FAAASTFOOORWAAARD
Two months na kaming in a relationship ni Adrian. Sa two months na yun ay madami na kaming napagsaluhan na masasayang ala-ala. Minsan may mga selos selos pero ganun naman talaga.
Nandito kami ngayon sa mall at kumakain ng ice cream.
"Adrian?" Tawag ko sa kanya.
"Oh?" Sagot nya habang nakatingin sa malayo.
"Malapit na ang graduation. Gagraduate ka na. Saan mo balak magtrabaho?" Tanong ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakain ng icecream.
"Kahit saan basta malapit sa'yo." Sagot nya at tinignan ako saglit. Napangiti lang ako sa sagot nya.
"Adrian?" Tawag ko ulit sa kanya. Ngayon ay nakatingin na sya sa'kin talaga.
"Two months na tayo pero ngayon ko lang itatanong to sa'yo." -ako
"Ano yun?" -siya
"Bakit mo ako nagustuhan?" -ako
"Do I need a reason to like you?" Sabi nya at tinignan ako ng seryoso kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Tss. By the way, bakit mo ko ginawang rule breaker ng school? " Medyo irita kong tanong. Naalala ko kasi yung punishment niya. Hindi ko naman sinasadya yung mga yun.
"Oh I really forgot to say sorry about that. Pero kung hindi naman dahil dun, wala kang gwapong boyfriend ngayon." Nakangisi niyang sabi.
Napairap naman ako. Yabang!
"Siguro sinadya mo yun no. Para makita mo ko everyday, ganun ka ka patay sa'kin." Sabi ko naman para sana gumanti kaso.
"You're right. I'm deeply inlove with you." Sabi niya na nagpakilig na naman sa'kin. Wala talagang preno ang lalaking to magpakilig.
Tumahimik na ko dahil pakiramdam ko namumula na naman ang mukha ko.
Pinagpatuloy na lang namin ang pagkain ng icecream. Habang kumakain ay may dumaan na babae sa harap namin. Nahulog nya ang kanyang panyo sa paanan ni Adrian at pinulot naman ito ng hero kong boyfriend.
"Miss, panyo mo oh nahulog." Sabi ni Adrian habang binibigay ang panyo sa babae. If I know sinadya ng babaeng to ang paghulog sa panyo nya *rolled eyes*. Maganda naman sya at kutis mayaman.
Kinilig naman ang babae habang inaabot ang panyo. "Salamat ah." Parang nakikiliti nitong sabi at tinignan ng malagkit si Adrian. Ito namang si Adrian ay nakipagtitigan rin.
"Excuse me girl, girlfriend here." Gusto ko sanang sabihin pero wag na lang baka isipin pa ni Adrian na nagseselos na naman ako.
"Let's go, love. Alis na tayo." Sabi ko kay Adrian at kumapit sa braso nya para hilahin palayo sa babae.
"Where are we going, love?" Panunuksong sabi ni Adrian. Binitawan ko naman agad ang braso nya dahil sa inis at mabilis na naglakad.
"Wait for me, love." Panunuksong tawag na naman ni Adrian.
Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ng mabilis at tinakpang ang aking tenga. Ewan ko pero naabutan pa rin ako ni Adrian at hinawakan ang braso ko.
"Are you jealous about earlier, Ms. Flores?" Nakangiti nyang tanong.
"Why would I?" -ako
"Nagpapalambing ka lang eh." Sabi nya at mabilis akong hinalikan sa labi. Tinakpan ko agad ang bibig ko pagkatapos ng ginawa nya. Tinignan ko ang paligid at buti wala masyadong tao.
"Hoy! Nasa public tayo. Baka isipin ng mga tao PDA tayo." Sabi ko.
"I don't care. I want to show them how much I love you." -siya
"Pero kung makakita ng ibang babae, bigla akong nakakalimutan." Mahina kong sabi.
"You're jealous." Nakangiti nyang sabi.
"Hindi nga sabi." Depensa ko. Pero pinipilit pa rin nya na nagseselos daw ako.
Pagkatapos ng ilang oras ng pagdedebate namin ay naisipan na naming umuwi. Hinatid nya naman ako sa bahay.
"Good bye! Pasok na ko sa loob." Sabi ko sa kanya.
"Teka lang." -siya
"Yes?" -ako
"Goodbye kiss." -siya
Oo nga pala. Agad akong lumapit sa kanya at hinalikan sya. Smack lang naman pero three times. Medyo nakakarami yata tong lalaking to ngayon pero gusto ko rin naman. Sorry na!
Ang saya ko na sana nang may biglang bumusinang sasakyan sa likod ko. Pagtingin ko ay biglang nanlaki ang aking mga mata dahil sasakyan namin yung bumusina.
"Lagot na!" Sabi ko at napapikit. Alam na nila mama na may boyfriend ako pero hindi pa nila ito nakikilala.
Lumabas si mama sa sasakyan at tinignan si Adrian mula ulo hanggang paa. Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo. Mukhang hindi nya yata nagustuhan si Adrian kaya bigla akong kinabahan. Lumabas na rin si papa ng sasakyan at tinignan si Adrian sa mata. Mas lalo pa akong kinabahan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Tinignan ko naman ang mukha ni Adrian na napakakalmado pa rin kahit sa ganitong sitwasyon.
Hindi ba sya kinakabahan na harapin ang parents ko? Hindi naman strikto sina mama at papa pero first time kong magpakilala ng boyfriend. At saka nakita kaya nila yung kiss????
----
Please like and subscribe charoot hahaha please vote and comment 😉😂
BINABASA MO ANG
CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (COMPLETED - UNDER REVISION)
Roman d'amourCrush Ko Si Mr. President This story has already been completed with 49 chapters but is currently under revision. Please support!! Thank you :) Introduction: I met a guy named Adrian Ortiz. He is the SSG President in our school. He is famous and per...