Part 33

427 21 0
                                    

Tinuloy nga talaga ni Adrian ang panliligaw nya sa'kin. Wala na akong nagawa kahit anong pigil ko pa.

Medyo nagkaroon na rin kami ng closure. Balik na ulit muna kami sa pagiging friends.

Andito ako ngayon sa training room. Pinapaluto kami ng isa sa mga recipe ng Zitro Restaurant. Last three days na lang at idedeploy na kami sa restaurant kung saan kami ma-aasign kaya ginagalingan ko talaga. Habang busy ako sa pagluluto, naririnig ko ang usapan ng aking mga kasamahang tinitrain din.

"Hindi ba siya yung President ng kompanyang to?" Tanong ni Chloe.

"Oo, anak sya ng may-ari ng Zitro Company." Sabi ni Kylie.

"Siya rin di ba yung isa sa mga Engineer ng hotels and restaurants nila?" Tanong rin ni Mia.

"Ang gwapo talaga nya. Ano kaya ang ginagawa nya rito?" Sabi naman ni Julia.

Halos kilala ko na lahat ng mga kasama ko rito kaya alam ko na ang mga pangalan nila. Tinignan ko kung sino ang pinag-uusapan nila dahilan para mapatigil ako sa ginagawa ko.

"Good afternoon, Mr. President. What can we do for you?" Sabi ng trainor namin kay Adrian. Ngumiti naman si Adrian at tinignan ako. Ano na naman ang pinaplano ng lalaking to?

"Can I borrow one of your trainee?" Nakangiti nyang tanong habang nakatingin pa rin sa'kin.

"Oh Em! Anong ibig niyang sabihin sa hihiramin? Sino naman kaya sa'tin? Sana ako. Charoot." Kinikilig na bulong ni Julia sa'kin. Mapagbiro talaga ang babaeng to. Nasa tabi ko kasi sya ngayon.

Naglakad naman si Adrian papunta sa direksyon ko.

"OMG! Feeling ko palapit sya sa'kin." Kinikilig ulit na sabi ni Julia habang ako ay namumutla sa kaba.

"I'll just return her tomorrow." Sabi ni Adrian at hinablot ang kamay ko. Nakita ko naman ang gulat sa mukha ni Julia.

"OMG girl!" Sabi niya at tinaasan ako ng kilay.

Wala kasi akong sinabihan tungkol sa amin ni Adrian. Hindi rin ako nagpapahalata sa tuwing nagtatagpo kami sa loob ng kompanya kaya walang alam ang mga co-trainees ko.

"Teka! Hindi pa ako tapos sa ginagawa ko." Sabi ko sa trainor ko na tumatango-tango lang sa ginagawa ni Adrian.

"Just leave it there, Ms. Flores. You can excuse yourself." Sabi ng trainor namin kaya hinila na ako ni Adrian palabas ng training room.

Just like noong college pa kami, ginagamit na naman niya ngayon ang pagiging presidente niya para gawin ang gusto niya.

"Saan mo na naman ba ako dadalhin?" Naiinis kong tanong kay Adrian. Nasa kalagitnaan kasi ako ng training tapos nang didisturbo sya.

"I'm hungry." Tipid nyang sabi.

"Eh kinain mo sana yung pinaluto sa amin kanina." Sarcastic kong sabi.

"I missed you." Bigla nya namang sabi dahilan para magblush ako.

"A-ano na naman yang sinasabi mo. K-kanina lang tayo magkasama papunta rito eh." Sabi ko at hindi makatingin ng diretso sa kanya. Kung anu ano nalang talaga ang pinagsasabi ng lalaking to. Na miss daw? Eh magkasama lang kami kanina, kahapon at noong isang araw. Hinahatid sundo nya na kasi ako simula noong sinabi nya na liligawan nya ako ulit.

Wala naman akong choice dahil bigla-bigla nalang niya akong sinasakay sa kotse niya.

"You're blushing Keisha. Kinikilig ka ba?" Sabi nya ulit bigla. Gosh Adrian! Kailangan nya ba talagang itanong yun?

"Pinagsasabi mo? Hindi noh!" Sabi ko at naglakad ng mabilis.

Pumunta kami ni Adrian sa isang restaurant. Pero hindi sa restaurant nila.

"Bakit hindi na lang tayo nagpunta sa restaurant nyo? Para makalibre pa tayo." Tanong ko kay Adrian.

"Just eat, Keisha." Simpleng sabi lang niya.

"Nagsuplado na naman." Bulong ko saka umirap.

"You're acting cute again." Sabi nya kaya tinakpan ko agad ang labi ko. The last time kasi na sinabihan nya ako na nagpapacute, hinalikan nya ko.

Napatawa naman si Adrian sa ginawa ko.

"I'm just kidding." Natatawa nyang sabi. Pinaglalaruan nya ba ko? At kailan pa naging cute ang pag-irap? Hindi ba dapat nang-iinis yun? Baliw talaga tong si Adrian.

Habang kumakain kami, may nakita akong isang pamilyar na lalaki.

"Marco?" Sambit ko. Napatingin naman sya sa direksyon ko kaya kinawayan ko sya. Kumaway rin sya sa'kin at lumapit.

"Oh Keisha, sinong kasa-- Oh kasama mo pala si Adrian." Sabi ni Marco nang makalapit sya.

"Ah oo." Sabi ko at tinignan si Adrian na seryosong nakatingin kay Marco.

"Hello bro." Bati ni Marco kay Adrian. Tumango lang si Adrian kay Marco.

"I'm glad that you're together again." Sabi ni Marco na may halong lungkot. Pansin ko lang sa kanyang mga mata.

Matagal na rin kasi akong hindi nakakapunta sa restaurant niya dahil naging busy ako sa bago kong trabaho kaya hindi na kami madalas magkita. Pakiramdam ko ay iniiwasan niya rin ako dahil hindi na siya masyadong nagrereply sa mga text ko. Siguro dahil andito na ulit si Adrian kaya dumidistansya na siya.

"Yes. Thank you." Sabi ni Adrian at hinawakan ang kamay ko. Binawi ko naman ito kaagad.

I know I'm hurting Marco's feelings again. Nakokonsensya na naman ako dahil wala siyang ibang ginawa kundi ang protektahan ang puso ko. Siya ang dahilan kung bakit nagkabati kami ni Adrian dahil siya ang nag-explain kay Adrian sa tungkol kay Baby Kaizen. Ginawa niya yun para hindi ako malungkot. Pero ako, kabaliktaran ang ginagawa ko sa kanya.

"Well, congrats again." Sabi ni Marco at halata na naman ang lungkot sa kanyang mga mata kahit pinipilit na ngumiti ng kanyang labi. "By the way, may gagawin pa ko so I need to go." Paalam ni Marco at agad na umalis.

Pagkaalis ni Marco ay tinignan ko ng seryoso si Adrian.

"Adrian, I want you to know that Marco is a very good person. I don't want to hurt him." Sabi ko kay Adrian.

"That's why sinabi ko sa kanya na tayo na ulit. Para hindi na sya umasa. So that you won't feel sorry to him anymore." Sagot naman ni Adrian.

But I still did. I really feel sorry for him. Hindi naman ako manhid para hindi makaramdam ng awa para kay Marco. He's my bestfriend. Siya ang palaging nasa tabi ko sa tuwing may problema ako. That's why I really feel sorry for him. I can't love him back the way he loves me.

----
Please vote and comment ❤

CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (COMPLETED - UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon