Part 42

356 19 2
                                    

"Let's get married." Biglang sabi ni Adrian na ikinalaki ng mga mata ko.

"Seriously Adrian? What are you thinking? No, let me rephrase it. Are you even thinking?" Hindi mapakaling tanong ko kay Adrian. Magpapakasal? Ni hindi pa nga ako tanggap ng mommy nya eh. Tsaka hindi pa rin alam ng magulang ko na nagkabalikan na kaming dalawa.

"Of course Keisha. I'm doing this for Kaizen, for you, for us. I love you. And also, can you say no to him?" Tanong nya pabalik.

"But Adrian, my parents, your mom? Hindi natin pwedeng madaliin to." Naguguluhan kong sabi.

"Let's make our wedding private, Keisha. Let's make it a civil marriage." Paliwanag ni Adrian.

(Civil Marriage means ikakasal lang sa papel at pipirmahan lang ng halimbawa mayor.)

"But Adrian.." Hindi ko na maituloy ang sasabihin ko. May choice ba ko? I can't also say no to Kaizen and I love them both also.

"No buts, Keisha please. Let's do this for Kaizen. This is for us also. I love you." Seryosong sabi ni Adrian at niyakap ako.

"I trust you, Adrian. I love you, too." Sabi ko nang tumatango habang yakap-yakap niya.

Sinekreto nga namin ni Adrian ang kasal namin. Ang bahay ampunan lang ang may alam dahil pagkatapos naming makasal ni Adrian ng Civil ay inayos na namin ang mga papel para sa pag-aampon kay Kaizen.

Ang dahilan kung bakit kailangan naming magpakasal ni Adrian ay dahil hindi pwedeng ampunin ang isang bata kung hindi kasal ang magulang na mag-aampon. It was a difficult decision dahil ayoko rin sana magsinungaling sa mga parents namin but Adrian promised na maghahanap siya ng tamang tiyempo.

"I'll be a good husband and father, Keisha. I promise!" Nakangiting sabi ni Adrian matapos naming pirmahan ang papel para maging opisyal na ang pag-ampon namin kay Kaizen.

"Thank you Adrian. I love you." Nakangiti ko ring sabi sa kanya.

"I love you more." Sabi nya at hinalikan ako sa noo.

Bumalik na kami ni Adrian sa ospital para ibalita kay Kaizen na natupad na ang hiling nya.

"Kaizen!" Tawag ko agad kay Kaizen pagkapasok ng kwarto nya. Gising kasi sya at pinapakain ni Ate Clarissa.

"Mommy." Tawag naman ni Kaizen. Pansin ko pa rin ang panghihina ng boses nya.

"May good news si Mommy sa'yo." Excited kong sabi. Pinunasan na ni Ate Clarissa ang bibig nya dahil mukhang tapos na syang kumain.

"Ano po yun, Mommy? Excited na po si Baby Kaizen." Nakangiti nyang sabi. Tinignan ko naman si Adrian bago nagsalita.

"Natupad na ang wish mo na maging tunay mo kaming Mommy at Daddy." Natutuwa kong sabi.

Nakita ko naman ang tuwa sa mukha ni Kaizen.

"T-talaga p-po?..B-baby K-kaizen is v-very happy.. Thank y-you po!" Nilapitan ko agad si Kaizen dahil mukhang nahihirapan sya sa pagsasalita.

"Baby, are you okay? Bakit parang nahihirapang kang huminga?" Kinakabahan kong tanong dahil mukhang nahihirapan sya sa paghinga at nakahawak na sya sa bandang puso nya.

"Ate Clarissa. Call the nurse or the doctor please." Mabilis na sabi ni Adrian kay Ate Clarissa.

"Opo sir." Natatarantang sagot naman ni Ate Clarissa at mabilis na tumakbo palabas ng kwarto upang tumawag ng Doctor.

"Hold on baby, okay? Mommy is here." Nanginginig kong sabi habang hinahawakan ang kamay ni Kaizen.

"Calm down Keisha. Papunta na ang Doctor dito." Sabi ni Adrian at dumating na nga ang Doctor.

"Please wait outside, ma'am sir." Sabi ng doctor kaya inalalayan ako ni Adrian palabas ng kwarto.

"Anong n-nangyayari?" Hindi mapakaling tanong ko. Nagsimula na naman ang pagtulo ng mga luha ko.

"Calm down Keisha. Everything's gonna be okay." Sabi ni Adrian at hinaplos ang likod ko.

Mga ilang minuto rin ang lumipas bago lumabas ang Doctor.

"Kumusta po si Kaizen?" Agad kong tanong sa doctor.

"He's okay for now. Kailangan pa rin namin syang obserbahan at may gagawin ulit kami na mga test." Sagot ng doctor.

Nanghina ang tuhod ko kaya agad akong hinawakan ni Adrian sa magkabilang braso.

"Thank you, doc. Please do everything to save our child." Pakiusap ni Adrian sa Doctor. Tumango lang ang doctor at umalis na.

"He'll be okay, right?" Tanong ko kay Adrian.

"Yes of course. Let's be strong for him." Sagot niya.

----
Please don't forget to vote. Thank you!

CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (COMPLETED - UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon