko na lang sanang sabihin sa kanya na “Oo, Adrian, mahal din kita,” pero natatakot akong masaktan. Ayokong magmadali, pero parang ang bilis ng lahat ng pangyayari.
Natapos ang lunch namin na puro tawanan at kulitan. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, hindi ko pa rin maiwasang isipin kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. At habang tinitingnan ko si Adrian na masayang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan ko, alam kong hindi ko na kayang magpanggap. Masyado na siyang mahalaga sa akin.
----
Please feel free to click the star to vote if you love this chapter 😉🙏
BINABASA MO ANG
CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (COMPLETED - UNDER REVISION)
RomanceCrush Ko Si Mr. President This story has already been completed with 49 chapters but is currently under revision. Please support!! Thank you :) Introduction: I met a guy named Adrian Ortiz. He is the SSG President in our school. He is famous and per...