Nandito ulit ako ngayon sa loob ng Zitro Company para sa training ko. Nakita ko si Adrian at alam kong nakita nya rin ako pero hindi nya ako pinansin. Mabuti na rin siguro yun dahil baka mag-away na naman kami. Naalala ko kung gaano kalakas yung pagsampal ko sa kanya noong nakaraang gabi. Gusto kong humingi ng tawad pero hindi pa ako handang makipag-usap ulit sa kanya. Nagalit ako dahil sa pagbibintang nya sa'kin at dinamay nya pa si Kaizen. Mabuti na lang at medyo okay na ngayon si Baby Kaizen at pinalabas na ng ospital.
Wala ako sa sarili habang nasa training. Andaming tumatakbo sa isip ko. Isa na doon si Adrian. I think I really need to talk to him. Kaya napagdesisyunan kong kausapin siya pagkatapos ng training ko.
Pinuntahan ko si Adrian sa kanyang opisina pero wala sya doon. Sabi ng secretary nya, may mahalaga daw syang pinuntahan kaya naisipan kong umuwi na lang muna.
Napabuntong hininga ako habang lumalabas ng Zitro Building nang bigla kong makita si Adrian na hinihingal na tumatakbo papunta sa akin.
"Thanks God! Naabutan pa kita." Hinihingal nyang sabi habang nakangiti.
"B-bakit?" Naguguluhan kong tanong. Bakit parang masaya sya?
"Alam ko na ang lahat. Marco told me everything." Masaya nyang sabi.
"Tungkol saan?" Tanong ko ulit.
"About Kaizen. I'm really sorry Keisha." Sabi ni Adrian at biglang lumapit sa akin para yakapin ako. "I'm sorry kung pinagbintangan kita na nagloko sa akin noon. I'm sorry dahil may nasabi ako na hindi maganda tungkol kay Baby Kaizen." Patuloy nya at niyakap ako ng mas mahigpit.
Hindi ako umimik. Walang lumalabas sa bibig ko. Tinanggal ni Adrian ang pagkakayakap nya sa'kin at tinignan ako.
"Pwede mo ba akong dalhin kay Baby Kaizen ngayon? Gusto kong puntahan ang isa sa nagpapasaya sa'yo ngayon." Nagagalak na sabi ni Adrian.
Matagal nagrehistro sa'kin ang mga sinabi ni Adrian. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko. Pero sa huli ay napatango lang ako at pinuntahan nga namin ni Adrian si Baby Kaizen sa bahay ampunan kung saan una ko syang nakilala.
Flashback
Nagpunta kaming dalawa ni Marco sa Lourdes Home for Children last year para sa isang charity work bilang pasasalamat ni Marco sa pag-asenso ng kanyang restaurant. Gusto nyang ibahagi ang kanyang biyaya sa mga batang nangangailangan ng tulong.
Habang namimigay kami ng mga laruan sa mga bata, may nakita akong isang cute na batang mag-isa at nakatulala sa isang sulok. Naawa ako rito kaya nilapitan ko.
"Bakit ka andito? Ayaw mo ba ng toys?" Tanong ko sa kanya. Tinignan nya ako at akmang iiyak.
"I want Mommy!" Sabi nya at biglang umiyak.
"Ssshhh. Bata huwag kang umiyak. Baby, tahan na." Sinubukan ko syang patahanin pero ayaw nyang tumahan hanggang sa bigla syang hiningal.
Tumawag ako ng tulong dahil mukhang nahihirapan syang huminga. Mabilis naman syang ginamot kaya nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kung ano na ang nangyari sa kanya. Sobra ang kaba ko kanina.
Nalaman ko na Kaizen pala ang pangalan ng bata.
"Ate, ano po ang nangyari kay Kaizen? May sakit po ba sya?" Tanong ko sa isa sa mga nag-aalaga ng mga bata.
"Oo, may sakit sya sa puso. Ang sabi ng doctor, mahina raw ang puso nya." Sagot nya.
"Ilang taon na po ba sya? Matagal na po ba sya rito?" Tanong ko ulit.
"Magfo-four years na sya next month. Noong isang araw lang sya binigay rito. Ang sabi ng naghatid sa kanya rito, ibinilin daw si Kaizen ng kanyang ina sa kanya pero hindi na raw binalikan si Kaizen. Hindi nya naman daw kayang alagaan si Kaizen lalo na at may sakit ito sa puso at wala siyang panggastos para sa mga gamot nito. Kaya ayun, iniwan nya ito rito sa bahay ampunan para mas maalagaan." Paliwanag naman ni Ate.
"Kawawa naman po talaga sya. Hinahanap nya kasi kanina yung Mommy nya kaya sya biglang umiyak hanggang sa nahirapang huminga." Sabi ko.
"Mommy nga ang palagi nyang sinasabi sa tuwing kakausapin namin sya." Sabi naman ni Ate.
"Ganun po ba? Ahm pwede ko po ba syang puntahan?" Tanong ko kay Ate. Pumayag naman sya kaya pinuntahan ko agad si Baby Kaizen.
"Kaizen, okay ka na ba?" Mahina kong sabi kay Kaizen nang makapasok sa kwarto nya. Nakahiga sya sa kama at nakatulala ulit. Tinignan nya naman ako nang marinig ang pagtawag ko sa kanya.
"I want Mommy." Sabi nya. Nilapitan ko si Kaizen at hinaplos ang buhok nya.
"Alam mo kasi Baby Kaizen, si Mommy mo may pinuntahan sa malayong lugar kaya matatagalan syang bumalik sa'yo." Sabi ko kay Kaizen.
"But I want Mommy!" Sabi nya ulit at mukhang iiyak na naman.
"Kung gusto mo ng Mommy ngayon, edi ako muna ang Mommy mo. Okay ba yun sa'yo?" Sabi ko.
"Talaga po? Ikaw na Mommy ko?" Tanong ni Kaizen. Nakangiti naman akong tumango sa kanya.
"Hindi mo iiwan si Baby Kaizen?" Tanong nya ulit.
"Oo, hindi iiwan ni Mommy Keisha si Baby Kaizen." Sabi ko at niyakap si Baby Kaizen. Ang saya sa pakiramdam habang yakap yakap ko si Baby Kaizen. Bigla kong nakalimutan ang mga problema ko.
End of Flashback
----
Please vote and comment ❤
BINABASA MO ANG
CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (COMPLETED - UNDER REVISION)
RomanceCrush Ko Si Mr. President This story has already been completed with 49 chapters but is currently under revision. Please support!! Thank you :) Introduction: I met a guy named Adrian Ortiz. He is the SSG President in our school. He is famous and per...