Hi, ako nga pala si Keisha Flores. Sabi ng iba, maganda raw ako, matangkad, at matalino, pero wala naman akong kasikatan. Isa akong 18-anyos na HRM student sa isang unibersidad.
Noong unang taon ko sa unibersidad, nagka-crush ako sa isang tao, take note ha, NOON pa 'yun! Pangalan niya ay Adrian Ortiz—mayaman, matalino, gwapo, matangkad, at siyempre, sikat na sikat sa campus namin. Siya ay isang graduating student sa Engineering Department, kaya naman halos lahat ng kababaihan (at pati na rin ilang kalalakihan) ay nagkakandarapa sa kanya.
Nakilala ko si Adrian noong tumakbo siyang SSG President. Noong una, dedma lang ako. Pero habang tumatagal, aba, nahuhulog na rin ako. Paano ba naman, parating siyang nakangiti kapag nagkakasalubong kami sa hallway, at naku, ang charming ng smile niya, parang 'yung smile ng mga bida sa mga teleserye! Tapos, napapansin ko rin siyang tumutulong sa mga kaklase niya sa paglutas ng math equations. Sobrang impressive, 'di ba? Pero 'eto na, sa likod ng charming smile na 'yun, may itinatagong pagkabwisit si Adrian na hindi ko inakala.
Isang araw, pumunta ako sa opisina ng SSG para magpapirma ng clearance. Medyo kinakabahan pa nga ako kasi, well, siya 'yung nandoon. Kumatok ako sa pintuan at agad naman niya itong binuksan.
“Magandang hapon po, Mr. President,” bati ko kay Adrian habang nakangiti. Wala pa akong ideya sa oras na 'yun na sa likod ng gwapong mukha niya, may pagka-demonyo pala.
“Ano ang kailangan?” seryoso niyang tanong habang tinititigan ako.
“Magpapapirma po sana ako ng clearance,” mahinahon kong sabi.
“Ano ang pangalan?” tanong niya ulit, na para bang hindi niya kilala ang pangalan ko, kahit nagkakasalubong kami halos araw-araw.
“Keisha Flores po,” sagot ko, at nagsimula na siyang mag-type sa computer niya.
“May dalawang event sa paaralan na hindi ka pinuntahan.”
“P-po?” natataranta kong tanong. 'Yung boses ko, parang daga na napugutan ng buntot.
“Bingi ka ba?” naiinis niyang tanong.
“Ha? Hindi po,” mabilis kong depensa. Pero sa isip-isip ko, "Excuse me? Sino'ng bingi ngayon?"
“Alam mo ba ang mga consequences kapag hindi ka nakadalo sa mahahalagang events ng paaralan?”
“Kasi po noong mga panahong 'yun, naospital po ang lolo ko at walang mag-aalaga,” pinaliwanag ko. Sa loob-loob ko, "Sana naman maintindihan niya 'to."
“Kaya kasalanan ko ba kung bakit naospital ang lolo mo?” sagot niyang sarcastic.
"Excuse me again?" Bulong ko sa sarili ko, pero sa kanya, sabi ko, “Hindi po sa ganun, kaya lang baka puwedeng—”
Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko, iniabot na niya sa akin ang isang maliit na papel na may nakasulat na: “Clean the comfort room ng HRM Department ng tatlong araw.”
“That's your punishment for not attending two events of our school,” seryoso niyang sabi habang inaabot ang papel.
“Seryoso po kayo dito?” tanong ko habang nanlalaki ang mata.
“I'm busy. Pwede ka ng lumabas,” sabi niya habang tinuturo ang pinto. Aba, tinataboy na ba ako nito?
Hindi ko napigilan ang sarili ko. “Grabe naman po 'tong parusang 'to. Baka gusto mong ireklamo ko kayo sa admin ng school na 'to,” matapang kong sabi, kahit kinakabahan din ako.
“Give me the paper,” sabi niya habang nilahad ang kamay. Napa-smirk ako at inabot ang papel.
May binura siya at pinalitan. Akala ko naman, mababawasan ang parusa. Pero sa halip... “FIVE DAYS TO CLEAN THE COMFORT ROOM?” gulat kong sabi. "Aba! Ang kapal ng..."
“Sumang-ayon ang admin ng school na 'to sa mga consequences na ibibigay namin, kaya kung wala ka nang reklamo, you may go,” sabi niya sabay ngisi, na parang kontrabida sa pelikula.
Wala akong nagawa kundi ang lumabas ng opisina niya na nakabusangot. “Nakakainis ang lalaking 'yun. Binoto ko pa naman siya noong eleksyon dahil akala ko mabait siya. 'Yun naman pala ay pakitang-tao lang! Totoo talaga ang kasabihan na 'looks can be deceiving.' Pero tignan natin, Adrian Ortiz. Hindi pa tayo tapos!”
----
Please click the star to vote if you love this chapter 😉
BINABASA MO ANG
CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (COMPLETED - UNDER REVISION)
RomanceCrush Ko Si Mr. President This story has already been completed with 49 chapters but is currently under revision. Please support!! Thank you :) Introduction: I met a guy named Adrian Ortiz. He is the SSG President in our school. He is famous and per...