Part 15

510 23 0
                                    

Malapit na talaga ang graduation kaya busy na masyado si Adrian para sa graduation practice, requirements at sa mga gawain nyang naiwan noong sya pa ang SSG President. May new elected SSG Officers na nga last month pero may mga responsibilidad pa rin na dapat tapusin si Adrian dahil sya ang dating President.

Nagtanong-tanong ako kung nasaan si Adrian dahil kahapon ko pa syang hindi nakikita dahil sa sobrang busy nga nya. May nakapagsabi naman sa akin na nasa SSG Office daw sya kaya nagpunta agad ako dun. Vacant rin kasi namin kaya nagpaalam muna ako sa mga friends ko na pupuntahan ko si Adrian.

Medyo nakabukas ang pinto ng SSG Office pagdating ko doon. Naririnig ko ang boses ni Adrian at ng isang lalaki na nag-uusap.

"So what's your plan bro? Tuloy ba ang paglipad mo ng Canada after graduation?" Tanong ng lalaki.

Ano daw? May balak na pumuntang Canada si Adrian? Hindi muna ako pumasok at pinakinggan ang pag-uusap nila.

"I can't bro. Hindi ko pwedeng iwan si Keisha." Sagot naman ni Adrian.

"Pero yun ang gusto ng daddy mo. Hindi ba matagal mo na ring pangarap yun." Sabi pa ng lalaki.

Bigla namang may kumagat na langgam sa paa ko kaya napasigaw ako.

"Aray!" Sambit ko.

"Pambihirang langgam, papatayin talaga kita." Bulong ko at tiniris ang langgam. Tuluyan ng bumukas ang pinto at lumabas si Adrian kaya umayas ako ng tayo.

"Oh Keisha. Kanina ka pa?" Tanong ni Adrian.

"Ha? Ahh--" -ako

"So you're Keisha." Sabi ng lalaking kausap ni Adrian kanina at nag-abot ng kamay para makipag shake hands.

"Hi! I'm Diego, pinsan ni Adrian kakauwi ko lang from Canada galing nag OJT." Pakilala ni Diego kaya tinaggap ko naman ang kamay nya at ngumiti. Kaya pala parang ngayon ko lang sya nakita. Siguro nakita ko na sya noon sa campus pero hindi ko lang napansin.

"Your hand bro." Nakakunot ang noo na sabi ni Adrian habang tinitignan ang kamay namin ni Diego na magkahawak kaya pareho kaming agad na bumitaw.

"Oops sorry! Protective pala masyado tong boyfriend mo Ms. Beautiful." natatawang sabi ni Diego sabay kindat sa'kin.

"Get lost bro." Sabi ni Adrian at tinignan ng masama si Deigo.

"Woah! Chill bro. Sige alis na ko." Sabi ni Diego at umalis na nga.

"Alam mo ang init ng ulo mo." Sabi ko kay Adrian.

Bigla ko namang naalala yung pinag-usapan nila kanina.

"Ahmm Adrian?" Tawag ko.

"Hmmm?" Sabi ni Adrian at tinignan ako sa mata.

"Kanina kasi, ang totoo niyan narinig ko yung pinag-usapan nyo ng pinsan mo." -ako

"I hope you don't mind it, Keish. Wag mo yun alalahanin. I promise you, hindi ako lalayo sa tabi mo." Paniguradong wika ni Adrian at hinawakan ang dalawa kong balikat.

"Pero pangarap mo yun di ba?" Nag-aalala kong tanong.

"Pangarap din kita at mas importante ka sa'kin." Sabi nya kaya napangiti ako.

"Ayan ka na naman sa pagpapakilig mo eh." Nakangiti kong sabi.

"Gusto ko lang malaman mo na hindi kita iiwan." Seryoso nyang sabi.

"Pangako?" -ako

"I promise." Sabi ni Adrian kaya niyakap ko sya ng mahigpit.

I don't want to be selfish but I don't want to be far from him also.

Maya maya pa ay may biglang pumasok.

"Sorry po! Sorry!" Nahihiyang sabi ng babaeng pumasok. Medyo may pagkanerd ang itsura nya, sya yata yung new Vice President. Lalabas na sana sya pero pinigilan ko.

"Miss teka lang." Pagpigil ko.

"Wala po akong nakita, wala po talaga akong nakita." Nakapikit na sabi ng bagong Vice President. Weird pero ang cute nya tignan. She looks so innocent na kahit yakap ay nataranta siya.

Natawa na lang kami ni Adrian sa naging reaksyon niya.

----

Please vote and comment 😘

CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (COMPLETED - UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon