Part 22

448 17 0
                                    

Maaga akong gumising dahil excited ako para sa final interview ko sa Zitro Company.

"Lord! Sana makapasa ako sa final interview." Sabi ko at nag-crossed fingers. Isa sa pinakasikat na kompanya ngayon ang Zitro. Mayroon silang more than 100 hotels and restaurants sa iba't-ibang parte ng Pilipinas. Kaya noong may unknown number na biglang nagtext sa akin na mag-apply ay pinuntahan ko agad ang kompanya. Hindi ko alam kung bakit sila nagtext sa'kin pero sa tingin ko baka may kakilala akong nag recommend sa'kin kasi palagi kong sinasabi sa mga friend ko na naghahanap ako ng trabaho.

Nandito na ako ngayon sa harap ng Zitro Building. Kinakabahan na naman ako. Pagkapasok ko ay agad akong nilapitan ng isang staff.

"You are Ms. Flores?" Tanong ng babaeng staff.

"Yes ma'am, it's me." Sagot ko.

"Okay, I'm the President's secretary. Follow me this way Miss." Pagpapakilala nya at tinuro sa akin ang daan.  Sumakay kami ng elevator at pumunta sa 8th floor. Sinundan ko lang sya. Tumigil kami sa harap ng malaking pinto na may nakasulat na 'Office of the President'. Ito lang ang nakikita kong pinto sa 8th floor.

"Woah! Office of the President lang ang nasa floor na to?" Namamangha kong sabi. Pero bakit dito ako dinala ng babaeng staff na to. Wait! Sabi nya kanina sya ang secretary ng--????

Pumasok kami sa isang pinto, pero pagkapasok namin ay meron ulit pinto. Bali private room siguro yun at mukhang nandoon ang President ng kompanya.

"Wait here Miss, I'll just tell the President that you are already  here." Sabi nya at kumatok sa pinto.

"P-president?" Gulat kong tanong dahil hindi pa rin ako makapaniwala, mas lalo tuloy akong kinabahan. Ang Presidente ba mismo ng kompanyang to ang mag-iinterview sa'kin?

"Yes ma'am. The President will be the one to give you the final interview." Sabi ng secretary na mukhang nabasa ang iniisip ko at pumasok na sa loob ng private room.

WHAT??? Grabe naman tong kompanyang to. Kailangan ba talaga na ang presidente mismo ang mag-final interview? Di ba pwedeng ang HR nalang?

"You may now enter, Miss." Sabi ng staff pagkalabas at inilahad sa akin ang daan papasok. Huminga muna ako ng malalim at nag sign of the cross bago pumasok.

Confident akong pumasok sa loob ng opisina. Ganun kasi dapat. Hindi daw pwedeng mapansin ng interviewer na kinakabahan ka. Stand up straight, smile, and be yourself, yan ang mga tips during interview.

Pero sa totoo niyan, nanginginig talaga ang mga binti ko.

"Goodmorning, Mr. President." Bati ko sa lalaking nakaupo sa swivel chair na nakatingin sa malaking glass window na kita ang magandang view sa labas. Hindi ko masyadong makita ang mukha nya dahil nakatalikod nga sya. But he looks familiar at sana hindi sya ang taong iniisip ko.

"What can I do for you?" Tanong nya at dahan dahan humarap sa'kin. Ewan ko pero parang nag dejavu. Feeling ko nangyari na to. Napapikit ako sa sobrang kaba. Nakaramdam ako ng hindi maganda kaya agad akong umiwas ng tingin bago paman siya makaharap ng tuluyan.

"I..I'm here for the final interview, sir." Sagot ko nang hindi tumitingin. Parang sasabog ang puso ko sa kaba. OMG! Sana mali ang iniisip ko. Sana namalikmata lang ako.

"Okay, so Keisha Flores?" Sabi nya dahilan para mapatingin ako sa kanya ng tuluyan.

Siya nga. Nakasout sya ng tuxedo. Medyo nagmature na ang mukha niya pero mas lalo syang gumwapo. Napakaprofessional ng itsura nya. Dati ay Presidente lang sya ng mga studyante sa eskwelahan pero ngayon President na sya sa isa sa pinakasikat na kompanya sa Pilipinas. Natulala ako habang tinitignan ang kanyang mukha.

Nanaginip ba ko?

"Please take your seat Ms. Flores." Seryoso niyang sabi na nagpabalik sa akin sa aking sarili. Bakit kakaiba talaga sa pakiramdam kapag sya ang tumatawag sa akin nyan? Tinignan ko ang kanyang mga mata at nagkatinginan kaming dalawa.

He acts like his old self. Yung kinainisan ko dati na seryoso at parang walang pakialam sa'kin.

"A-Adrian." Banggit ko sa pangalan nya.

Why is he acting like this? Nakalimutan niya na ba ang magagandang pinagdaanan namin noon?

----
Please vote and comment 😘

CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (COMPLETED - UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon