Naging successful ang operasyon ni Kaizen pero sabi ng Doctor, kailangan pa rin daw siyang obserbahan dahil baka may maging komplekasyon. Isang araw na ang lumipas matapos ang operasyon pero hindi pa rin nagigising si Kaizen. Sabi naman ng Doctor na maghintay lang daw kami.
Pumasok na rin ako sa trabaho kahit minsan parang wala naman ako sa sarili. Andami ko na rin kasing absent at hindi ko pwedeng pabayaan ang trabahi ko. Sinabi ni Adrian na bibigyan nya raw ako ng leave para makapagpahinga pero hindi ako pumayag. Palagi na lang kasi akong umaasa kay Adrian, nakakahiya na.
"Okay lang ba kayo Chef Keisha?" Tanong ng isa sa mga Assistant Cook ko.
"Yes, I'm okay." Sagot ko kahit medyo sumasakit ang ulo ko.
"Sigurado po kayo? Mukhang namumutla po kasi kayo." Tanong nya ulit.
"Okay lang talaga ako." Sabi ko at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
Nagpasalamat ako dahil natapos din ang shift ko. Kailangan kong puntahan agad si Kaizen.
"Ate Clarissa, nagising na po ba si Kaizen?" Tanong ko kay Ate Clarissa pagkarating ko ng ospital. Siya pa rin ang nagbabantay kay Kaizen.
"Opo, Ms. Keisha. Pasensya na po kung hindi ko sinabi kaagad. Baka po kasi magmadali na naman po kayong pumunta dito sa ospital." Sabi ni Ate Clarissa. Lumiwanag naman bigla ang mukha ko. Lord! Salamat talaga.
"Okay lang po Ate. Pwede ko na ba syang makita?" Tanong ko.
"Oo naman po. Pasok kayo." Sabi ni Ate Clarissa at pinagbuksan ako ng pinto.
Pagkapasok ko ay nakita ko agad si Baby Kaizen. Nanghihina pa rin sya pero nakabuka na ang mga mata nya.
"Mommy.." Nanghihinang tawag ni Kaizen sa'kin nang makita ako.
"Hi baby, I miss you." Sabi ko at hinalikan si Kaizen sa noo. Naiiyak ako habang tinitignan sya pero pinipigilan ko ang sarili ko.
"Me too, Mommy. Asan po si Tito Handsome?" Tanong nya.
"Susunod sya dito, baby." Sagot ko. Medyo busy kasi si Adrian kaya sinabi ko na mauuna na lang akong pumunta ng ospital.
Mga ilang oras ng paghihintay ay dumating din si Adrian. Tumayo ako nang bumukas ang pinto at pumasok si Adrian.
"Keisha! Sorry medyo natagalan ako." Sabi nya at nilapitan ako para halikan sa pisngi.
"It's okay." Sagot ko naman.
"Kumusta si Kaizen? Nagising na ba sya?" Tanong nya at tinignan ang natutulog na si Kaizen.
"Oo. Nakatulog lang sya ulit." Sagot ko.
"Thanks God." Sabi nya at niyakap ako.
"Thank you, Adrian. Thank you for being with me and Kaizen." Sabi ko.
"I'm doing this because I love you. I love the both of you." Sabi naman nya.
Napangiti naman ako at niyakap ng mas mahigpit si Adrian. I love him too. I love him so much.
Maya-maya'y nagising na rin ulit si Kaizen.
"Mommy?" Tawag nya.
"Oh baby, do you need something?" Sabi ko at nilapitan si Kaizen.
"I'm hungry." Sabi nya.
"Ganun ba. May dinalang fruits si Tito Handsome mo. Gusto mo ba?" Sabi ko kaya tumayo si Adrian para kunin ang prutas na dinala nya.
"Tito Handsome?" Tawag ni Kaizen kay Adrian.
"Oh little boy." Banggit ni Adrian at lumapit kay Kaizen dala ang prutas. "Gusto mo ba nito? Kapag kinain mo to magiging strong ka na ulit." Nakangiting sabi ni Adrian.
"Talaga po? I want to eat that. Para makauwi na po si Baby Kaizen. Ayoko na kasi dito." Malungkot na sabi ni Kaizen.
"Of course, baby. Kaya magpalakas ka para makauwi na tayo." Nakangiti kong sabi.
Sinubuan ko si Kaizen at nakita kong nakangiti na sya habang kumakain. Si Adrian naman ay nakaalalay kay Kaizen.
"Tito Handsome? Can I call you Daddy?" Biglang tanong ni Kaizen kaya nagkatinginan kami ni Adrian. Nakangiti akong tumango kay Adrian.
"Sure, baby. You can call me Daddy Adrian." Nakangiting sagot ni Adrian.
"Thank you po. Baby Kaizen is very happy." Natutuwang sabi ni Kaizen kaya natutuwa rin ako.
"Busog ka na ba, baby? What else do you want?" Tanong ko kay Kaizen nang matapos syang kumain.
"Mommy, Daddy, can I make a wish?" Tanong ni niya.
"Yes, baby. Anything you want." Si Adrian na ang sumagot.
"Pwede ko po ba kayong maging tunay na Mommy at Daddy?" Sabi ni Kaizen dahilan para magkatinginan ulit kami ni Adrian. Biglang hinawakan ni Adrian ang kamay ko.
"Ah.. baby.. kasi.." Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi namin pwedeng ampunin si Kaizen dahil hindi pa naman kami kasal ni Adrian. Ayoko rin namang sabihin kay Kaizen na hindi pwede dahil baka masaktan sya.
"Sure, baby Kaizen. Magiging tunay na mommy at daddy mo na kami ng Mommy Keisha mo." Nakangiting sabi ni Adrian at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.
"Talaga po? Ang saya po ni Baby Kaizen. I love you Mommy Keisha. I love you Daddy Adrian." Sobrang tuwa na sabi ni Kaizen. Hindi pa rin ako makapag react at tinignan lang si Adrian.
Bumukas naman ang pinto at pumasok si Ate Clarissa. Kaya sinabi ko sa kanya na bantayan muna si Kaizen dahil lalabas muna kami ni Adrian.
"Adrian, bakit mo sinabi kay Kaizen yun? What are you planning?" Naguguluhan kong tanong kay Adrian pagkalabas namin ng kwarto ni Kaizen.
"Keisha, let's get married." Diretsong sabi ni Adrian na ikinalaki ng mga mata ko.
Ano tong iniisip ni Adrian? Seryoso ba siya?
----
Please vote. Thank you!
BINABASA MO ANG
CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (COMPLETED - UNDER REVISION)
RomanceCrush Ko Si Mr. President This story has already been completed with 49 chapters but is currently under revision. Please support!! Thank you :) Introduction: I met a guy named Adrian Ortiz. He is the SSG President in our school. He is famous and per...