"Hello Deigo? Hindi pa rin ba pumupunta si Adrian dyan sa ospital?" Tanong ko kay Diego sa kabilang linya. Hindi na ako nagtagal sa ospital dahil gusto kong hanapin si Adrian.
Hindi pa rin kasi sya nagpaparamdam hanggang ngayon. 7pm na pero hindi ko pa rin sya nahahanap. Nagriring ang phone nya kapag tinatawagan ko pero hindi nya sinasagot. Sigurado akong nag-aalala na ang mommy nya.
"Adrian? Ano ba! Bakit hindi ka sumasagot?" Sabi ko habang dinadial pa rin ang kanyang numero.
Pinuntahan ko na lahat ng lugar na pwede nyang puntahan pero wala sya doon. Nag-aalala na talaga ako ng sobra para sa kanya.
9pm na ngunit wala pa rin. Maya-maya'y biglang tumunog ang phone ko. Mabilis ko itong binunot sa bag at tinignan kung sino ang tumatawag. Bumilis ang tibok ng puso ko ng magregister ang numero ni Adrian.
"Hello? Hello Adrian?" Tawag ko. Medyo matagal pa bago nagsalita si Adrian.
"K-keisha. I need you." Mahinang sabi ni Adrian. Halata sa kanyang boses na lasing sya at umiiyak.
"Adrian? Nasan ka? Pupuntahan kita agad dyan." Sabi ko.
Sinabi ni Adrian ang address. Nasa isang bar sya at nagpapakalasing. Agad akong pumara ng taxi para puntahan sya. Nang makarating ako sa bar, nakitang kong nakayuko si Adrian sa isang table mag-isa kaya agad ko syang nilapitan.
"Adrian? Are you okay?" Tanong ko na napaka nonsense. Obvious naman kasi na hindi sya okay. Inangat nya ang kanyang ulo at tinignan ako gamit ang napakalungkot nyang mga mata. Kasalanan ko to kung bakit sya nagkakaganito. Nahihirapan syang magdesisyon kung ano ang pipiliin niya.
"Kasalanan ko kung bakit nangyari kay daddy yun." Malungkot na sabi ni Adrian.
"Hindi Adrian. Hindi mo kasalanan." Sabi ko sa kanya. Ako talaga ang may kasalanan. Kung hindi ko sinabi kay Adrian na mangako sa'kin na huwag akong iwan, hindi nya susuwayin ang daddy nya. I've been so selfish.
"No! It's all my fault. I love you, Keisha. Ayokong malayo sa'yo. Bakit kasi hindi nila maintindihan." Naiiyak na sabi ni Adrian.
Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko sa sinabi ni Adrian. Agad ko naman itong pinunasan para hindi nya ito makita. Takot rin akong maiwan. Ayaw kong malayo sa kanya dahil mahal na mahal ko rin sya.
"Adrian. Umuwi ka na lang muna sa inyo. Magiging okay rin ang daddy mo." Sabi ko na lang dahil baka mas lalo lang akong maiyak. At sigurado rin akong hinahanap na siya sa kanila.
"Ayoko. Ayoko munang umuwi. Please, Keisha. Wag muna tayong umuwi." Nagmamakaawang sabi ni Adrian.
Labag man sa loob ko pero wala akong nagawa kaya dinala ko na lang si Adrian sa isang hotel para makapagpahinga.
"Thank you, Keisha. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag mawala ka." Sabi nya.
"Magpahinga ka na." Sabi ko na lang. I'm sorry Adrian pero ayoko ng magpakaselfish.
"I love you." Sabi ulit ni Adrian at hinalikan ako. Puno ng kalungkutan ang kanyang mga halik kaya naisipan kong pasayahin sya. Masyado rin akong nadala sa emosyon.
Kaya sa gabing yun, naibigay ko ang sarili ko sa kanya na pinagsisihan ko kinaumagahan.
Hindi ko dapat binigay ang sarili ko sa kanya dahil may mahalaga akong desisyon na dapat gawin. Yun ay ang umalis muna sa buhay ni Adrian upang hindi maging sagabal sa kanyang mga pangarap. Sana mapatawad ako ni Adrian.
----
OMG! What will happen next? Tell me your thoughts readers 😮 Please vote and comment 🙏
BINABASA MO ANG
CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (COMPLETED - UNDER REVISION)
RomanceCrush Ko Si Mr. President This story has already been completed with 49 chapters but is currently under revision. Please support!! Thank you :) Introduction: I met a guy named Adrian Ortiz. He is the SSG President in our school. He is famous and per...