Nagulat ako nang makita ang mukha ng mommy ni Adrian pero binati ko pa rin sya. May kasama syang isang babae. Petite, maputi, matangos ang ilong at medyo singkit ang mata. Overall, maganda sya at magara ang kanyang pananamit.
"You look familiar? You are?" Tanong ng mommy ni Adrian sa'kin.
"Keisha Flores po." Pagpapakilala ko. Medyo nag-iba ang awra ng mommy ni Adrian. Or baka kinakabahan lang ako dahil hindi maganda iyong huli naming pagkikita.
"Oh. Now I remember. Nice to see you again, hija." Sabi nya.
"Nice to see you rin po." Sabi ko naman.
"Oh, so you are the great Keisha Flores." Biglang sabi ng babae na kasama ng mommy ni Adrian.
"Right. By the way hija, this is Camille. Adrian's fiance." Pagpapakilala ng mommy ni Adrian sa babaeng kasama niya.
Medyo nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng mommy ni Adrian.
Ikakasal na pala siya? Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko pero binaliwala ko nalang.
"Nice to meet you, Keisha. I heard a lot from you." Nakangiting sabi nito at naglahad ng kamay.
"H-hello. Nice to meet you too." Sagot ko naman at pilit na ngumiti.
"Anyway, what are you doing here, hija?" Takang tanong ng mommy ni Adrian.
Naku! Baka akala nito na nandito ako para balikan si Adrian at guluhin ang kasal niya?
"Ahh. I applied for--" Hindi natuloy ang sasabihin ko nang magsalita ulit yung fiance daw ni Adrian.
"Tita, I'll go first to Adrian. Can't wait to see him." Excited na sabi ni Camille habang nakatingin sa cellphone niya.
"Sure. I'm sure Adrian is excited to see you too. Did he text you again?" Tanong ng mommy ni Adrian at kinikilig na tumango naman si Camille. Mukhang nakalimutan yata nila na nandito pa ko.
"So again hija, what are you saying?" Baling ulit ng mommy ni Adrian sa'kin habang si Camille ay mukhang kinikilig na nagtatype sa phone niya.
I don't know pero nakakaramdam ako ng insecurities. She's really pretty and she looks kind and innocent.
"She's here for a job mom." Biglang sabi ni Adrian na nasa likod ko na pala.
"Adrian, you're here! I'm just about to send my reply." Nakangiting sabi ni Camille at lumapit kay Adrian para halikan ito sa pisngi.
Napatingin si Adrian sa'kin kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
"Oh son, why did you go outside? We're already on our way to your office." Nagagalak na sabi ng mommy ni Adrian.
This is awkward.
"Mauna na po ako." Paalam ko dahil mukhang out of place na ko at saka medyo masakit na sa mata ang mga nakikita ko. At baka kung magtagal pa ko, pati puso ko sumakit na rin. Hay naku, napapahugot tuloy ako.
Hinintay ko ulit na bumukas ang elevator.
"Mom and ahh.. Camille, just wait for me at the office." Rinig kong sabi ni Adrian at sakto naman ang pagbukas ng elevator. Pagkapasok ko ay biglang sumunod si Adrian na ikinagulat ko.
Medyo umatras ako pagkapasok nya.
"Ground floor?" Tanong ni Adrian.
"Ha? Ah oo." Sagot ko kaya pinindot nya ang para ground floor. Na feel ko ang napaka awkward na atmosphere. Tinitignan ko sya paminsan minsan pero seryoso lang syang nakatingin sa pinto ng elevator.
"Congrats, ikakasal ka na pala." Bigla kong sabi na ikinagulat ko rin. Ugh! Bakit ko yun nasabi? Traydor talaga tong dila ko. Sarap putulin. Kanina ko pa kasi iniisip ang tungkol sa kanila ni Camille.
Hindi umimik si Adrian pero napansin kong kumunot ang kanyang noo kaya yumuko na lang ako. Kaso bigla na namang nagsalita ang dila ko. Ewan pero gusto ko lang kumpirmahin kung ikakasal na ba talaga siya.
"Saan kayo nagkakilala? Infairness mukhang mabait at saka maganda rin." Sabi ko. Ang bitter pakinggan pero ewan ko na talaga.
Lumingon na ngayon si Adrian at tinignan ako.
"Stop it. You're talking about things that are not true." Naiinis nyang sabi.
Ewan pero medyo napangiti ako sa sinabi niya. Talaga lang ah?
"Naku! Aminin mo na. Hindi mo naman sya kailangang ideny eh. Siguro noong ako pa yung girlfriend mo, dinideny mo rin ako sa iba." Pinalo ko agad ang bibig ko pagkatapos kong sabihin ang sinabi ko. Ano na naman yung sinabi ko? Bakit kailangan ko pang banggitin ang nakaraan?
"I said stop it, it's not what you think." Tuluyan na talagang nainis si Adrian at tinignan ako ng masama.
"T-teka, tatahimik na. S-sorry." Kinakabahan kong sabi dahil unti-unti siyang lumalapit sa'kin.
"You shouldn't have mentioned the past, Keish. It's tempting me, you know." Sabi ni Adrian na mas lalong nagpakaba sa'kin.
"A-Adrian, a-anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sabay ang biglang pagbukas ng elevator. Mapapahinga na sana ako ng malalim ng isara ito ulit agad ni Adrian at pinindot ulit patungong 8th floor. Anong ginagawa nya?
Lalo pa syang lumapit sa'kin at ng isang ruler na lang ang layo namin, bigla nyang hinawakan ang mukha ko at.... hinalikan ako.
"You know me well. Hindi uso sa'kin ang torpe at magpakipot, Kiesh. And.. I really can't control my feelings." Biglang sabi ni Adrian at hinalikan ako ulit.
----
Please vote and comment 😉
BINABASA MO ANG
CRUSH KO SI MR. PRESIDENT (COMPLETED - UNDER REVISION)
RomantikCrush Ko Si Mr. President This story has already been completed with 49 chapters but is currently under revision. Please support!! Thank you :) Introduction: I met a guy named Adrian Ortiz. He is the SSG President in our school. He is famous and per...